#7 Let Her Go by Passenger
><><><><><
9 months ago...
"I'm leaving the show." sabi ni Vice sa mga kaibigan nyang nakaupo around him sa lounge.
Nag tawanan naman sina Vhong at Billy na ikinainis ni Karylle at Anne kaya hinampas ng dalawa ang boys para matahimik sila.
"I know what you're gonna say, at uunahan ko na kayo!" sabi ni Vice referring to Vhong and Billy, "hindi ako aalis dahil kay Karylle... Tanggap kong friendzoned ako, ang tanga ko naman kasing umasa na iiwan nya ang fiancé nya para sa'kin diba?"
"Vice..." sabi ni Karylle dahil nahiya sya ulit.
"K, napag usapan na natin 'to... Bitter man ako ngayon, tanggap ko namang hindi ako ang gusto mo." sabi ni Vice at nag smile sadly, "Anyway..."
"Bakit ka nga aalis bigla bigla?" tanong ni Anne na halatang nag tatampo.
"May leukemia daw ako sis." sabi ni Vice at tumingin na lang sa baba dahil ayaw nyang makita ang reaksyon ng mga kasamahan nya.
Nagtinginan sina Billy at Vhong na parang nahiya bigla sa mga sinabi nila nung simula. Nag tinginan ang ibang hosts at si Direk kay Karylle na walang sinasabi. Si Anne naman ay napatakip ng bibig dahil sa gulat, while si Karylle ay nakatingin kay Vice na parang nadaganan ng ilang kaban ng bigas dahil sa bigat ng nararamdaman nya.
"So, guys... Wala muna ako sa mga party party nyo for a while ha." sabi ni Vice at nag peace sign kahit na umiiyak na ito.
8 months ago...
"Di mo ko pwedeng pakasalan dahil lang naaawa ka sa'kin Karylle. Ano ako? Another charity case na project mo?" sagot ni Vice na binuksan ang pinto para palabasin si Karylle.
"Vice, I want to be here for you."
"So ngayong mamamatay na ako, gusto mo na ako? May fetish ka ba sa mga needy or sadyang tanga ka lang talaga?" sabi ni Vice na nabigla din sa sinabi nya. Alam nyang na-offend nya at nasaktan nya si Karylle sa sinabi nya pero mas mabuti ng masaktan nya yung tao ng lumayo ito sa kanya, kesa naman hayaan nyang maging selfless ito.
"Vice, mahal kita."
"Hindi totoo yan Karylle, please umalis ka na." sabi ni Vice na iniwasan ang tingin ni Karylle sa kanya.
"Pakinggan mo naman ako please." sinarado ni Karylle yung pinto at hinawakan magkabilang pisngi ni Vice para tumingin ito sa kanya ng diretso.
"You can't do this to yourself... Hindi mo pwedeng itali ang sarili mo sa isang taong mamamatay lang din. You have a full life ahead of you, wag mong hayaan masayang sa pag aalaga sa'kin yun."
"Did you not hear me? Mahal kita Vice!"
"What changed?"
"I was in complete denial about my feelings for you Vice, I have been in the past 12 months.. That's a year of lying to myself, lying to Yael, lying to you... Matagal na kitang mahal. Mahal na kita bago mo pa ako minahal... Ang difference lang ay natatakot akong masaktan ulit."
"Then why are you doing this to yourself now? Alam mong mamamatay ako dahil sa sakit ko K, masasaktan ka lang din kung papakasal ka talaga sa'kin at mamatay ako."
"Wala ng mas sasakit pa sa idea of you doing this na wala ako sa piling mo. I want to be there for you Vice, I need to be there. Hindi ko kakayanin na walang gawin."