Chapter 6

63.4K 1.1K 47
                                    

Dedicated this chapter to yojaranyeh

Naalimpungatan si Luther nang maramdaman ang presensya nang mga magulang. Nakatulog pala siya sa may hardin nila.

Nang makita niya ang hardin na nakaharap sa kwarto nang kapatid ay ipinasya niyang magtungo doon. Ito ang pinakapaboritong parte ni Sunshine sa mansion nila

Nanubig na naman ang kanyang mga mata at hindi napigilan ang mga luhang dumaloy sa mga mata niya. Naaalala na naman niya ang kapatid at ang mapait na kinasapitan nito.

"Its okay love. Everything will be fine. Malalampasan din natin ito. Hindi matutuwa ang prinsesa natin kung palagi kang ganyan." sabi nang mommy niya. Niyakap siya nito at hinagod ang kanyang likod.

Isang linggo nang nailibing ang kanyang pinakamamahal na kapatid pero Hindi pa rin naiibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Mahal na mahal niya ito kaya hindi niya lubos maisip na wala na talaga ito. Nagbalik sa ala-ala niya ang masaklap na pangyayaring iyon.

"Kuya!" narinig niya ang tinig nang kapatid  sa kabilang linya. Ito pala ang tumatawag sa kanya. Pero nagtaka siya kung bakit ibang numero ang ginagamit nito.

"Kuyaaa!" dinig ulit niyang tawag nito sa kabilang linya. Baka nininerbyos ito dahil ito ang date ni Ezekiel ngayong gabi sa birthday party nang ina nito.

"Brat? How's the party? Kinakabahan ka na ba? Pakisabi sa mommy ni Eze na hindi ako makakapunta okay. Kakatapos lang nang surgery sa pasyente ko." aniya sa kapatid. Pinakahihintay nito ang party na iyon at pinaghandaan talaga nito. Baka kinakabahan ang kapatid niya.

Lover in the Dark (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon