Chapter II: Touch

112 4 0
                                    

Hindi pa din maalis ang isip ko sa huling eksena na nasaksihan ko bago ako umalis ng ampunan. Pati ba naman si Sister Kathy? Gusto kong umiyak pero parang pati mga luha sa mata ko, nasanay nang hindi pumatak sa taon-taong pangyayari sa kaarawan ko. Bababa sana ako ng jeep para bumalik dun pero natakot ako. Ayokong sisihin nila ako sa pagkamatay ni Sister Kathy. Sino pang magtatanggol sa akin kung magpunta ako roon? Wala na. Namatay na siya.

“Ineng, hanngang dito na lang ang biyahe ko. Saan ba ang punta mo?” Tanong sa akin ng driver ng jeep. Minasdan ko ang paligid. Nasa siyudad na pala ako.

“Pasensiya na po, hindi ko po napansin.” Hindi naman kasi ako sanay bumiyahe dahil hindi naman ako madalas lumabas ng ampunan.

“Saan ba ang punta mo?” Pag-uulit niya ng tanong sa akin. Kinuha ko sa brown envelope yung address na ibinigay ni Sister Kathy kanina.

“Alam niyo po ba kung saan ang lugar na ito?” Ipinakita ko sa kanya ang piraso ng papel at binasa niya ito.

“Ahh, sa New Hope ka pala pupunta. Sumakay ka lang dun sa paradahan ng tricycle na yun,” sabay turo niya sa mga nakahanay na tricycle sa kabilang kalye. “Sabihin mo lang na ibaba ka sa tirahan ng mga madre, alam na ng driver yun, mga sampung minutong biyahe lang nandun ka na.” Saad ng driver habang ibinabalik niya ang piraso ng papel.

“Maraming salamat po.” Kinuha ko ang mga maleta at bumaba na ng jeep. Sinalubong ako ng mainit na sikat ng araw, mga nagtataasang gusali, maiingay na sasakyan at ang mabibilis na paglalakad ng mga tao.

Kumulo ang tiyan ko. Gutom na ako. Hindi kasi ako nag-almusal kanina dahil sabik akong makaalis ng ampunan. Hinimas ko ang tiyan ko. Mamaya na lang ako kakain, konting tiis pa, malapit na naman yung pupuntahan ko. Sabi ko sa sarili ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungong paradahan ng tricycle pero huminto ako bigla nang...

Ang daming malalaking sasakyan na dumadaan! Ang lawak ng kalsadang tatawidin ko! Mahinang sigaw ko sa sarili ko. Paano ba? Hindi ako sanay sa ganito. Baka kapag tumawid ako bigla, masagasaan ako. Ilang beses kong sinusubukang ihakbang ang mga paa ko pero wala, nanginginig lang ako. Hindi na din ako mapakali. Ilang minuto na akong nakatayo sa pwesto ko habang tumutulo ang pawis ko sa noo. Hindi ko alam kung dala yun ng init na panahon o dahil kinakabahan akong tumawid.

Nainis ako sa sarili ko. Pagtawid lang hindi ko pa magawa, paano pa yung ibang bagay na mas komplikado pa kesa dito? Tiningnan ko yung ibang tao tumatawid. Bakit parang ang dali lang sa kanila na gawin yun? Hindi ba sila natatakot masagasaan?

 

Pumikit ako ng mariin. Kaya ko ito Alam kong kaya ko. Nang imulat ko ang aking mata tiningnan ko muna ang kalsada kung walang dumadaang sasakyan. At nung alam ko malayo pa yung mga susunod na sasakyang dadaan, nagsimula akong humakbang.

Ilang hakbang na lang, makakarating na din ako sa kabilang kalsada. Mas binilisan ko ang paglalakad. Pero habang lumalapit ako, unti-unting nagdidilim ang paningin ko. Konting tiis pa Enna.

The 7th Curse (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon