Now Playing: Narda (Part 1)

9.1K 185 28
                                    

#10 Narda by Kamikazee

Kabubukas pa lang ng TV ng nanay ni Vice ay ang misteryosong babae na naman ang nasa balita ng lahat ng channel. 

"Isang nasusunog na building na naman ang ni-rescue ng ating pambansang superhero na tinatawag ang sarili nyang si Darna. Ang nasabing sunog ay nagsimula daw sa 27th floor at halos naging critical hanggang sa 10th floor. Sa tulong ni Darna, wala namang nasaktan sa halos limang libong employees ng building. Nagpaka bayani pa ang ating superhero at sinagip ang dalawang nakatatandang babae na nasa 24th floor na hirap makalabas ng building dahil sa edad ng mga ito."

"Ang bait talaga nyang si Darna noh?"

Vice crossed his arms at tumango habang pinapanood ang balita which was showing a clip of Darna na nililipag yung mga matandang babae pababa ng building. Napangiti naman si Vice, "Sino nga kaya sya nay? Kilala kaya natin yan?"

"Ang laki ng Metro Manila anak, imposible naman yan."

Tumawa si Vice at nag agree na lang, "Sa bagay po... Sige 'nay, may date pa kami ni Karylle eh." sabi ni Vice at nag beso na sa nanay nya bago umalis. 

--

Nasa isang japanese restaurant si Vice habang hinihintay ang girlfriend of 6 months nyang si Karylle. They met when they were in college at naging instant na ang chemistry nila.. Pero naging mag kaibigan lang sila during that time kasi nga natatakot silang mawala yung spark, kaya it was only 2 years after graduating na sinubukan nilang mag date. So far so good naman, except sa pagiging late fifty percent of the time ni Karylle sa mga dates nila. 

Dumating si Karylle after fifteen minutes na hinihingal at magulo pa ang buhok kaya lumapit ito kay Vice na sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri nya sa kamay. She adjusted her glasses and dropped her bag before she sat down opposite Vice. Pinanood lang sya ni Vice with a loving smile on his face.

"Ang cute mo." sabi ni Vice after mag settle down ni Karylle. 

Karylle sighed and then grinned at him, "Sorry." sabi ni Karylle at kinagat ang bottom lip nito na nag papacute.

Tumango na lang si Vice as if to say na it's okay at tumayo para halikan si Karylle sa ulo, "Let's order, mukhang gutom ka na."

"You have no idea!" sagot ni Karylle at kinuha na yung menu.

Pagdating ng seafood platter na inorder nilang dalawa ay agad na silang kumain dahil pareho silang mga gutom. Habang kumakain naman ay nag k-kwentuhan ang dalawa tungkol sa nangyari sa mga araw nila. While nag k-kwentuhan ay panay naman ang pag bleep ng phone ni Karylle kaya sinilent nya na ito kahit patuloy pa rin syang nakakuha ng mga messages at missed calls from an unknown number.

"Excuse me lang Vice ah, restroom lang ako." sabi ni Karylle and got up taking her phone with her. 

Sinundan ni sya ni Vice with his eyes at nakitang may tinawagan sa phone just before she entered the restroom. Hinayaan na lang ni Vice dahil baka client ito sa work, Karylle works as an IT girl sa isa sa mga top science facilities sa Pinas, and also she's a freelance photographer din, kaya Vice thought it might be a persistent client or an emergency sa office nila. Pinatuloy na lang nya ang pagkain habang nag b-browse sa phone nya. 

Nag stop si Vice sa facebook timeline nya ng may makita syang breaking news na may nagaganap na hostage sa bangkong malapit lang sa restaurant na kinakainan nila. Agad naman syang nag panic dahil baka mapahamak pa sila ng girlfriend nya kung hindi sila aalis sa lugar na yun. Tinawag nya yung waiter at nagbayad na ng bill nila para paglabas ni Karylle ay makaalis sila.

The Vicerylle Playlist | OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon