Bewitching Wings - Twenty Eight

153 9 0
                                    

Hello Readers :* keep reading.  Hahaha.

Sorry sa sobrang tagal ng update.  Di naman po ako pa famous.  Sadyang mahirap lang komonek sa kapit bahay.  TT. TT

--

GOLD DMITREE'S P. O. V

*SPLASH *

Nagising ako nang may biglang nag saboy ng malamig na tubig sa mukha ko.  Dahan dahan akong dumilat at tinignan ang lalaking may hawak na timba.

"Oh. You're awake. " nakangising sabi nya.  Balak ko sana syang sapakin ngunit nakatali ako sa isang upuan.  Nakaramdam din ako ng sakit dahil sa mga natamo kong sugat nang bugbugin ako ng mga demonyong alagad ni Santanas.

"Hahahaha.  Akala mo ba makakawala ka dyan? Asa ka.  Asa. " parang demonyong tawa nya.  Tinignan ko sya ng masama para tumahimik sya ngunit tumawa lalo sya ng malakas.

"Pag ako nakawala dito.  Papatayin kita. " banta ko sa kanya kaya tumingin sya sakin at ngumisi.

"Talaga ba? Kaya mo pa kayang pumatay gayong naramdaman mo na ang maging masaya? " nakangising sabi nya.  Natigilan ako dahil dun pero agad ko rin ito pinalitan ng malamig na tingin.

"Kaya kong patayin ka kung gugustuhin ko Lorenz Gabriel. Sana nung una palang na nakita kita pinakain na kita ng bomba kasabay ng ice cream na inaalok mo. " malamig na sabi ko kaya lalo syang natawa.  Nagsisimula na rin akong mainis dahil sa kabaliwan nya. 

Ngayon alam ko na kung gaano kalaki ang pagbabago ko.  Dati,  di ako nagpapakita ng kahit anong emosyon ngunit ngayon kahit sa pagsasalita ko palang ay halata na.

(A/N : Si Lorenz Gabriel po ay yung lalaki na nasa ice cream parlor kung saan pumunta si Gian at Dmitree. Kung di maalala. Punta kayo sa Chapter four. ;) )

"Bakit nga ba di mo pa ako pinatay? " tanong nya sakin kaya tinignan ko sya ng malamig. "Dahil ba kasama mo ang sikat na si Gian Salvatierra at ayaw mong ipaalam na mamamatay tao ka,  Gold? "

"Tanga,  di kita napatay dahil di kita kilala nun. Gago. " sabi ko kaya kumunot ang noo nya.

"What? "

"Tanga ka kakong gag--"

*PAK*

Napatabingi ang ulo ko ng suntukin nya ko. Oo, suntok at hindi sampal. Tangna yang gagong yan eh.

"Ayun na ba ang pinakamalakas na suntok mo ?" Tanong ko at nginisihan sya.  "Ang hina naman ata? "

"Punyeta ka. " sigaw nya at akmang susuntukin ulit ako nang biglang bumukas ang pinto kaya natigilan sya.

"Boss,  pinapatawag ka ni Big Boss. " sabi ng isang lalaki. Tumango naman muna sya bago tumingin sakin.

"Di pa tayo tapos Gold. " banta nya sabay talikod kaya inirapan ko sya.

"The fuck i care? " bulong ko at pinagmasdan ang suot kong damit na puno ng tuyong dugo.

Nang gabing umalis ako ay may isang lalaking lumapit sakin at pinayungan ako.  Aalis na sana ako nun ngunit may biglang pumalo sa ulo ko kaya nahimatay ako.  Nagising nalang akong andito na ko sa di malamang lugar.  Nung una ay nakawala pa ko sa pagkakatali ko sa upuan na to at nakipag away pa ko.  Nakipagbugbugan ako sa limangpung katao. Napabagsak ko ang halos lahat sa kanila ngunit di ko inaasahan ang pagpalo ng bat sakin ng isa sa kanila kaya napaluhod ako.  Di na nila ako binigyan ng pagkakataon na makalaban kaya ang ending eto.  Bugbog sarado ako at nakatali pa ng ilang beses. May tape na nga , may lubid pa at kadena. Mga takot sakin. Di ko alam kung anong kailangan nila sakin at kung bakit nila ako ginaganto.

Bewitching Wings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon