FIVE

286 19 3
                                    

Izy

Its sunday! excited na ko makita at magdisenyo ng unit ko! Dito ako ngayon sa Mall pumipili ng mga gamit para sa unit ko, kasama ko si bespren. Hindi ako naka punta dito kahapon kasi pininturahan pa to eh.

"bespren, bakit puro nalang black and white? Akala ko favorite mo din yung pink? Baka mag blend yung kulay mo at di na kita makita. huh?" abnormal talaga tong baliw na to. 

Favorite color ko kasi yung black, well maganda lang ipares yung black sa white kaya ayun yung napili ko.

"Yan kasi gusto ko eh."

"Eh sana di mo na ako sinama! Sinama mo lang pala ako dito para mag bitbit ng mga pinamili mo!" reklamo niya.

"oh sige pumili ka dyan! Pink lang ha! wala ng ibang kulay" saad ko.

Excited naman itong pumili ng mga gamit. Makalipas ang isang oras sa pamimili. Pumunta muna kami sa Greenwich para mananghalian.

"ako na ang oorder. Anong gusto mo?" sabi ko

"uhm. Lasagna and pearl cooler, chocolate flavor." sabi niya.

Habang pumipila nahagilap ng mata ko si Allen with some other girl kumakain na sila. selos ako! joke! bat naman ako magseselos eh crush ko lang naman siya! oo inamin kona na crush ko siya. Naka order na ko at bumalik na kay bespren.

"bespren ano na pala yung nakalap mong impormasyon?" binasag niya yung katahimikan. 

Ay oo nga pala yung pinapaimbestiga ko! buti nalang ni remind niya ako.

"Meron naman. Kaso masyadong tago si Paulo Hudson ayaw daw ng exposure. joke! Pero mahirap talaga eh! Isa lang nalaman ko siya yung kalaban ni Mommy at daddy sa kompanya. Siya pala yung pinakamayaman sa pilipinas. Ayun lang nalaman ko at wala ng iba." sagot ko.

Napatango lang siya at sumubo ulit. Ano kaya ang gusto ni Paulo Hudson sakin? Gusto ko malaman lahat. Bakit ako nawalay sa kanila noon? Matagal na ba niya ako hinahanap? Anong koneksyon nila kay na mama at papa? Maraming katanungan ang bumabalot sakin pati kagandahan ko tinatakpan na. Seryoso ako madami talaga. Minsan nga hinihiling ko nalang na doon nalang ako kina papa at mama, kundi lang sana niya ako kinuha. Kinuha niya ako para saktan? Naramdaman kong merong pumapatak na luha sa aking pisngi , mabuti nalang hindi iyon napansin ni Khaylee busy kasi syang kumakain ng lasagna.

"Bespren, CR muna ako." sabi ko at tumango lang sya.

Mabuti walang tao, pumunta lang naman ako dito para tumae! hindi ah! pumunta lang ako dito para pahidan yung luha ko. namumula kasi mata ko. pagkatapos ay lumabas na ako. nakita ko agad si Allen kasama girlfriend niya papunta sa direction ko. Ang sweet nila inaakbayan pa ni  Allen yung girl. Nang makalapit na sila sakin inayos ko sarili ko. wala na ata akong pag asa nito.

"Yow Izy!" bati niya. I smiled.

"So! Ikaw pala si Izy?" sabi nung girl at tinuro ako.

"Yes!why?"nagtatakang tanong ko.

"Then, I must say  your gorgeous! Hindi na ako nagtataka kung bakit ikaw ang bukambibig ng big brother ko." sabi nito sakin.

'Big brother ko'

'Big brother ko' 

'Big brother ko'

'Big brother ko'

Paulit-ulit na nagsisink in yung salitang yun sa utak ko. The heck? Seriously? Nakakahiya! Act normal Izy!

I raised my eyebrow. "Seriously?" napatawa ako ng konti.

I'm The Heiress Where stories live. Discover now