Maagang nagising si Enrieka. Wala pa rin siyang makita dahil nilagyan ni Dr.Ron ang mga mata niya nang eye pad pagkatapos nang surgery para na rin pamprotekta sa mga mata niya. Pinakiramdaman niya ang sarili wala naman siyang maramdamang kakaiba bukod sa pagkahilo marahil dahil sa gamot na ipinainom sa kanya.
Hindi pa rin nagigising ang tiyahin niya kaya pinabayaan nalang muna nya itong matulog. Alam niyang napuyat din ito sa pagbabantay sa kanya. Babawi nalang siya sa pag-aasikaso nito sa kanya. At malapit na iyon. Makakakita na siyang muli.
Nang maramdaman niyang may pumasok sa kwarto na inuukupa nila ay pinilit niya ang sariling makaupo kaya tuloy ay nagising na rin ang tiyahin niya.
"Good morning Ms.Rosales. I'm nurse Grace nandito na po ang mga gamot ninyo. Inumin nyo na lang po after ninyo makapag breakfast." sabi pa nito.
"Okay thank you nurse Grace." narinig niyang sabi nang auntie niya at ito na ang umabot sa mga gamot niya.
"By the way po. Doctor Ron will be here anytime soon to remove your eye-pad and give your schedule for next visit. Yan lang po."
"Thank you nurse Grace." aniya dito at ngumiti kahit hindi niya ito nakikita.
Narinig nalang niya ang pagbukas at pagsara nang pinto tanda nang nakaalis na ito.
"Good morning darling. Kumusta ang pakiramdam mo? Maayos ba ang tulog mo hija?" anito at hinaplos ang buhok niya.
"Opo auntie maayos po ang tulog ko. Excited na po ako mamaya. Makakakita na po ako!" masayang sabi niya sa tiyahin.
"Ako din hija. Masayang-masaya ako. Hindi mo lang alam. Dapat magpagaling ka agad ha." Masuyong sabi nito s kanya. rmadam na ramdam niya ang pagmamhal nito.
"Opo auntie." maikling sabi iya dito.
"Cge kumain ka na muna para maka-inom ka na nang gamot mo baka nandito na si doctor Ron maya-maya." sabi nito at pinaayos siya sa pakakaupo sa hospital bed.
Tumango lang siya at nagpaalalay sa tiyahin para makakain.
Sakto namang nakatapos siya sa pagkain at nakinom nang mga gamot nang marinig nia ang katok sa pinto at sabay bukas niyon at pumasok si Doctor Ron. Pero alam niyang hindi ito nag-iisa dahil naaamoy niya ang pamilyar na bangong nagpapalakas sa tibok nang kanyang puso. Doctor Luther!. Bigkas ng kanyang puso.
"Good morning Enrieka. Nandito pala si Doctor Luther kasama ko. He wants to check on you at sinisigurong inaalagaan ka namin dito nang maayos." narinig niyang may bahid ng panunukso sa boses nito. "Anyway how are you feeling?"sunod namang tanong nito.
"O-kay lang D-doc Ron!"shiit nag sta-stamer na naman cya. Ano ba Enrieka kalma lang. He can hear Dr.Ron's teasing voice kaya hindi niya maintindihan kung sino ang pinariringgan niyon. Kung si Luther bakit naman?
"Okay good! We are going to remove the eye pad today and you can go home after lunch kapag Hindi ka na nahihilo or hindi na sumakit ang mata mo." sabi ni doc Ron na nagpabalik sa pag-iisip niya.
BINABASA MO ANG
Lover in the Dark (COMPLETED)
Любовные романыR-18,Mature Content inside,not suited for readers below 18, ranked 21 in #forever Completed// Enrieka Rosales got blind at the age of twenty due to a car accident na ikinamatay nang kanyang kapatid na lalaki. Dahil sa kanyang kagagawan kaya namatay...