Iginala ko ang aking paningin sa magiging bago kong tirahan. Mas malaki at mas maaliwalas ito kaysa sa Little Angel’s. Naririnig ko din mula dito sa labas ang mga mala-anghel na tinig ng kung sino man ang mga kumakanta sa loob. Sabi ni Sister Kathy dito daw tumutuloy ang mga gustong maglingkod sa simbahan bilang madre. Ibig sabihin, puro kababaihan ang mga nandito.
Pitong tao ang namatay noong dumating ako sa Little Angel’s. Ikapitong kaarawan ko yun. Hindi kaya… labingwalo ang taong mamatay ngayon dahil ika-labingwalong taong kaarawan ko na?
Umatras ako. Ayoko nang tumuloy dito. Baka mangyari na naman yung kagaya ng dati. Babalik na lang ako sa labas. Hindi pa siguro nakakalayo si Rafael. Magpapatulong na lang akong maghanap ng bagong bahay.
“Iha? Anong kailangan mo?” Napaigtad ako nang may babaeng nagsalita sa may likuran ko. Isang madre. Alam kong madre siya dahil sa kanyang kasuotan. Siguro nasa edad na apatnapu na. Nakasalamin at medyo may kaitiman ang kulay ng balat niya. Mas matangkad siya kaysa sa akin. Hindi na ako makakaalis.
“Magandang umaga po. Ako po si Enna, galing po ako sa Little Angels' Home. Sabi po ni Sister Kathy dito daw po ako pumunta.” Inayos niya ang kanyang salamin at tinitigan ako. Nararamdaman kong hindi siya mataray pero parang natatakot ako sa kanya.
“Ako naman si Sister Mel. Halika dito. Kanina ka pa hinihintay ni Sister Tina.” Makikipagshake hands sana ako katulad ng ginawa naming ni Rafael kanina kaso tumalikod na siya sa akin at naglakad. Sinundan ko siya.
Sana walang mamatay. Pakiusap, sana walang mamatay. Paulit-ulit ko itong binibigkas sa isipan ko habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo. Kinakabahan ako.
“Nandito na tayo.” Sabi ni Sister Mel. Hindi ko na napansin ang mga nadaanan namin. Ang dami ko kasing naiisip. Kumatok si Sister Mel sa pinto at pinapasok niya ako.
“Sister Tina, ito si Enna. Siya yung galing sa Little Angel’s na ibinilin ni Sister Kathy sa iyo. ” Sabi ni Sister Mel sa kausap niyang kapwa madre na nakaupo at hawak-hawak ang telepono. Siya siguro si Sister Tina. Kung titingnan, mukhang magkasingtanda lang sila ni Sister Mel. Tiningnan niya akong mabuti.
“Ikaw ba si Elena Santiago?” Tumango ako sa tanong niya. “Madalas kang ikwento ni Sister Kathy sa akin. ” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ano kaya ang mga bagay ang nalaman niya tungkol sa buhay ko? “Alam mo na ba kung anong nangyari kay Sister Kathy?” Umiling ako at nagmaang-maangan na may alam sa nangyari kanina bago ako umalis sa ampunan.
“Anong nangyari kay Sister Kathy?” Sabat ni Sister Mel. Huminga ng malalim si Sister Tina.
“Namatay siya pagkaalis na pagkaalis ni Enna. Inatake daw sa puso.” Pumikit ako ng mariin. Hindi siya inatake sa puso. Pinatay ko si Sister Kathy. Pinatay ko siya.
Napaupo na lang ako sa isang tabi habang naririnig ko ang paghikbi nina Sister Mel at Sister Tina. Isinubsob ko ang aking mukha sa aking mga tuhod. Ayoko na.
BINABASA MO ANG
The 7th Curse (On-Hold)
Misteri / ThrillerGusto mo bang mapalapit sa isang katulad ko? Written by: HOBadGirl07