Dedicated to RizaAtencio
Hindi mapakali at kinakabahan si Enrieka habang hinihintay si Luther. Nang tingnan niya ang oras sa malaking wall clock ay malapit nang mag alas siete nang gabi.
Katatapos lang siyang ayusan nang tiyahin at nilagyan nang make-up na babagay daw sa evening dress niya dahil baka ano pa ang kalabasan kung siya lang ang maglalagay. Hindi naman siya marunong mag kolorete nang mukha kaya ito na ang nag-prisinta na ayusan siya.
Susunduin siya ni Luther dahil inimbitahan siya nito sa wedding aniversarry nang mga magulang nito na gaganapin sa Crisostomo Court Hotel sa Quezon na nalaman niyang isa rin sa pag-aari nang pamilya nito.
She felt so nervous dahil ngayong gabi ay makikilala na niya ang mga magulang ng binata. Ewan niya sa lalaking iyon kung bakit siya pa ang inimbita para maging ka date gayong marami naman sigurong may gustong sumama dito. Baka magkandarapa pa nga ang iba kapag sinuyo ng katulad ni Luther.
Umayaw naman siya noong una pero dahil mapilit ito at ang auntie niya ay napapayag na rin siya nito.
Nang sabihin niyang ang girlfriend nalang nito ang imbitahan sa naturang family event ay ipinaliwanang nito sa kanya kung sino at ano sa buhay nito ang babaeng nakita niyang kahalikan nito.
Natatandaan na niya kung sino ang babae at iyon ay walang iba kundi si Georgette na minsan na rin niyang naging kaibigan. Kung kaibigan ba talagang maituturing ito.
Hindi nalang niya sinabi sa binata na kilala niya ang babae at minsan ding naging kaibigan. It's not important anyway dahil mukhang hindi na rin naman siya matandaan nito nang makita siya nito sa ospital.
Simula nang may muntikan nang mangyari sa kanila nang binata ay palagi na itong bumibisita sa kanya. Nagdadala nang bulaklak, laruan, o kung ano-ano pa para sa kanya at anak niya. Kahit si auntie Millie niya ay nakakatanggap din nang ilang bagay galing dito na pinapasalamatan naman nang tiyahin niya. Minsan naman ay niyayaya sila nitong lumabas na hindi niya matanggihan dahil nka-oo na ang tiyahin at anak niya.
Pero hindi na naulit ang mainit na tagpong iyon sa pagitan nila nang binata. Kung napag-iisa sila nito na kagagawan nang auntie niya para daw magkasarilinan sila ay iniiwasan na niya ito o kung hindi naman ay kinokontrol niya ang damdaming kusang sumisibol para sa dito.
Palagi siyang tinutudyo nang tiyahin dahil sa panliligaw nang binata pero hindi niya lang iniinda iyon. Wala namang sinasabi ang binata o pinapahiwatig na nanliligaw ito sa kanya. Ayaw niyang mag-assume at umasa baka siya lang din ang masaktan at iyon ang hindi niya gugustohing mangyari.
Kuntento na siyang nakakausap at nakikita ito. Alam niyang sa malaon ay magsasawa din ito sa pag dalaw-dalaw sa kanya.
Pero sa kaibuturan nang puso niya ay hinihiling niya na sana hindi manyayari iyon. Masyado nang napalapit dito ang anak niya kaya alam niyang masasaktan ito kung isang araw hindi na magpapakita ulit sa kanila ang binata. At aminin man niya sa sarili o hindi ay ganoon din sa sarili niya. Maganda ang kalooban nito kaya kahit anong tanggi niya sa sarili ay may damdamin na siya para dito.
Katok sa pinto ang nagpagising sa diwa niyang naglalakbay na sa kung saan-saan. Nang buksan niya ang pinto ay na-dissapoint siya nang makitang ang garbage collector pala ang nandoon at hindi ang binata.
Binuksan nalang niya ang pinto para makapasok ito at para kunin ang mga basura nila. Nang makaalis ay nagtungo muna siya sa kwarto para tingnan ang ayos niya. Baka nagulo na ang pagkaka-bun nang buhok niya.
Tinitigan niya ang sarili sa salamin sa kwarto niya. Malaki iyon kaya kitang-kita niya ang buong sarili sa repleksyon at nagugustohan niya ang nakikita.
BINABASA MO ANG
Lover in the Dark (COMPLETED)
Roman d'amourR-18,Mature Content inside,not suited for readers below 18, ranked 21 in #forever Completed// Enrieka Rosales got blind at the age of twenty due to a car accident na ikinamatay nang kanyang kapatid na lalaki. Dahil sa kanyang kagagawan kaya namatay...