Bewitching Wings - Eleven

182 14 0
                                    

Pasensya na dahil sa matagal na update. Hihi. Walang internet eh. Enjoy.

--

GIAN'S P.O.V
"Waaah, Kunin mo yun. Kunin mo yun."
Napahawak ako sa balikat ko dahil sa pagpalo nya sa balikat ko. Kung nagtataka kayo kung sino ang babaeng maingay nato ay walang iba kundi si Dmitree. Oo tama kayo. Si GOLD DMITREE ROSS, ang babaeng cold na hindi kumikibo. Ang babaeng isang tanong isang sagot. Ang babaeng hindi namamansin. Ngayon ay parang isang bata at lalong naging brutal. Nagsimula syang maging ganyan nung makababa kami sa Space shuttle at masaya naman ako dahil dun. Dito lang pala magbabago ang walang kwenta nyang reaksyon sa mukha.

"Gian naman eh." sumimangot sya at sinuntok pa ko sa braso kaya napahawak ulit ako dun. "Akin na nga, di ka marunong bumaril." dugtong nya saka ako inirapan. Kinuha nya yung baril na hawak ko at seryosong tumingin sa target. Parang sanay na sanay sya sa paghawak ng baril dahil lahat ng target ay napapatumba nya kahit gumagalaw an mga ito. Ilang minuto ang lumipas ay napatumba nya na lahat kaya meron syang price.

"Oh ha! Ang galing ko." sabi nya at hinampas na naman ako sa braso. Sumimangot na lang ako at tinignan ko syang kunin yung dalawang stuff toys na malaki. Isang Blue at isang Pink.

"Kaya ko rin kaya yun kung hindi ka lang palo ng palo." nagmamaktol kong bulong. Hindi ko alam kung bulong yun dahil mukhang narinig nya at walang emosyon na humarap sakin.

Oh ano na naman? Anong itsura yan? Kanina lang ang ingay mo, ngayon poker face ka na naman. Tch.

"Eng Eng." sabi nya at inirapan ako saka marahas na ibinato sakin yung Blue na stuff toys bago maglakad papalayo.

"Anong gagawin ko dito?" tanong ko at hinabol sya. Humarap sya sakin at walang ganang tumingin sakin.

"Kainin mo baka gumaling ka sa pagbaril." sabi nya at lumakad ulit. Naku po, bumalik na po ata sya sa pagiging cold nya.

"Oyy, Dmitree hintayin mo ko." tumakbo ako para mahabol sya. Nang maabutan ko sya ay inakbayan ko ulit sya at ngumiti. "Kain na tayo." sabi ko sa kanya. Hindi na kasi kami nakakain simula nung dumating kami dito. Nakalimutan na rin naming mag lunch dahil sa kakalaro. Ngayon naman ay mag gagabi na at lalo pang dumami ang tao. Alam kong may fireworks mamaya kaya kailangan na namin kumain para makasakay kagad kami sa Wheel of Faith.

"Gusto ko nun oh!" sabi nya kaya mapatingin ako sa tinuturo nya. Cotton Candy?

"Seryoso ka? Di ka pa kumakain ng Lunch tapos cotton candy ang gusto mo?" nakataas kilay kong tanong. Inangat nya ang mukha nya para makita ako. Malamig ang pagkakatingin nya sakin at parang isang maling galaw ko lang ay kakainin nya na ko. "S-Sabi ko nga. Wag ka nga tumingin sakin ng ganyan." sabi ko at nag iwas ng tingin. Bipolar na tong babaeng to. Kanina apaka kalog tapos ngayon naman ay poker face na naman.

Bewitching Wings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon