Now Playing: Narda (Part 2)

7.5K 188 21
                                    

"Kilala mo ko?" napatayo si Vice para harapin ang babaeng naka maskara.

"Nung isang linggo lang, sa tapat ng bangko, hindi ba?" paalala ni Darna sa kanya.

Tumango si Vice at pilit pa rin ina-absorb na kaharap at kausap nya ngayon ang superhero na hinahangaan ng lahat. Lumakad papalapit kay Vice si Darna at umupo sa isang dulo nung bench kung saan nakaupo kanina si Vice. Ginaya naman ito ni Vice at umupo rin sa kabilang dulo. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Darna na nakatingin kay Vice.

"Bakit? Bawal ba?" pilosopong tanong ni Vice.

"Mag a-alas diyes na ng gabi, hindi naman normal na tumambay ang isang tao sa park ng ganitong oras, unless may hinihintay ka."

"Wala akong hinihintay... Di ko nga alam kung may hihintayin pa 'ko eh." sagot ni Vice na napayuko dahil nalungkot sya bigla.

"Tungkol ba ito sa girlfriend mo?"

Lumingon si Vice sa kanya at kumunot ang noo, "Paano mo alam na may girlfriend ako?"

"Siguro lumalayo lang sya para protektahan ka." sabi ni Darna ignoring Vice's original question.

"Kilala mo ba girlfriend ko? Kilala mo ba si Karylle?"

"Sana maintindihan mo sya balang araw Vice." sabi ni Darna na nakangiting maliit. Tumayo ito mula sa pagkakaupo nya at tumakbo papalayo. Nakita na lamang ni Vice na lumipad na ito papalayo kaya hindi na nya nahabol pa para mag tanong ulit. 

--

"Why did I ever sign up to this life?" tanong ni Karylle habang nakaupo sa harap ng isang computer at nilalaro ang isang ballpen.

May isang lalaking lumakad palapit sa kanya at nag lean back sa may desk nya. He grabbed her chin and lifted it up para makita ang mukha ni Karylle.

"Kasi mabuti kang tao." sabi nito at ngumiti sincerely.

Tinapon ni Karylle yung pen due to her frustration at tumayo from the chair. 

"O, saan ka pupunta?" 

"Mag papahangin lang Echo." sabi ni Karylle bago sya umakyat sa hagdan para makaalis ng basement kung saan ang headquarters nila.

Pag akyat ni Karylle sa main floor ng abandoned warehouse ay nakasalubong nya ang isa pa nilang member ng team.

"Uwi ka na K?"

"Uso ang overtime pero ang break hindi?" pag sagot ni Karylle sa babae at nag walk out dito.

"Karylle!" sigaw nung babae pero wala rin namang nangyari dahil umalis parin si Karylle.

Bumaba na lang yung babae papuntang basement kung saan naabutan nya si Echo na kumakain.

"Anong nangyari kay K?"

"Eh bawalan ba naman natin na makita yung jowa, sino ba makakasisi sa kanyang magalit?" sagot ni Echo at binato ang wrapped na burger papunta sa babae, "Kain muna boss." sabi ni Echo.

"Para din naman sa kanya yun eh."

"Alam naman nating dalawa na sa lahat ng ayaw ni Karylle, ayun yung pinag sasabihan sya kung ano at hindi ang maaring gawin nya."

--

Isang linggo ang nakalipas ay nagpaka abala lalo si Karylle sa double job nya para hindi nya maisip si Vice, at para din hindi sya mahanap ni Vice. Si Vice naman ay ganun din ang ginawa, he even took up a volunteering job sa isang children's center para mabawasan lang ang pag iisip nya kay Karylle. Kahit na pinipilit nyang wag isipin si Karylle, wala paring araw na hindi sya dumadaan sa may condo ng girlfriend para mag iwan ng mga paborito nitong bagay. Just today lang, dumaan sya sa condo ni Karylle at nag iwan ng isang packet ng Mik Mik milk powder since paborito ito ng girlfriend, along with that was a voucher for a free copy from McDo since alam ni Vice na dumadaan lagi si K sa McDo to get her morning coffee before she heads out for work. 

The Vicerylle Playlist | OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon