CHAPTER 3
HANGGANG MAKAUWI si Red sa pad niya, hindi pa rin mawala si Phoenix sa isip niya. Ngayong may pangalan na ang estranghero sa nakaraan niya, tiyak niyang hindi niya ito malilimutan. Bakit naman kasi kailangan pa niyang makita ito ulit.
And that kiss...ginigising ng halik na 'yon ang bawat himaymay ng katawan niya. Pero hindi puwede...hindi puwedeng patuloy niya iyong maramdaman. Titus would be mad and that was the last thing she wanted.
Damn it!
She had forgotten him for five years now! Wala na ang lalaking 'yon sa sistema niya pero isang tingin palang niya kay Phoenix ay parang naging sariwa ang memorya niya sa gabing 'yon na pilit niyang kinalimutan ng umalis siya sa VIP room na 'yon bago pa magising ang binata.
And he happened to be Titus' best friend. Ano 'to? Lokohan? Pinaglalaruan ba siya ng tadhana?
Gusto niyang i-untog ang ulo sa pader sa sobrang frustrasyon at kaguluhang nararamdaman.
"Are you okay, honey?" Tanong ni Titus sa kaniya.
Tumango siya saka kumuha ng damit sa closet niya. "Magpapalit ako ng damit," aniya sa binata.
Kaagad na tumalikod si Titus. Mabilis naman siyang nagpalit ng damit.
"Are you done?" Tanong ni Titus na nakatalikod pa rin.
Huminga siya ng malalim saka umupo sa gilid ng kama. "Yes, tapos na."
Kaagad na humarap sa kaniya si Titus saka naglakad palapit sa kaniya at umupo sa tabi niya.
"Kanina ka pa mukhang distracted," ani Titus saka pinagmasdan siya na parang binabasa ang laman ng isip niya. "May I know why?"
Umiling siya saka nginitian ito. "Pagod lang siguro ako, Titus," aniya saka nahiga siya sa kama. "Magpapahinga na ako."
Kinumotan siya ni Titus at mataman siyang tinitigan.
"What?" Tanong niya ng hindi ito magsalita habang nakatitig lang sa kaniya.
Huminga ito ng malalim saka inayos ulit ang kumot niya bago nagsalita. "Aalis ako at iiwan muna kita sandali dito. Hindi kita puwedeng isama sa pupuntahan ko."
Napabalikwas siya ng bangon saka mahigpit na yumakap dito. "No!"
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Kung saan man ako pupunta, hindi ka puwede do'n. Hindi kita puwedeng dalhin do'n."
Marahas siyang umiling saka mahigpit na yumakap kay Titus. "Hindi...hindi mo ako iiwan. Nangako ka sakin, Titus!" Pinakawalan niya ito sa pagkakayakap saka sinapo ang mukha nito. "Kapag iniwan mo ako rito ng mag-isa, who knows what will happen to me. Paano na ako? What if Emmanuel get to me and cage me--"
"Mas mapapahamak ka kung isasama kita."
Umiling siya saka bagsak ang balikat na nagtanong. "Saan ka ba kasi pupunta?"
"Dragon Liege."
Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang lugar kung saan ito pupunta. "Nababaliw ka na ba?!" Hindi niya mapigilang sigawan ito. "Papatayin ka nila do'n!"
"I want to see them try." Titus smirked. "It's time to show them who's the boss."
Hinilot niya ang sentido. "Baliw ka na talaga. Bakit ba palagi mong pinapahamak ang sarili mo? Hindi ka ba talaga nag-iisip? Paano kung mapahamak ka? Paano kung mamatay ka? Paano na ako?"
"Honey, walang forever sa mundong 'to. All of us will die eventually. It's just a matter of who goes first. At diba sinabi ko na sayo noon, ako ang magpapatunay na walang forever sa mundong 'to? Hindi habang-buhay ay sila ang may hawak ng dapat ay para sakin." Nakangiting masuyo siya nitong niyakap. "Babalik din naman ako kaagad." Hinaplos nito ang buhok niya saka hinalikan siya sa nuo. "At saka mapagkakatiwalaan naman ang taong pagbibilinan ko sayo."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 15: Phoenix Martinez
General FictionPhoenix would rather stay rooted in Baguio and work his ass off rather than experienced the buzzing life in the center city. He would rather bury himself with work in his kingdom rather than to go out and have some dirty fun like his lunatic friends...