Chapter IV: Enemies
“Ako po si Elena Santiago, 18 years old.” Tiningan ko ang mga kaklase ko. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng mga mukha nila matapos kong magpakilala sa klase.
Unang araw ito ng pagpasok ko sa St. Jude. Nasa ikatlong klase, paiba-iba ako ng classroom at iba-iba din ang mga kaklase ko sa bawat subject. At hanggang pagpapakilala, paulit-ulit na pangalan at edad ko lamang ang aking sinasabi. bakit naman kasi ako magkukuwento ng tungkol sa buhay ko? Nakakasawa tuloy ang ginagawa namin.
Babalik na sana ako sa aking upuan kaya lang may isang babaeng tumayo at nagtanong sa akin.
“Yun lang ba ang pwede mong mai-share sa amin? Pangalan at edad? Samantalang halos lahat ng classmate natin eh inabot ng five minutes to share their life experiences. Magkwento ka naman. Nasaan ang pamilya mo? Saan kayo nakatira? Anong work ng mga magulang mo? May talent ka ba?” Sinuklay ng babaeng iyon ang kanyang mahabang buhok at saka humarap sa salamin. Tumingin ulit siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Nanatili akong nakatayo at hindi umiimik. “Oh? Bakit ayaw mong magsalita? Napipi ka na ngayon?” Dagdag pa niya. Yung mga kaklase namin ay mukhang naghihintay din sa sasabihin ko.
“Haay nako Stacey, wag ka nang mag-aksaya ng oras na makipag-usap diyan. Boring siguro ang life niyan. Mrs. Rosales, let’s move on to our topic na lang.” Sabat naman ng isang babae na katabi nung babaeng nagtanong sa akin kanina. Stacey pala ang pangalan niya.
“Sige na Ms. Santiago, makakabalik ka na sa upuan mo.” Sabi ng professor namin. Tiningnan ko siya ng matalas kaya napaurong siya ng isang hakbang. Narinig ko ang pagsisimula ng daldalan ng mga kaklase ko. Nanatili akong nakatayo doon. Itinaas ko ang aking ulo dahil kanina lamang ay nakatungo.
“Sigurado ka bang gusto mo akong makilala?” Matalim ang titig ko sa mga mata ni Stacey.
“As if I am interested with your life. Duh?!” Sagot niya sa akin. Nagtawanan ang mga kaklase ko. Bumalik siya sa pakikipag kwentuhan sa mga katabi niya. Kinuha ko ang isang libro na nakapatong sa lamesa ng professor namin at ibinato ko sa kinauupuan nila Stacey.
“What the hell?!” Napatayo si Stacey. Nagulat din ang mga katabi niya, yung mga kaklase ko. ewan ko kung anong reaksyon ng professor namin. Hindi kasi ako nakatingin sa kanya. “Ano bang problema mo?” Sabay turo niya sa akin.
“Gusto mo akong makilala, hindi ba?” Matigas na sabi ko sa kanya na para bang desidido na akong ikwento ko sa lahat ang tungkol sa buhay ko.
“Naintindihan mo ba yung sinabi ko kanina? Hindi ako interesado sa buhay mo lalo na diyan sa kadramahan mo!” Galit na sinabi niya sa akin. Lumapit siya sa tabi ko at tinulak-tulak ang ulo ko. “Hey classmates! An ugly faced girl with a disgusting fashion sense wants to fight! Look at her, so pathetic. She wants to share her boring life, OMG! Wanna listen to her story?” Tiningnan niya ako at parang nandidiri siya sa akin. Tiningnan ko ang mga kaklase ko. May ilang nakangisi, nakataas ang kilay, may ibang nagtatawa at ang ilan ay walang pakialam. Sa ginagawa niya, alam kong napapahiya na ako, pero binalewala ko iyon.
BINABASA MO ANG
The 7th Curse (On-Hold)
Mystery / ThrillerGusto mo bang mapalapit sa isang katulad ko? Written by: HOBadGirl07