Chapter I: Birthday

131 5 4
                                    

“Happy 18th birthday Enna!” Masaya kong bati sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Paano ko kaya ipagdidiwang ang kaarawan ko kung may pamilya ako? Kung may mga kaibigan ako? Kung hindi natatakot sa akin ang mga tao? Pumikit ako sandali at umiling-iling. Hindi ko na dapat isipin ang mga bagay na alam kong kahit kailan, hindi magkakatotoo.

Ibinalik ko ang mga mata ko sa pagtingin sa salamin at gumawa ng isang matipid na ngiti. Ang ganda ko ngayon sa suot kong bulaklaking palda at putting t-shirt. Pero hindi lang yun ang dahilan kung bakit ako masaya. Ngayon na kasi ang araw na pinakahihintay ko. Makakaalis na ako sa ampunan. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko. Tumayo ako at sa huling pagkakataon minasdan ko ang kabuuan ng kwartong ito. Ang kwarto na naging kanlungan ng aking pagkatao sa loob ng mahabang panahon.

Pumunta ako sa opisina ni Sister Kathy para magpaalam. Kumatok ako sa pinto at pumasok din naman agad nung narinig ko ang tugon na ‘Pasok.’

“Magandang umaga po Sister Kathy!” Masiglang bati ko sa kanya.

“Sa hinaba-haba ng pananatili mo dito sa ampunan, iilang beses ko lamang nakita ang natural mong ngiti. Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka ng ganyan.” Hindi ko alam na nakangiti na pala ako kaya mabilis kong binawi ang mga ngiting iyon. “Maligayang kaarawan! Mukhang napaghandaan mo na ang pag-alis mo dito sa bahay-ampunan ahh.” Sambit ni Sister Kathy habang nakatingin siya sa mga maleta ko.  “Kahit ayokong umalis ka, patakaran iyon na kailangang sundin. Labingwalong taon ka na. Kailangan mong mabuhay at tumayo sa sariling paa.

Sanay na ako dahil matagal na akong nabubuhay at tumatayo sa sarili kong paa.

“Alam niyo naman po ang dahilan ko kung bakit gustong-gusto ko na pong umalis dito.” Hinigpitan ko ang hawak sa aking mga maleta. Tiningnan niya ako ng may malungkot na mata.

“Maupo ka muna at hahanapin ko lang yung mga papeles na kakailanganin mo.” Tumayo siya at pumunta sa mga drawer.

Sa lahat ng tao dito sa ampunan, si Sister Kathy lang ang taong may lakas ng loob na kausapin ako. Pero hindi ko tinangka na maging malapit ang loob ko sa kanya. Ayokong pati siya, mamatay nang dahil lang sa pagiging malapit niya sa akin.

“Natatandaan mo ba yung unang araw mo dito?” Nakangiti siyang lumingon sa akin habang patuloy na iniipon ang mga papeles daw na kailangan ko.

“Ayoko pong alalahanin ang mga iyon.” Mapait na sagot ko sa kanya. Ayokong balikan ang mga nangyari noon. Pitong tao ang namatay sa ampunan nung dumating ako.

 

“Tuwang-tuwa ang mga tao dito nung dumating ka. Noong una kitang nakita, para akong nakakita ng anghel. Yun nga lang, hindi ka naligo, madungis at parang hindi ka nasusuklayan ng ilang taon.” Tumatawa siya habang inaalala ang mga pangyayari noon.

Oo. Tuwang-tuwa sila noong una dahil sa lahat ng tao sa ampunan, ako lang yung may pinakamaputing kulay na balat, pinakamaitim na buhok at may pinakamapulang labi. Para akong manikang kulang sa nutrisyon ng mga panahong iyon dahil sa sobrang kapayatan ko.

The 7th Curse (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon