Chapter VI: Handcuffs
Sinisisi ako sa nangyari. Itinuturo ng lahat ng tao na ako ang pumatay sa kanya, kahit hindi ko naman talaga ginawa yun. Hindi ko alam kung bakit siya namatay. HINDI AKO ANG PUMATAY SA KANYA.
Makikita ko sa mga pader, bulletin board at sa mga papel at kartolina na nakasabit sa mga puno ang katagang “Justice for Stacey Tan”. Nagluluksa ang buong unibersidad sa pagkamatay ni Stacey.
Matatalim na titig ang ibinigay ng mga tao na nasa paligid ko habang naglalakad ako papasok ng St. Jude. Naluluha na ang mga mata ko pero pinipigilan kong pumatak ang mga luha na iyon. Mula pa kanina ay sinasabi ng mga estudyante na ako ang pumatay sa kanya lalo na nang makasalubong ko ang mga kaibigan ni Stacey. Bigla na lang nila akong sinugod, pinagsasampal, sinabunutan, itinulak-tulak nila ako sa daan, pinagtatadyakan. Hindi ko inakala na ganito pala talaga kalupit ang mga tao.
“Ikaw! Ikaw ang pumatay sa kaibigan namin!” Sigaw ng isang babae na may mahabang buhok. Siya yung katabi ni Stacey sa klase namin kahapon.
“Mamamatay tao ka!”
“Isa kang kriminal!”
“Dapat sayo ay mamatay din!” Hindi ko na malaman kung sino ang mga nagsasalita. Nakatungo lang ako habang nanghihina ang mga katawan kong nakasadlak sa lupa matapos nila akong pagkaisahan. Hindi ko maibilang kung ilang tao ang nanakit sa akin. Basta madami sila.
Wala akong kasalanan. Wala naman akong alam sa nangyari pero hinusgahan na agad ako. Ni wala nga silang pinanghahawakan na katunayan na ako nga ang gumawa noon. Ano bang kasalanan ko sa kanila at pinagbibintangan ako sa bagay na hindi naman ako ang gumawa?
Pinalilibutan ako ng mga estudyanteng nakikiusyoso sa mga nangyayari. Gusto kong umiyak, pero ni isang luha hindi man lang magawang pumatak sa mga mata ko. Nagkadumi na din ang mahaba kong palda. Nakakalat sa daan ang mga libro at gamit ko. sira ang suot kong damit. Ganun ba katindi ang galit nila sa akin?
Naramdaman kong masakit ang kanang pisngi ko kaya napahawak ako doon. Nang tingnan ko ang aking mga kamay, may mga bahid na ng dugo ito. Nanlaki ang mga mata ko. Dugo. May dugo ang mukha ko. Nanginginig ang mga kamay kong puno ng dugo. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.
“Tabi kayo! Tabi!”Narinig ko ang boses ng isang lalaki. “Padaan sabi eh! Enna!” Naramdaman ko na lang may yumakap sa akin.
“Rafael!” Yun lang ang nasabi ko bago tuluyang pumatak ang mga luha ko at sinagot ko ang mahigpit na pagkakayakap niya sa akin.
Ramdam ko ang sakit ng katawan ko, mula sa pisngi, braso, hita at mga paa. Sumasakit. Kumikirot. Akala ko mamamatay na ako kanina nung pinagkaisahan ako ng mga estudyante. Ni hindi ko pinangarap na mamamatay ako sa ganoong paraan.
BINABASA MO ANG
The 7th Curse (On-Hold)
Mystery / ThrillerGusto mo bang mapalapit sa isang katulad ko? Written by: HOBadGirl07