Dedicated to JulieGedaro
Nang magmulat siya nang mga mata ay sumalubong sa kanyang paningin ang nag-aalalang mukha nang mommy ni Luther.
Bigla siyang napabangon nang maalala ang kinasapitan nang kasintahan. Nagkabikig na naman ang lalamunan niya habang pinipigilan ang sariling maiyak."Hija stay still. Baka mahilo ka na naman." Wika nito sa nag-aalalang tinig at inalalayan siyang mahiga ulit sa kama. Nahiga nalang siya ulit nang maramdaman ang kaunting hilo. Anong nangyari? Naalala niyang nas loob siya nang private ward na inuukupa ni Luther sa ospital nang bigla nalang siyang mahilo ag nagdilim ang paligid.
Nang igala niya ang paningin ay nasa loob siya nang puting kwarto. Mukhang nandito pa siya sa ospital. Mukhang dinala siya sa ibang silid.
"T-Thank you tita. But I n-need to see Luther. G-gising na ba siya.? Okay na po ba siya? Pwede ko na ba siyang makausap?" Sunod-sunod na tanong niya dito. Nag-aalala siya sa kalagayan nang nobyo nang maalala ang sinabi nang mommy nito na baka ma-coma si Luther.
"S-sorry hija pero hindi pa nagigising ang anak ko. Dumito ka muna at magpahinga mamaya pag okay ka na ay bavalik tayo sa kwarto ni Luther. Mag-iingat ka at wag ka muna masyadong nag-aalala baka mapaano ka pa at ang baby sa tiyan mo." Sabi nito binigyan siya nang mabining ngiti at magaang hinaplos ang impis na puson niya.
Alam na pala nito na buntis siya. Baka ang mga magulang niya ay alam na din ang kalagayan niya.
"Si Iyah po?" Tanong niya dito sa nag-aalalang boses nang maalala ang anak. Natandaan niyang umiiyak ang anak niya kanina habang nakatinhin din kay Luther. Nasa kwarto pa rin ba ito ni Luther? Silang dalawa lang sa kasi sa silid na iyon."Umuwi muna ang mommy mo at isinama si Iyah. Hindi kasi pwede magtagal ang bata dito. Ikinuha ka na din niya nang mga gamit mo. Babalik din ang mommy mo mamaya kaya ako muna ang nandito para sa iyo.
Kaya pala ang mommy ni Luther ang nagbabantay sa kanya. Agad ay nahiya siya sa ginawa niyang pag-alis at pag-iwas kay Luther. Mabait ang mga magulang nito kaya nahihiya siya sa ginawa.
"T-Tita I'm sorry. S-sana hindi na umabot sa ganito ang lahat kung h-hinarap ko lang agad si Luther." Paghingi niya nang tawad dito.
"Shhhh.. Don't mention it Enrieka. Kami pa nga ang dapat na humingi nang tawad sa iyo dahil sa nangyari. Ilang taon din na naghihirap ang loob mo sa pangyayari noon. Ikinuwento na nang mommy mo ang hirap na pinagdaanan mo and im very sorry about that. Alam na namin lahat hija. Sana mapatawad mo na ang anak ko. Hindi rin naman niya ginusto ang nangyari. Please ipangako mo sa amin na hindi mo na ulit iiwan ang anak ko.. Mahal na mahal ka ni Luther hija. Ayokong nakikita siyang nahihirapan at hindi masaya. I want him to be happy. And he deserves to be happy." Pakiusap nito sa kanya at hinawakan nang mahigpit ang mga kamay niya.
Gusto niyang bumulalas nang iyak dahil sa kabaitan nito. "Thank you po tita. At hindi na po kailangan hilingin ninyo sa akin iyan. Napatawad ko na si Luther and I promise hinding-hindi ko na siya iiwan ulit. Hindi ko kakayanin pang mawalay sa kanya. Mahal ko po siya." Pinahid niya ang namalisbis na luha sa mga mata. Ayaw na niyang umiyak pa. Tama nang paghihirap na pinagdaanan niya. Oras na magising si Luther ay magiging maayos na din ang lahat.
"I know hija. And my son loves you as much as you do. Palagi ka nalang bukang bibig nang anak ko sa tuwing nag-uusap kami kaya excited akong makilala ka nuon. And you amaze me when we met. Alam ko na natagpuan na nang anak ko ang babaeng makakasama at magmamahal sa kanya habang buhay. Kaya ko nagawang ipakilala ka nuon bilang fiancée ni Luther. I know doon din naman papunta yon. Forgive this old lady sa pangunguna ko sa mga plano ninyo." Tumawa pa ito sa huling sinabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/91324786-288-k183001.jpg)
BINABASA MO ANG
Lover in the Dark (COMPLETED)
Любовные романыR-18,Mature Content inside,not suited for readers below 18, ranked 21 in #forever Completed// Enrieka Rosales got blind at the age of twenty due to a car accident na ikinamatay nang kanyang kapatid na lalaki. Dahil sa kanyang kagagawan kaya namatay...