Bewitching Wings - Twenty two

158 11 0
                                    


*TOKTOK*

"KUYAAAAAA."

Natigilan sila Dmitree at Gian sa kanilang ginagawa nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto nila.

"KUYA GIAN, TANGHALI NA."

Sigaw ulit ni Geneva na syang kumakatok sa pinto. Dali-dali silang naghiwalay dalawa at inayos ang sarili. Di sila magkandaugaga kung alin ang uunahin kaya natawa silang dalawa.

"Para kang baliw." Natatawang sabi ni Dmitree at umupo sa kama. Lumapit sa kanya si Gian at yumuko para maging magkapantay ang kanilang mukha.

"Yes sweetie, i'm crazy inlove with you." Bulong ng binata sabay ngiti kaya napayuko ang dalaga. Hindi nya alam kung bakit ang init ng pisngi nya at parang may kung anong kumikiliti sa mga tagiliran nya. Gusto nyang sumigaw ngunit nahihiya sya.

"P-Pagbuksan mo na si Geneva." Sabi ng dalaga at itinaas ang tingin sa binatang nasa harap nya.

"Okay, mag ayos ka muna. Ako na bahala kay Geneva." Sabi ng binata at binigyan ng halik si Dmitree sa noo. Tumango naman ang dalaga bago pumasok ng banyo. Napangiti nalang si Gian dahil sa nangyari.

"KUYAAA." Napakamot sa batok si Gian nang may bigla ulit sumigaw sa labas ng kwarto nila kaya lumabas na sya para harapin ito.

"Bakit ba ang ingay mo?" Inis na sabi ng binata sa kanya kapatid. Ngumiti lang naman ito sa kanya at may inabot.

"Ano gagawin ko dito?"

"Kainin mo kuya, baka mawala yang kasungitan mo." Sarkastikong sabi ni Geneva kaya pinitik sya ni Gian sa noo.

"Kuya mo ko Geneva, baka gusto mong pabalikin kita sa Korea at pag break in ko kayo ni Dwayne?" Inis na sabi ni Gian kaya nag peace sign nalang si Geneva.

"Mag grocery ka daw para sa noche buena mamaya. Si mama ay sinundo sila Ate sa airport at yung apat ay may pinuntahan habang kami ni Dwayne ay mag de date. " ngiting ngiting paliwanag ni Geneva sa kuya nito. Napakamot nalang sya ng batok dahil wala naman na syang magagawa, isasama nalang nya si Dmitree para na rin makapamasyal sila.

"Oo na sige na. Layas." Sabi nya bago ulit pumasok sa kwarto nya para kumuha ng damit at lumabas ulit para maligo sa CR na nasa baba.

Ilang minuto syang nagtagal dun bago naisipang magbihis dahil baka hinahanap na sya ni Dmitree.

Nang pumasok sya sa kwarto nya ay pumipili si Dmitree ng isusuot nito. Di tuloy alam ni Gian kung saan titingin dahil naka balot lang si Dmitree sa maiksing tuwalya nito.

Isang gray pull-over at jumper dress nalang ang napagdiskitahan ni Dmitree at saka na sya humarap. Nakita nya si Gian na nakatingin sa cellphone nito at bihis na bihis ito.

"San punta mo? " tanong nya sa binata.

"Mag grocery daw tayo." Sagot nito at di pa rin tumitingin sa dalaga.

"Tayo? Bakit kasama ako? "

"Ayaw mo? "

"Bakit ayaw mong tumingin sakin? " nakasimangot na tanong ng dalaga pero nanatili pa rin nakayuko ang binata. "Mas importante ba yang cell phone na yan? " malamig na tanong ng dalaga kaya napa angat na ng mukha si Gian at tumingin sa mga mata nito.

"Magbihis ka nga." Naiilang na utos nito. Napatingin naman si Dmitree sa itsura nya kaya nagkibit balikat sya.

"Arte. " malamig na sabi nito bago pumasok sa banyo para magbihis.

Bewitching Wings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon