CHAPTER 5
THREE DAYS. Tatlong araw nang hindi tumatawag si Titus kay Red at nag-aalala na ang dalaga. Kailangan niyang makausap si Titus kung ayos lang ba ito. Hindi biro ang pupuntahan nito. He could be killed there for God's sake!
Tiningnan niya muli ang screen ng cellphone. Kapagkuwan ay tinawagan niya si Titus ulit. Pero kahit ilang oras siya maghintay, hindi talaga niya ma-contact ang binata.
Malakas siyang napabuntong-hininga at nasapo ang tiyan ng tumunog iyon dahil sa gutom.
Shit!
Bumangon siya sa kama saka inabot ang glass bottle sa bedside table at uminom. Buti nga at may laman pa yon. Nakahinga siya ng maluwang ng maramdamang kahit papaano ay nabusog siya.
Akmang mahihiga siya ulit ng may kumatok sa kuwarto niya. Kaagad na napatitig siya sa pinto. Alam niyang si Phoenix 'yon kaya hindi niya ito pinagbuksan. This was her way of staying away from him. Bahala na magutom siya. Mas pipiliin niya 'yon kesa magalit si Titus sa kaniya.
"Open the door, Red," anang binata mula sa labas.
Kinuha niya ang unan saka niyakap iyon at nanatiling nakaupo sa gilid ng kama. She was pretending not to hear his knock. This was , staying away, like Titus wanted.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi ng marinig na bumukas ang door knob na naka-lock. Ito ang unang beses na binuksan ni Phoenix ang kuwarto niya kahit wala siyang pahintulot. Nang mga nakaraang araw, hinahayaan naman siya nito kapag hindi niya ito pinagbubuksan.
"Kailangan mong kumain," ani Phoenix ng makapasok sa kuwarto niya. "Dalawang araw nang walang laman ang tiyan mo. Ayaw kong mamatay ka rito. Kung yon naman ang balak mo, magpalipat ka ng bahay kay Titus kung saan hindi ako madamay sa kabaliwan mo."
Nanatili lang siyang nakaupo sa gilid ng kama habang yakap ang unan. "Ayokong kumain."
"Wala akong pakialam. Kakain ka." Inilapag nito ang mga dalang pagkain sa center table saka hinila nito ang mesa palapit sa kaniya na parang wala lang ang bigat niyon. "Eat up, Red."
Umiling siya. "Ayoko." Tiningala niya ang binata. "Tumawag na ba sayo si Titus? Nag-aalala na ako, e."
Mataman siya nitong tinitigan na para bang binabasa nito ang emosyon sa mukha niya bago umiling. "Hindi pa siya tumatawag sakin mula ng huli kaming nagkausap three days ago. Hinihintay ko nga para pakiusapan siya na kausapin kang kumain. Mukhang sa kaniya ka lang makikinig, e." Bumuntong-hininga ito saka nilagyan ng ulam ang kanin saka sinubuan siya. "Eat up, Red. Dalawang araw ka nang hindi kumakain. You're making me worry."
He was worried?
Well, who would have thought? Mabibilang lang ang taong nag-aalala para sa kaniya. Ang mga kaibigan niya, ang pinsan niya, at si Titus.
"Red...eat."
Walang emosyon ang mukha ni Phoenix pero nararamdaman ni Red na nag-aalala talaga ito sa kaniya. Or, maybe it was just her imagination because that was what she wanted from him. Not just his raw lust over her.
"Kumain ka na, Red." Matigas ang boses nito at halatang napupuno na sa katigasan ng ulo niya. "You're starting to irritate me. I promise Titus that I'll take care of you. So, that's what I'm doing. Eat before I force this food in your mouth."
"Okay." Wala siyang lakas na makipag-sagutan dito kaya ginawa nalang niya ang gusto nito.
Slowly, she started eating the food in front of her. Paminsan-minsan ay sinusubuan siya ni Phoenix na mukhang nababagalan sa pagkain niya. At nang maubos niya ang pagkaing dala nito, nag-umpisa nang magligpit ng kinainan niya si Phoenix.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 15: Phoenix Martinez
General FictionPhoenix would rather stay rooted in Baguio and work his ass off rather than experienced the buzzing life in the center city. He would rather bury himself with work in his kingdom rather than to go out and have some dirty fun like his lunatic friends...