CHAPTER 13

1.3M 27K 6.7K
                                    

CHAPTER 13

HUMUGOT NG MALALIM na buntong-hininga si Red habang nakatingin sa malawak na karagatan. Nasa top deck siya ng malaking Titus Revenge Yacht at kahit malamig na ang simoy ng hangin dahil gabi na, wala siyang pakialam. Dahil kahit papaano, nakakahinga siya ng maluwang dito sa kinatatayuan niya.

Isang linggo na sila sa yacht ni Titus. Isang linggo na itong nagpapagaling at salamat sa diyos dahil naghilom na ang sugat nito. Nang makarating sila sa yacht, ang una niyang ginawa ay pahigain si Titus sa cabin at lagyan ito ng IV. Oo nga at maliit lang ang sugat nito pero alam niyang masakit iyon. Buti nalang at daplis lang 'yon.

And now after a week, Titus wound was looking good. Naghilum na 'yon at malaya nang nakakagalaw ang binata na hindi umiigik sa sakit.

Huminga siya ng malalim saka tumingala sa kalangitan na puno ng bituin. And as cliché as it may sound, she wanted to know if Phoenix was looking at the same star. Pero sa tingin niya, hindi ang sagot sa tanong niya. Baka nasa basement ito ngayon ay abala sa pagta-trabaho at pag-i-imbento ng kung ano-ano.

Malakas siyang napabuntong-hininga saka pinalibot ang tingin sa kabuonan ng yacht na kinaruruonan. Walang mga tauhan na nagbabantay sa top deck kaya solo niya ang kinaruruonan lalo na't kanina pa tulog si Titus. Lahat ay nasa lower deck at binabantayan ang bawat sulok ng yacht para sa mga pangahas na gustong pumasok sa rito.

Red would bet her life that she wAs in the safest place right now. Alam niyang walang makakapasok sa yacht ni Titus dahil mahigpit ang seguridad no'n at matataas na kalibre ng baril ang gamit ng mga tauhan ni Titus.

Ilang segundong tinitigan niya ang buwan bago niya napagdesisyonang bumalik na sa loob. Pero ng umikot siya para bumalik sa cabin ay natulos siya sa kinatatayuan ng makita ang isang bultong maliksi at tahimik na umapak ang paa sa sahig ng deck mula sa pagtalon nito sa railing.

Malakas sana siyang sisigaw ng maaninag niya mula sa ilaw ng top deck ang kabuonan ng bulto. The top knot hair got her full attention.

The person was wearing an all black suit that hugged his muscles. May takip ito sa bibig hanggang ilong. Tanging ang mata lang at buhok ang nakikita niya pero sapat na 'yon para makilala niya kung sino 'yon.

"Phoenix?" Paniniguro niya kung tama ang nakikita niya at hindi lang siya pinaglalaruan ng mga mata niya.

Tinanggal nito ang takip sa bibig at ilong at muntik nang malaglag ang panga niya ng masigurong si Phoenix nga 'yon.

"Anong ginagawa mo rito?" Malalaki ang matang tanong niya sa binata.

He put his finger over his lips.

Sinuklay niya ang buhok gamit ang sariling daliri dahil sa stress na naramdaman saka sinalubong ito habang naglalakad palapit sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?" Kinakabahan niyang tanong. "Umalis ka na, Phoenix. Kapag nakita ka ng isa sa mga tauhan ni Titus, tiyak hindi sila mangingiming barilin ka. Umalis ka na, please...just get out of here. My God, ano ba kasing ginagawa mo rito--"

Napatigil siya sa pagsasalita ng bigla nalang siya nitong yakapin ng mahigpit.

"God..." Mas humigpit pa ang yakap nito sa kaniya. "I miss you. It was a hell of a week not seeing you."

Red's defenses melted in an instant. Pero hindi niya hinayaang maapektuhan siya ng emosyon. Nanatili siyang nakatayo at nakakuyom ang mga kamao.

God! What was this man doing here?

"Phoenix," mahinang sambit niya sa pangalan ng binata ng pakawalan siya nito saka masuyong sinapo ang pisngi niya. "Umalis ka na, please..."

May dumaang emosyon sa mga mata nito pero kaagad din iyong nawala at hindi niya nabasa kong ano 'yon. "Gusto lang kitang makita. Aalis din naman ako kaagad."

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon