CHAPTER 12

1.2M 27K 7.6K
                                    

CHAPTER 12

NAKATITIG LANG si Phoenix sa sahig habang nililinis at ginagamot ni Pierce ang sugat niya sa balikat. Hanggang sa mga sandaling 'yon, hindi pa rin siya makapaniwala na binaril siya ng matalik niyang kaibigan. Yes, he did betray Titus in a way, but he didn't really think that he would shoot him like that.

Akala niya makakapag-usap sila ng mahinahon. Akala niya makakapagpaliwanag siya sa kaibigan, pero mali ang mga akala niya. Kasalanan din naman kasi niya ang nangyari. He was the one who seduced Red, not the other way around.

Pero parang ibang Titus ang nasa harapan niya kanina. That wasn't his best friend. That was another person. But whatever happened, he deserved it for betraying the trust of his best friend.

"Damn, man," napalatak si Khairro habang umiinom ng beer. "Hindi ko inaasahan 'yon."

Huminga siya ng malalim saka ihinilig ang likod ng katawan sa likod ng sofa at bumaling kay Pierce. "Tapos ka na?"

Nilagyan ng gauze ni Pierce ang sugat niya saka malakas na napabuntong-hininga at tumingin sa kaniya. "Bud, I want to feel sorry for you but I also want to punch you in the face." Napailing ito. "Napakagago ng ginawa mo. Hindi naman nakapagtataka na ginawa 'yon sayo ni Titus. Ginago mo sya, e. You fuck with his woman for goodness' sake!"

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Red doesn't love him."

"At sino ka para sabihin 'yon?" Sabad ni Beckett na ginawang tubig ang Martini kung makainom sa mismong bote. "I thought it's bro before hoes. Anong nangyari? At talagang si Titus pa ang tinalo mo. Alam mo naman ang isang 'yon, kapag sa kaniya, sa kaniya. Walang puwedeng kumuha ng pag-aari niya. And you know what happened to him with his ex-girlfriend five years ago. Dapat hindi mo ginawa 'yon."

Guilt consumed him but it wasn't enough to forget Red. "I know my mistakes but I still want her."

"Fuck that." Blaze clicked his tongue. "That's bullshit, my man. Kung alam ko lang na pag-aari naman pala ng iba si Red, hindi sana ako pumayag sa pabor na hiningi mo sakin. Yes, I'm a bastard and I have no conscience, but I will never—" Dinuro siya nito. "Ever do what you did to Titus. He's your friend. Fuck! You're best of friends! You don't do that to your friends, you fucktard!"

"My man," sabi naman ni Khairro. "You can't have her. Nakita mo naman diba, sumama siya kay Titus. Hayaan mo na. Ang isipin mo ngayon ay kung paano mo buburahin ang galit sayo ni Titus. Kilala mo naman 'yon--"

"Kilala ko nga ba siya? Kilala nga ba natin siya?" Tanong niya na ikinatahimik ng lahat. "The man who shot me, that wasn't my friend. That wasn't Titus. That was another person. I looked into his eyes and I saw a man with no conscience. At hindi 'yon ang Titus na nakilala ko. Hindi 'yon ang Titus na pinakilala niya sakin."

Pierce sighed. "Yeah, I saw that, too."

Napailing si Beckett, mukhang iba ang opinyon nito sa bagay na 'yon. "Sabihin na nating iba ang pinakilala niya sa ating Titus. Ang tanong, bakit naman siya magpapanggap na ibang tao? Saka baka galit lang siya kaya ganoon ang ginawa niya. Sino ba naman ang hindi magagalit?" Hindi ito makapaniwalang napailing ulit. "Grabe naman kasi ang ginawa mo, Martinez. Napakagago ng ginawa mo."

"I know." Mapakla siyang natawa. "Pero hindi pa rin nagbabago ang isip ko." Tumayo siya. "Kailangan kong makita si Red, kailangan ko siyang makausap--"

"Huwag mo akong galitin, Phoenix." Tumayo na rin si Pierce at tiningnan siya ng matiim at matalim. "Red isn't yours. Isaksak mo yan sa utak mo dahil hindi ka namin hahayaang lumabas ng bahay na 'to para lang sundan siya!" Sinigawan siya nito. "She's not yours, so shut the fuck up before I shut your mouth for you!"

POSSESSIVE 15: Phoenix MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon