Bewitching Wings - Twenty Nine

150 11 0
                                    

DMITREE'S P. O. V

Nagising ako dahil sa malamig na bagay na nasa noo ko. Pagdilat ko ay agad na may humampas sa mukha ko kaya hindi ako nakakuha ng pagkakataon para tignan sya. Napapikit nalang ako ng malasahan ko ang dugo na umagos sa bibig ko.

Putangina, masakit na nga ang leeg ko pati ba naman ang labi ko?

Di ko maiwasang magmura dahil sa inis.

"Good Morning my dear. " napalingon naman kagad ako sa nagsalita. Nakatayo sya sa isang gilid at may hawak na baril. Napataas tuloy ako ng kilay ko dahil sa labis na pagtataka.

"Do i know you?" malamig na tanong ko bago ako tumingin sa paligid.

Fuck.

Napaupo ako sa kama nang ma realize kong nasa loob pa rin ako ng kwartong nirentahan ni Gian kagabi.

Si Gian.

Napatingin ako sa tabi ng kama ko ngunit wala sya. Tumayo ako at nag baka sakaling nasa CR sya pero wala pa rin.

"Are you looking for something -- er ---someone? " nakangising tanong ng babaeng nasa harap ko kaya agad ko syang kinuwelyuhan. Wala akong pakielam kung babae man sya dahil pumapatol ako kahit kanino kapag mahal ko sa buhay ang pinag uusapan.

"Where the hell is he? " galit na tanong ko pero ngumisi muna sya bago sumagot.

"Yung lalaking kasama mo sa kama? Oh c'mon di ko naimagine na ang isang katulad mo ay malandi rin pala? " natatawang pahayag nya kaya lalo akong nainis at tila may gustong kumawala sa loob ng katawan ko. Konti nalang ang natitirang pasensya sa katawan ko. Konti nalang at baka mapatay ko na ang babaeng to.

"Asan si Gian? "

"Nasa puso ko? " parang tangang sagot nya kaya di na ko nagdalawang isip sakalin sya at ibaon ang matatalim na kuko ko sa leeg nya. Nandidilim na ang paningin ko at tila nararamdaman ko na ang mga bagay na lumalabas sa likod ko. Mga paru-paro.

"Speak or die? " ginamit ko na ang pinaka nakakatakot kong boses para magsalita sya pero sya ay pilit kumakawala sa hawak ko.

"L-Let me -- ack. " halata sa boses nya ang matinding takot pero nagawa nya pa rin akong tutukan ng baril sa ulo.

"Sa tingin mo matatakot ako sa ganyan? " nakangising tanong ko saka ko hinawakan yung dulo ng baril. "Do it. " dugtong ko.

"Gold. " Natigilan ako dahil sa boses na narinig ko. "Gold, Kill her " ulit pa nito kaya napatingin na ko sa pinto ng kwarto kung saan sya nakatayo.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakikita ko. Feeling ko anytime ay babagsak ang luha ko pero ayokong makita nya kong mahina. Ayokong makita nya kong umiiyak sa harap nya.

"Gold. " tawag nito sa pangalan ko kaya di ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong tumulo.

Buhay ka.

Buhay ka nga.

"Mommy. "

*-*

"DAMN IT! " Napasuntok ako sa pader dahil sa mga sinabi ng babaeng kasalukuyang naliligo sa sarili nyang dugo.

"Traydor si Scott, Gold. Maski ako ay trinaydor nya." sabi ni Mommy at lumapit sakin para hawakan ang mga pisngi ko. "Kaya nyang patayin ang lalaking yun kahit sinunod mo ang utos nya. " dugtong nito kaya may kung anong poot sa dibdib ko ang nabuo.

Bewitching Wings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon