Bewitching Wings - Twenty Three

162 10 0
                                    

DMITREE'S P. O. V

Dati naiisip ko, pano sini celebrate ng ibang tao ang pasko.

Meron din kayang kagaya ko mag celebrate? Yung tipong saka ko lang malalaman na pasko na sa twing papalabasin ako ni Mommy at dun papakainin sa lamesa kung san sya madalas kumain mag isa? Ang daming pagkain ngunit mag isa pa rin kumakain?

Napatingin ako sa buong sala kung san ako nakaupo. Mga pinsang babae ni Gian na naglalaro ng barahang iba iba ang kulay. Maliliit na bata na naghahabulan at nagtatawanan. Ang saya .. Ang saya nilang panuorin.

Ngayon, nasagot ko na ang tanong ko dati. Ang pamilyang ito ay sama samang sinasalubong ang pasko. Napabuntong hininga ako at nahulog sa malalim na pag iisip.

Kung buhay pa si mommy. Gusto kong ipakita sa kanya ito. Gusto kong sabay din namin salubungin ang pasko. Kahit dalawa lang kami ay alam kong masaya kami pero ..

Hanggang pangarap ko na lang yun.

Patay na sya at ang sakit aminin na tinalikuran ko na ang pagganti sa mga pumatay sa kanya.

Gusto kong mag simula ng bagong buhay kasama sila Gian.

Gusto kong madama at maranasan ang mga di ko pa nararanasan.

Napapikit ako ng madiin dahil biglang sumakit ang likod ko kasabay nito ang pagtahimik ng paligid.

Kinakabahan kong binuksan ang mata ko at tumingin sa paligid, di ko ininda ang sakit ng likod ko at nanatiling nakatingin sa nakahintong paligid na napapaligiran ng purple na paru paro.

"W-What the hell? " wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa paligid. Bakit nakahinto sila?

"Lizzy. " napatingin ako sa likod ko nang may magsalita dito. Napatayo pa ko dahil sa gulat.

"Sino ka?" Tanong ko sa babaeng may pakpak at pinapalibutan ng paru paro. Di ko magawang matakot dahil mas weird yung mga paru paro na nagsasalita at hugis tao pero walang mukha. Di ko rin magawang matakot dahil maski ako ay napapalibutan ng paru paro na galing sa likod ko. Di ko maintindihan at di ko alam kung san kukuha ng sagot. Di naman ako tanga para isipin na kagaya ako ng babaeng to. Sya ay may pakpak ako ay wala. Magkaiba kami. Magkaibang magkaiba kami.

Ngumiti sya sakin at inilahad ang kamay nya sa harap ko.

"Halika. " malambing na sabi nya at parang may humaplos sa puso ko.

"Di kita kilala. Bakit ako sasama sayo? "

"Pakiusap Lizzy." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nya.

"Hindi ako si Lizzy. "

"Di ba gusto mong lumipad? Kaya na tayo ng mga pakpak ko Lizzy. " malungkot syang ngumiti at may kumislap pang tubig sa mata nya.

"Pakiusap." Hindi ko alam kung bakit lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya. Tumingin muna ako sa paligid na nakahinto pa rin bago sumama sa kanya. Ayaw man ng isip kong sumama sa kanya pero tinutulak ako ng puso kong sumunod sa sinasabi nya.

Lumabas kami sa bahay at nag deretso sa garden. Dun ko nakita si Gian na kausap si Geneva at Dwayne. Nakahinto lang din sila kaya tumingin ako dun sa babaeng may pakpak.

"Ikaw ba ang gumawa nito? " tanong ko kaya tumango sya. Di naman ako nakaramdam ng inis tungkol dun.

"Gusto lamang kitang makasama kahit saglit dahil malapit na mag pasko. " malungkot na ngiting sabi nya. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at pinatong ang paa ko sa paa nya.

Bewitching Wings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon