Now Playing: Whoops Kirri

17.5K 209 36
                                    

#3 Whoops Kirri by Vice Ganda

><><><><><><

A/N:   Girl, Boy, Bakla, Tomboy fanfic. Vice Ganda as Girlie, Peter, Mark and Panying. Karylle as Sandy. Oh guys should know the characters. If not, shame on you. O.O (I haven't seen the film don't hate... Walang screening sa UK. Buy me plane ticket to home please!!!)

><><><><><><><

Location: Daddy Pete & Nanay Pia's wedding reception, 8PM


Busyng busy si Panying sa pagtikim ng pagkain sa may buffet table ng lapitan sya ng Ate na minsan na Kuya nyang si Mark. Mukhang stressed na stressed na naman ng tumigil at tumapat kay Panying. Tiningnan sya ni Panying at nginitian.

"Ate, ano ba problema mo? Chillax lang hihi" sabi ni Panying sabay subo ng sushi.

Tiningnan naman sya ni Mark at umiling. Pinlansta ni Mark gamit ng mga kamay nya ang kabogerang red dress nya at napakamot sa ulo, "Nakita mo ba si Sandy?"

"Sino si Sandy?" 

"Pakikilala ko sainyo. Nasaan na ba yung babaeng yun!" sabi ni Mark at lumingon sa paligid.

"Kain tayo Ate, hihi." sabi ni Panying at susubuan sana si Mark ng sushi. Hinawi naman ni Mark papalayo ang kamay nito kaya naman sinubo na lang ng tomboy ang dapat isusubo nya kay Mark, "Sarap kaya!" sabi nito kaya naman umalis na lang si Mark.

"Sungit naman nun." sabi ni Panying habang ngumunguya at nag he-head bang sa music.

~

Meanwhile... Kasama naman ni Girlie ang ka-more than friends nyang si Harry na nag sa-sayaw sa dance floor. 

"So crush mo si Enrique?"  tanong ni Harry habang nakahawak sa bewang ni Girlie.

Napatingin naman sa sahig si Girlie sabay pag giggle nito, "It's only a crush. Crush is paghanga kaya." sabi nito na halatang nag pa-pacute.

Napangiti na lang si Harry dahil nahawa na naman sya ng charm  nitong si Girlie, "Saan mo naman natutunan yang 'Crush is paghanga' na yan?"

"I made it up. I'm smart like that, didn't you know?" nag grin si Girlie sabay lapit sa mukha ni Harry, "Let's dance na lang baby boy." bulong ni Girlie bago lumayo kay Harry dahil nag change na ang song into a rather uptempo song. 

~


"Huy Panying!!!"

"Si Panying yun diba?!"

"Oh my God ang cute nya!"

Napalingon naman agad si Panying ng madinig nya ang matitinis na boses ng mga babae. Nakita nyang may apat na dalagang papalapit sa kanya.

"Uy, Liza!" sabi nito na nahiya kaya naman nag blush bigla. 

Lumapit si Liza sa kanya at inakbayan sabay turo sa tatlong dalagang kasama pa nito.

"Mga kaibigan ko nga pala, eto si Cath, si Mina at si Pam." sabi ni Liza at isa isang tinuro yung mga kaibigan nya.

Isa isa din naman kinamayan ni Panying ang tatlong babae at nakipag beso pa.

The Vicerylle Playlist | OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon