CHAPTER 15
NAGMUMOG si Red pagkatapos niyang magduwal sa lababo sa loob ng banyo niya sa kuwarto. May masama yata siyang nakain ng nagdaang araw dahil parang masama ang pakiramdam niya, kaya naman ng makalabas siya ng kuwarto, kaagad siyang nag-templa ng kape at nagluto ng agahan para magkaroon ng laman ang tiyan niya.
Pagkatapos magluto, tamang-tama naman na pumasok si Titus sa loob ng kusina. Hindi maipinta ang mukha nito habang naglalakad palapit sa kaniya.
"What?" She asked.
"I printed it." May inilapag itong larawan sa ibabaw ng island counter. "Gusto kong malinaw mong makita. And don't you fucking deny it."
Napatitig siya sa larawan at kumuyom ang kamao niya kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya dahil sa kabang nararamdaman. "Saan galing 'yan?"
"It doesn't matter--"
"Saan galing yan?!"
Natigilan si Titus at hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya. "Did you just shout at me?"
Ang matalim niyang mata ay tumuon kay Titus. "Saan galing ang larawang 'yan?"
Nagkibit-balikat si Titus saka nilukumos ang larawan at tinapon 'yon sa pinakamalapit na trash bin. "It's from an untraceable e-mail address. Panira ng umaga."
"That picture is none of your business." Tinalikuran niya si Titus.
"It is my business!" Tumaas ang boses ni Titus. "My fiance is fucking someone in the terrace! Of course it's my goddamn business because it will backfire on me. Damn it!"
Matalim ang matang humarap siya rito saka dinuro ito gamit ang spatula na hawak. "Huwag mo akong sigawan, Titus. Huwag mong sagarin ang pasensiya ko."
"Kung ayaw mong sigawan kita, umayos ka!" Tiningnan siya ng masama ni Titus. "Malayo ang destansiya sa inyo ng kung sino man ang kumuha ng larawang 'yon. And thanks to the low light and the distance, hindi nakita ang mukha ng lalaki sa larawan. So when patri called me earlier, telling me that you're having an affair with someone based on the picture that he saw, I told him it was me and not some other men because my fiance is fucking loyal and so faithful to me." Nagtagis ang bagang nito. "Naiisip mo ba na muntik mo nang sirain ang ilang taong pinaghirapan ko dahil lang hindi mo makontrol ang sarili mo?! I told you to stay away from Phoenix because he will ruin everything! Stay! Away! From him! Madali lang naman diba ang gusto ko?! Bakit ba hindi ka nakikinig sakin?!"
"Huwag mo akong sigawan!" Galit niyang pinagpapalo sa dibdib si Titus gamit ang spatula, saka sinapo ang mukha at napahagulhol dahil pakiramdam niya parang sasabog ang ulo siya sa gulo ng isip niya. "Huwag mo akong sigawan..." Nanghihina siyang napaupo sa bakanteng upuan malapit sa island counter. "Nangako ako, Titus, nangako akong hindi kita iiwan kahit anong mangyari, kahit anong gawin ni Phoenix. Nangako akong nasa tabi mo lang ako, hindi ako aalis. Nangako ako at tutuparin ko 'yon kahit ang hirap-hirap na! Kahit hindi ko na kaya! Kahit naguguluhan na ako, kahit gusto ko nang tumakbo papunta kay Phoenix. Kahit gustong-gusto ko siyang mahalin, hindi ko magawa kasi ikaw ang iniisip ko. Ikaw at ang pangako ko sayo."
Hilam ang luhang tiningala niya si Titus. "Oo, naging marupok ako kagabi kasi hindi ko na siya kaya pang itulak palayo. Gusto ko nasa tabi ko siya. Gusto ko nahahawakan ko siya. I care for him, Titus, and it hurts me to push him away every time he's near because of a promise I made. Pero ang pangako ay pangako at tutuparin ko 'yon. Pero huwag kang magkakamaling saktan si Phoenix. Huwag kang magkakamaling utusan ang mga tauhan mo na saktan siya." Tumayo siya saka matalim ang matang sinalubong ang tingin ni Titus. "Keep in mind, Titus, I'm your ace of cards. Without me, you'll lose. Kaya huwag mo akong subukan. Dahil kapag nalaman ko na may nangyaring masama kay Phoenix at may kinalaman ka do'n, ako mismo ang babalik kay Emmanuel at tutulungan ko siyang pabagsakin ka."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 15: Phoenix Martinez
General FictionPhoenix would rather stay rooted in Baguio and work his ass off rather than experienced the buzzing life in the center city. He would rather bury himself with work in his kingdom rather than to go out and have some dirty fun like his lunatic friends...