Dedicated to AdobongChicken
WinMar157Mahinang katok sa cottage niya ang narinig niya kaya tumayo na siya at tinungo ang pinto. Nang mabuksan niya iyon ay nakita niyang naka-ngiti ang auntie Millie niyang may dala na pagkaing nakalagay sa tray.
"Auntie sana hindi ka na nag-abala pa. Ako na lang sana ang kukuha nang pagkain ko." Nahihiya niyang sabi dito.
"Sus. Ano ka ba hija. Nasanay na ako sa mga ginagawa ko. At saka pag hinintay pa kitang magtungo sa bahay para sa pagkain mo baka mamuti nalang ang mga mata ko sa ka aantay sayo." Mahinang sermon nito sa kanya. "Kung sana lang kasi ay hinarap mo na si Luther at nag-usap kayo baka sana naliwanagan na yang isip mo hindi yong nagmumukmok ka dito." Mahabang litaniya nito sa kanya at ipinasok na ang dalang pagkain at inilapag sa naroong maliit na lamesa.
"Auntie alam nyo naman na hindi ko pa kayang harapin si Luther di ba? Hindi pa ngayon." Umupo nalang siya ulit sa kama at nagbaba nang tingin.
Ayaw na niyang makita nito na labis pa din siyang nasasaktan sa nalaman. Pinipigilan din niya ang sariling umiyak pero nandito lang siya sa loob nang cottage. Ni ayaw niyang lumabas. Tama nga ito. Nagmumukmok lang siya dito sa loob. Nag-iisip o kaya naman ay tulog.
"Hija alam no naman ilang beses nang paulit-ulit na nagpunta si Luther dito. Para nang mababaliw ang taong iyon kakahanap sayo. Kung talagang hindi ka niya mahal ay hindi na siya mag-aaksaya nang oras para hanapin ka pa." Wika nito at tumabi sa kanya nang upo.
Napailing-iling siya sa sinabi nito. Nagmamatigas pa din ang puso niya na paniwalaan ang mga sinasabi nito.
Ayaw na niyang magtiwalang muli. Ayaw na niyang masaktan pa nang labis. Baka ikabaliw na niya iyon. Mabuti nang ganito.
Tinawagan lang niya ang anak niyang gusto muna niyang magbakasyon. Okay lang naman dito. Alam niyang aalagaan ito nang mga magulang niya at Hindi pababayaan. Sa ngayon ay gusto lang muna niyang maibsan ang bigat na nararamdaman.
"Hija. Nandito ulit si Luther kaninang umaga. Hinahanap ka niya at nagmamakaawa na sabihin ko sa kanya kung nasaan ka. Please darling kausapin mo na siya. Ako na ang nahihirapan sa inyong dalawa. Isang linggo ay kasal na ninyo. Sana maging maayos na ang lahat bago ang araw na iyon." Tumayo na iyo at hinalikan ang bunbunan niya.
"Babalik ako mamaya ha. Lumabas ka naman nang cottage. Maligo ka sa dagat nang malamigan naman yang pakiramdam mo." Ani nito at hinintay ang reaksyon niya."Okay auntie. Bibisitahin po kita sa bahay mo mamaya. Sabay taong maligo sa dagat." Sabi nalang niya dito para naman maibsan an pag-aalala nito.
"Sige. Aasahan ko yan hija. Maghahanda ako nang dalawang pares nang two piece okay." Pilya pang wika nito at nilisan na ang cottage.
Mag-isa na namn siya. Magdadalawang linggo na din siyang nagmumukmok dito sa cottage nang tiyahin.
Nabigla pa ito nang dumating siya dito nang araw na iyon. Nang makita ito ay hindi na niya
pinigilan ang mga emosyong nagpapasikip nng dibdib niya. Umiyak siya at paputol-putol na ikinuwento dito ang lahat nang nangyari.Simula nung may nangyari sa kanya dito sa beach resort nito hanggang sa pagkatuklas niya kung sino ang gumawa niyon.
Na shock din ito nang sabihin niyang si Luther ang rapist niya. Pero habang pinapatahan siya nito ay nagpayo naman na mag-usap muna sila ni Luther.
Ayaw na niyang harapin pa ang lalaki kaya nagmatigas siya. Hindi na nga niya mabilang kung ilang beses na nag pabalik-balik dito ang lalaki at hinahanap siya.

BINABASA MO ANG
Lover in the Dark (COMPLETED)
RomantikR-18,Mature Content inside,not suited for readers below 18, ranked 21 in #forever Completed// Enrieka Rosales got blind at the age of twenty due to a car accident na ikinamatay nang kanyang kapatid na lalaki. Dahil sa kanyang kagagawan kaya namatay...