CHAPTER 11

1.3M 28.8K 11.4K
                                    

CHAPTER 11

NAKA-PAA lang si Red habang naglalakad sila pabalik ni Phoenix sa bahay nito. Hawak niya sa isang kamay ang hinubad niyang high heels. Hindi na niya hinayaan si Phoenix na buhatin siya. Mas gusto niyang makasama ito habang naglalakad sila ng magkatabi, nakaakbay ang binata sa balikat niya habang ang braso naman niya ay nakapalibot sa beywang nito.

The date was fun and amazing. Hinding-hindi niya iyon makakalimutan kahit kailan. Masayang kasama si Phoenix. Walang segundo na hindi siya nag-enjoy.

Tulad nalang ngayon, naglalakad na sila pabalik pero hindi pa rin sila tumigil sa pag-uusap na parang wala nang bukas.

Sa twenty minutes na paglalakad nila pabalik, pakiramdam niya ay mas lumalim ang pagkakakilala niya kay Phoenix.

"Namatay si daddy at mommy dahil sa isang car crash. Papunta sila no'n sa airport kasi magbabakasyon sila sa Jakarta. They love traveling, but they died because of it," kuwento ni Phoenix habang naglalakad sila. "Yong truck kasi na pasalubong sa kotse nila, nag overtake sa naunang sasakyan at hindi sila nakita kaya hayon, nagsalpukan sila. Dead on arrival sina daddy at mommy sa hospital." Huminga ito ng malalim. "Nasa Amerika ako nang mamatay ang mga magulang ko, tapos holiday season pa kaya nahirapan akong makauwi. When I got here, they were already in the coffin, sleeping peacefully like they didn't leave their only son behind. I was seventeen when it happened. I was just a senior for goodness's sake. I felt so lost at the time. Not even my friends could make me feel okay.

"At dahil ako lang naman ang nag-iisa nilang anak, napunta sakin lahat ng pinaghirapan nila. Pero sa mga panahong 'yon, puno ako mg galit. Galit ako sa lahat, kahit sa panginoon, kasi bakit hinayaan niyang iwan ako ng mga magulang ko ng ganoong kaaga. I didn't even had the chance to tell them that I love them. Sa galit ko, pinagbili ko lahat ng pag-aari ng mga magulang ko. From the mansion in Manila, businesses, lands, assets, and investments. Wala akong tinira ni isa. Pero hindi do'n nagtatapos ang galit ko. I went back to the US and did a lot of stupid things there. I have a dual citizenship because of my mom being a US Citizen so it was easy for me to do what I want. I was nearly killed because of my anger and crazy stunts. I think that was my wake up call. Anim na taon din ng buhay ko ang sinayang ko. I even stopped studying just to do what every stupid things I wanted to do. After that, I pulled my shit together. I went to college, took up engineering, then I went back home and settled here in Baguio, and then I opened my business. Pero hindi pa rin ako nasiyahan sa buhay ko. Marami akong pinagsisihan sa mga ginawa ko nuong galit ako, so I took crash courses to pass my time and entertain myself."

Humigpit ang yakap niya sa binata sa beywang saka dumukwang siya at hinalikan ito sa pisngi. "You're a very wonderful person," aniya.

Mahina itong natawa saka bumaling sa kaniya. "Am I?"

"Yes." Malapad niya itong nginitian. "Very. And, thank you."

Kinunotan siya nito ng nuo. "Salamat saan?"

"For sharing your story."

Phoenix smiled. "Oh, that? It's nothing. At dahil medyo malayo-layo pa tayo, ikaw naman ang magkuwento. Tell me your story."

Nagbaba ng tingin si Red at hindi umimik. Ayaw niyang sabihin kay Phoenix na wala namang interesante sa buhay niya at ayaw niyang malaman nito ang naging buhay niya noon sa Greece.

"Hey." Tumigil ito sa paglalakad saka humarang sa daan niya at masuyong sinapo ang mukha niya. "Bakit natahimik ka?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Wala namang interesante sa buhay ko noon."

"So? Just tell me." Bumalik ang braso nito sa pagkaka-akbay sa kaniya at naglakad ulit sila. "Gusto kong malaman. Kaunti lang kasi ang alam ko tungkol sayo. I want to know everything about you."

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon