Chapter V: His Voice

86 3 0
                                    

Kakatapos ko pa lang magbihis nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Kaagad ko namang binuksan para malaman kung sino yun.

“Good morning Enna! Bihis na bihis ka ata? Aalis ka ba?” Masayang bungad ni Alice sa akin.

“Magandang umaga din. Unang beses ko kasing aatend ng misa dito kaya gusto kong mag mukha akong presentable.” Inayos ko yung damit ko. Ilang araw na din mula nung tumira ako dito. At kagaya ng nakagawian ko, hindi kao masyado lumalabas ng kwarto ko kaya ilan pa lang din ang nakikilala ko dito. Buti na lang at walang nangyayaring masama sa paligid ko at sa mga tao dito.

“Oo nga pala noh? First time mong aattend ng mass at bagay na bagay sayo yang dress na yan.” Nginitian ko si Alice. “Nako Enna, marunong ka bang kumanta?” Tanong niya sa akin. Pumasok siya sa loob ng kwarto ko.

“Hindi eh. Bakit?” Naupo kami sa kama.

“Baka pakantahin ka nila Sister eh. Kapag kasi may bagong dating dito, ipinapakilala yun sa lahat ng taong sumisimba dito, tapos pinapakanta nila.” Kinabahan ako sa sinabi ni Alice. Hindi naman kasi ako sanay kumanta. Baka kapag ipinagawa nila sa akin yun mamaya, manigas na lang ako sa harap ng maraming tao. Anong gagawin ko?

 

“Oy natulala ka na diyan.” Siniko niya ako.

“Ha? Wala naman, naisip ko lang yung sinabi mo. Anong gagawin ko eh hindi naman ako magaling kumanta?”

 

“Don’t worry, ako ang kakanta mamaya para sayo.”

 

“Salamat ha.” Nginitian ko siya.

“Tara na sa baba, ilang minuto na lang magsisimula na ang misa.” Pagyayaya niya sa akin.

Lumabas na kami ng kwarto ko. Pero bago ako tuluyang makababa ng hagdanan, sinulyapan ko muli ang larawang iginuhit ko. Naisip ko na naman ang mukha ni Sister Tina nung sinabi kong ako ang gumuhit nito. Bakit daw In Her Darkness samantalang masasayang kulay ang ginamit ko? Ngumiti ako sa harap ng larawan.

Haay, hindi naman nila kailangang malaman ang pagkatao ko. Susubukan kong mabago ang takbo ng buhay ko dito. At sisiguraduhin ko yun.

 

Madami-dami na din yung mga taong nandito sa chapel ng New Hope, yung mga madre, mga matatandang kinakalinga dito, yung ilang nurse at mangilan-ngilang taga-labas. Iniwan muna ako ni Alice sa pwesto ko dahil isa siya sa mga kakanta. Napansin kong walang tumatabi sa akin. Naawa tuloy ako sa sarili ko. Tumingin ako sa altar na napapalibutan ng magagandang ilaw. Ngayon na lang ulit ako tumingin sa Kanya.

 

Minsan lang ako makipag-usap Sayo, handa Ka bang making sa katulad ko? Alam Mo na sigurong madami akong pinatay. Pero hindi ko naman ginusto yun eh. Hindi ko gustong mangyari yun. Nakikita Mo ba kung paano ang buhay ko araw-araw? Hirap na hirap ako.  Ang hirap mabuhay mag-isa kaya sana naman, sana maging tahimik na ang takbo ng buhay ko. Sana  walang mangyaring masama sa mga taong mapapalapit sa puso ko. Sana naman tuluyan na akong maging masaya. At sana, lahat ng mga sana na yun maging totoo.

The 7th Curse (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon