Bewitching Wings - Twenty four

145 11 0
                                    

DMITREE'S P. O. V

Dumaan ang pasko at naging masaya ang buong linggo ko kasama sila Gian at ang buong barkada. Kahit may pagka KJ si JS at lagi akong napag iinitan ay masaya pa rin ako dahil kahit ganun sya ay nakikita kong unti unti na nya kong natatanggap sa pamilya nila.

"Hoyy babae,  baka gusto mong bilisan dahil magsisimula na ang concert pero andyan ka pa rin sa harap ng salamin. " inis na sabi sakin ni JS kaya ngumiti ako sa kanya.

"Maganda ba ko? " tanong ko sa kanya kaya kumunot ang noo nya.

"W-What? "

"Maganda ba ko? " ulit ko at ngumiti ng matamis.  Sa gantong paraan ay bigla syang maiinis sakin at mag wa walk out.

"Panget mo baliw.  Bilisan mo nga.  Kinikilabutan ako sa sinasabi mong abnormal ka. " sabi nya sabay walk out.  Natawa naman ako bago ulit tumingin sa salamin.  Oversized white pull over na may Design na star at black Leggings.  Nakasuot din ako ng black boots na medyo malaki sakin pero bagay parin sa suot ko.  Binigay sakin to ni JS dahil daw ang korni ng mga suot ko. Tss.  Nagagandahan lang sya sakin kaya nya sinasabi yun.

Napangiti ako dahil sa naisip ko.  Ibang iba na talaga ako at ang laki nga ng nagbago sakin pero masaya ako sa kung ano ako ngayon.

"DMITREEEE. " Rinig kong sigaw ni JS sa baba kaya dali dali kong tinali ang buhok ko ng pa messy bun at hinayaang nakalugay ang bangs ko.  Ready to go.

"Andyann naaa. " sigaw ko rin at dali daling bumaba. Nadatnan ko yung limang babae na inip na inip sa paghihintay sakin.

"Tara na. " nakangiting aya ko sa kanila.  Pareho pareho silang tumingin sakin at sumimangot. 

"Bakit ganyan ang suot mo? " mataray na sabi ni Rhoda kaya napatingin ako sa suot ko.

"Ano na naman?  Si JS kaya nagbigay sakin nito.  " nakasimangot na sabi ko. Pareho pareho nilang pinasadahan ang kabuuan ko at si Darlene ang unang nakabawi.

"Annyeonghaseyo. " sabi nya at sabay bow. 

"Huh?  Ganundinseyo? " sagot ko kaya tumawa silang lahat maliban sakin.  Di ko naman kasi gets yung sinabi nya.

"Waaaah.  Dyosa.  You're so gorgeous. " sigaw ni Denice at niyakap ako.  Natawa naman ako at tumingin kay JS na nakasimangot.

"Sabi ni JS panget daw ako. " sabi ko.

"Tse,  bitter lang si Ate JS dahil mas maganda ka sa kanya.  Mukha kang Koreana. " natatawang sabi ni Geneva kaya lalong tumawa si Rhoda pati ako ay ngumiti.

"Tara na nga.  Pinapalaki nyo lang ang ulo nyang abnormal na yan. " sabi ni JS sabay walk out kaya natawa ako lalo.

"Sundan na natin si Walkout queen. " yaya samin ni Rhoda at sinundan si JS. Ganun din kami nila Darlene.

"Sarap itago ni Dmitree no? " biglang sabi ni Denice kaya tumingin ako sa kanya. 

"Ano na naman? " tanong ko.

"Kahit ata pasuotin ka namin ng basahan maganda ka pa rin eh. " nakasimangot na sabi ni Darlene kaya inakbayan ko sya.

"Maganda rin kaya kayo."

"Bakit di kami magustuhan ni Lance at Xander? " pag singit ni Denice kaya tumingin kami sa kanya. Napailing ako dahil hanggang ngayon ay ayun parin ang problema nila.

"Itanong nyo dun sa mga torpeng yun wag kay Dyosa. " sabi ni Geneva kaya tumingin yung dalawa sa kanya.

"Palibhasa kayong dalawa nitong Dyosang to may lovelife. " (Darlene)

Bewitching Wings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon