Chapter 15

51.3K 893 12
                                    


Nang magising siya ay nasilaw siya sa liwanag nang paligid. Medyo blurr parin ang paningin niya pero nakaka-aninag na siya. Ikinurap-kurap na niya ang mga mata pero ganoon pa rin ang nakikita niya. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya.


Pinilit niyang maupo sa kama. Nag-iisa nalang siya sa inuukupang silid, nasaan na kaya si auntiebakit nag-iisa na lang siyaUmayos siya nang upo sa kama nang mapanansing wala nang nakakabit na IV sa kamay niya. Baka tinanggal na nang nurse habang natutulog siya dahil sabi ni doctor Ron ay pwede na sila umuwi.


Nang maalala ang nangyari kanina bago nakatulog ay nanubig ang kanyang mga mata. Unti-unting pumapatak ang luha niya sa mga mata.  Ano ang nagawa niya? Bakit hindi niya napigilan ang emosyong lumukob sa kanya. Ipinangako niya sa sariling aayosin na ang lahat. Ano at itinaboy niya ang bata. Ang sariling anak niya. 



Iyah Scarlet .. Iyon ang ipinangalan nang mommy niya sa batang isinilang niya nuon. At nandito siya kanina, ang batang isinilang niya. Ni hindi man lang niya ito nasilayan dahil hindi pa siya nakakakita. Sa naisip ay bigla ang pagragasa nang halo-halong emosyon na lumulukob sa kanyang buong pagkatao. 


Panghihinayang dahil hindi niya ito nakita at nayakap man lang, takot dahil tuwing lumalapit ito ay naaalala lang niya ang sinapit sa kamay ng lalaking rapist na iyon, at ang labis niyang pagmamahal dito. OO mahal niya ang bata dahil anak niya ito at galing ito sa laman at dugo niya. Pero dahil mas pinapairal niya ang takot at sakit na nararamdaman kaya pinabayaan niya ito at ipinagtabuyan. 


Nang maisip ang ginawa niya ay gusto niyang sabunotan ang sarili sa ginawa. Masakit na parang dinakot ng malaking kamao ang dibdib niya sa sobrang sakit. Dahil lang sa ala-ala niyang iyon ay nadadamay ang walang kamuwang-muwang na anak niya. Napo-poot siya sa lalaking may kagagawan ng lahat ng pinagdaanan niya. Ang lalaking iyon na pumwersa sa kanya.


Gusto niyang mayakap ang anak niya. Gusto niya itong makita at makasma. Mahal na mahal niya ito at ramdam iyon ng puso niya pero kapag naaalala niya kung paano ito nabuo ay hindi niya maiwasan ang takot at sakit na nararamdaman.


Nabuo ito nang gabing iyon. Nang lakaking ni hindi niya kilala-- nang lakaking kumuha nang kalinisan niya. Ang lakaking pumuwersa sa kanya at pumatay sa pag-asa niya sa buhay. Nabuhay siya sa takot at galit simula ng mangyari iyon. Nais niyang magwala sa sakit na pumuno sa pagkatao niya.


Mahal niya ang bata dahil anak din naman niya ito pero hindi niya maiwasan ang matakot at ang kaibayong sakit na lumulukob sa buo niyang pagkatao kapag malapit lang ito. Parang kailan lang nangyari ang kapangahasan nang taong lumapastangan sa kanya at sariwang-sariwa pa ang sugat na iniwan nito sa puso niya.


Lover in the Dark (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon