Bewitching Wings - Twenty Six

157 8 0
                                    

GIAN'S P. O. V

"May balita na ba? " tanong ko kay Ate JS ng pumasok sila sa bahay.  May kasama siyang ilan tao na hindi ko kilala.

"Wala pa rin kaming lead eh.  Wala ba kayong alam na pwede nyang puntahan? " tanong ni ate kaya napasandal ako sa sofa at pumikit. Masakit ang mata ko pati na rin ang katawan ko. Isang linggo ng nawawala si Dmitree at hanggang ngayon ay wala pa rin kami lead kung saan sya pwedeng hanapin. 

Nag hire na kami ng ilang private investigator at nagpost na kami sa lahat ng social media. Ginamit na rin nila mama ang lahat ng connection nila para sa paghahanap sa kanya pero wala.  Wala pa rin kahit isang katiting na information kung san namin sya pwedeng makita.

"Di ba may nakilala sya sa Tagaytay? Yung tatlong lalaking tumulong sa kanya nung nawala sya ng dalawang araw? "  sabi ni Geneva kaya napadilat ako at tinignan sya. 
"Oo nga noh? Tiga tagaytay ang mga yun pero imposibleng makapunta sya dun. " sabi ni Denice pero di iyon tinanggap ng utak ko.

"Ate magpadala ka ng tao dun at paki hanap ang address ni Neil,  Leesun at Gevin. " sabi ko kaya tumango si ate.

"Ako na bahala dun pero bago ko makalimutan,  magpahinga ka kaya muna? " sabi nito at tumabi sakin.  Sinalat nya pa ang noo ko pati na rin ang leeg ko. "Di ka pa magaling oh. May sinat ka pa rin." sabi nito pero umiling ako.

"Di ako makakapagpahinga hanggang hindi natin sya nahahanap." Sabi ko at ngumiti ng pilit.  Nung gabing nalaman ko na di mahanap nila ate si Dmitree ay sumugod ako sa ulanan.  Di ako tumigil hanggang hindi ko sya nakikita. Kinabukasan ay inapoy ako ng lagnat kaya dalawang araw akong nakahiga sa kama at tulog.  Dahil sa pangungulila ko kay Dmitree ay pinilit ko ang sarili kong bumangon para hanapin sya.  Di na ko nagpapahinga dahil di ko kayang wala sya sa tabi ko.

"Gian, kailangan mo rin magpahinga. Ilang araw ng bagsak ang katawan mo. " sabi ni Ate Rhoda at tumabi rin sakin.

"Kaya ko ate.  Di ko kailangan ng pahinga,  kailangan ko si Dmitree. " sabi ko kaya bumuntong hininga silang lahat dahil wala na silang magagawa. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at pumunta sa kwarto ko kung saan maraming nakakalat na bote ng alak.

Dinaanan ko lang yun at dumeretso sa kama ko saka ako humiga. Pumikit ako dahil sa pagbigat ng pilik mata ko. Pakiramdam ko ay binugbog ako ng paulit ulit dahil sa sakit ng buong katawan ko pati na rin ang ulo ko.

"Bumalik ka na. " bulong ko sa sarili ko at hindi pinansin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"Kailangan kita Dmitree.  Bumalik ka na. M-Mag papaliwanag ako pag dating mo kaya umuwi ka na dito.  Miss na miss na kita. " binaon ko ang mukha ko sa unan ko saka ako umiyak.  Bakla na kung bakla pero nasasaktan ako.  Nasasaktan ako dahil wala sya sa tabi ko.  Nasasaktan ako dahil hinayaan ko syang umalis.

Ang tanga tanga ko.

--

"Gian. " napalingon ako sa madilim na paligid nang may tumawag sa pangalan ko.

"Gian. " sigaw nya ulit kaya tumakbo na ko kahit di ko alam kung san ako patungo.

"Dmitree.  Dmitree. " sigaw ko ng makita ko si Dmitree na nakangiti sakin at inaabot ang kamay ko.  Kahit malayo pa ko ay dama ko ang mabilis na tibok ng puso ko.  Gusto ko na syang mayakap.  Gusto ko na syang mahawakan.

"Gian. " banggit nya ulit sa pangalan ko kaya mas binilisan ko ang pagtakbo ko papunta sa kanya ngunit ng malapit na ko ay parang unti unting bumabagal ang pagtakbo ko at parang bumibigat na rin ang katawan ko.

Bewitching Wings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon