The 7th Curse

353 9 8
                                    

Prologue

 

“But she knows she has a curse on her, a curse she cannot win. For if someone gets too close to her, the pins stick further in.”

Sumpa daw ako. Sumpang pumapatay sa maraming tao. Mga taong naging malapit sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung totoo. Dahil mula nang nagkaisip ako, ang mga bagay na ito ang tumatak sa isip ko.

Wala akong kinikilalang pamilya dahil sinabi ko nga, sumpa ako. Pinatay ko daw sila. Yun ang sinasabi ng maraming tao. Ewan ko ba sa kanila. Wala akong alam.

Sa ika-pitong kaarawan ko, napadpad ako sa isang bahay ampunan kung saan ako lumaki, ampunan na itinuring kong bahay, hindi tahanan. Akala ko mababago ang buong buhay ko sa pagtira ko doon, pero nagkamali ako. Lahat ng mga taong nagiging malapit sa akin sa ampunan, bigla na lang namamatay. Kaya mula noon, mas pinili kong mag-isa.

Ikaw? Gusto mo bang mapalapit sa isang katulad ko?

Wala akong pamilya. Wala akong kaibigan. Dahil lahat ng taong nagiging malapit sa puso ko, namamatay. Pinapatay ko.

Ako si Enna Santiago at ITO ANG SUMPA KO.

The 7th Curse (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon