CHAPTER 17
NAGISING SI Red sa isang estrangherong silid. Nang bumaba ang tingin niya sa sarili, iba na ang damit na suot niya. Pilit niyang inaalala ang nangyari hanggang sa unti-unting pumasok sa isip niya ang nangyari sa condo niya, sa yacht ni Titus at sa bahay ni Phoenix.
At nang maalala si Titus, mabilis siyang bumangon at hinanap si Titus, o kaya naman si Phoenix. Pero wala sa dalawa ang natagpuan niya kundi si Pierce. Nakaupo ito sa sala at nagbabasa.
"Nasaan si Titus?" Lakas-loob niyang tanong.
Nang marinig nito ang boses niya, nag-angat ito ng tingin sa kaniya saka isinara ang binabasang libro. "Hindi mo ba itatanong kung nasaan si Phoenix?"
Natigilan siya saka napakunot ang nuo. "Nasaan si Titus?" Ulit niyang tanong.
"He's okay."
"Nasaan siya?" Tanong niya.
"He's stable."
"Nasaan nga siya?" Nag-uumpisa na siyang mairita sa kaharap.
"Delikado ang mamangka sa dalawang ilog," sa halip ay sabi nito saka tumayo at naglakad palapit sa kaniya. "Lalo na kung ang ilog na 'yon ay parehong malakas ang alon. And you can'r have both. Kaya mamili ka kung saang ilog ka mamamangka at huwag mong paasahin ang isa kasi makakasakit ka kahit hindi naman 'yon ang gusto mong iparamdam sa kaniya."
Nagbaba siya ng tingin ng tuluyan niyang maintindihan ang sinasabi nito. "I can't choose. I don't want to choose."
"At the end of the day, you have to. At kapag namili ka, siguraduhin mong sasaya ka sa pipiliin mo."
Mapakla siyang natawa. "My future is already planned out--"
"No one can tell what the future holds, princess. It's up to you to decide what your future will be."
Ibubuka sana niya ang bibig para magsalita pero narinig niya ang pamilyar na boses ng binata na nagpapabilis ng tibok ng puso niya.
"Red? Gising ka na pala."
Mabilis siyang bumaling kay Phoenix at parang natunaw ang puso niya ng makita ang guwapo nitong mukha. "Hi."
"Hey." Nginitian siya nito saka lumapit sa kaniya. "Anong pinaguusapan niyo?"
"Nothing that concerns you, my friend," ani Pierce saka naglagay ito ng headphone sa tainga tulad ng una niya itong makilala.
Kinunotan ito ng nuo ni Phoenix saka napailing at ibinalik ang tingin sa kaniya. "Kumusta ang tulog mo? Did you rest well?"
Tumango siya saka niyakap ang binata sa beywang. Ninamnam niya ang sarap sa pakiramdam na yakap ito. Who knew when will she get the chance to do this again?
Tama si Pierce. Kailangan niyang mamili at panindigan ang desisyon niya. Hindi siya puwedeng mamangka sa dalawang ilog.
She had to decide. She had to choose her future.
"Ayos ka lang ba?" Nagtatakang tanong ni Phoenix sa kaniya ng pakawalan siya nito sa pagkakayakap.
Nakangiting tumango siya. "Masaya lang ako kasi nakita kita ulit after five years. Akala ko talaga hindi na kita makikita pagkaalis ko noon sa club. But I was wrong. I saw you again and it made me happy. You make me happy, Phoenix. Thank you for that."
Mataman siyang tinitigan ni Phoenix. Kapagkuwan ay pinagkrus nito ang mga braso sa harap ng dibdib nito. "Why do I have this feeling that you're saying goodbye to me?"
Pinaikot niya ang mga mata saka ginawaran ito ng halik sa mga labi. "Silly. Ang dami mong naiisip. Halika na nga, dalhin mo ako kay Titus. Gusto kong makita kung ayos na ba siya."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 15: Phoenix Martinez
General FictionPhoenix would rather stay rooted in Baguio and work his ass off rather than experienced the buzzing life in the center city. He would rather bury himself with work in his kingdom rather than to go out and have some dirty fun like his lunatic friends...