Chapter 2

942 32 1
                                    

SAAN BA siya nagkulang sa pagpapalaki sa mga anak? Hindi lubos maisip ni Celine kung bakit nagawang patayin ni Cindy ang kuting nitong si Cotton.

Sigurado naman siyang hindi iyon sinasadya ng anak. Wala pa itong kamuwang-muwang sa mundo. Hindi nito alam ang ginagawa. But still, para patayin ng anim na taong gulang ang isang humihingang nilalang...

Hindi alam ni Celine kung anong iisipin.

"Mommy, Cindy is crying so hard," si Claire. Nasa likod niya ito habang inaayos niya ang libingan ni Cotton. "Ibinabato n'ya po lahat ng toys namin sa room."

Marahas siyang napabuntung-hininga. "Hayaan mo muna siya, Claire. Mahalagang malaman niyang mali ang ginawa niya."

Grounded si Cindy at hindi ito maaaring lumabas ng silid nito hangga't 'di niya sinasabi.

"Eek-eek, eek-ekk!"

Natigilan si Celine nang marinig ang pamilyar na huni na 'yun.

"Claire, pumasok ka na sa loob," kabadong sabi niya.

"Pero ayaw kitang iwan mag-isa dito, Mommy," pakli ng kaniyang anak.

"Just go inside, anak. And don't go near the windows," utos niya. "Tatapusin ko lang 'to at susunod na ako sa loob."

Walang nagawa si Claire kundi sundin ang utos niya. Binilisan ni Celine ang paglilibing kay Cotton. Agad siyang pumasok ng bahay at sinarahan ang pinto. Ni hindi niya na ibinalik sa bodega ang pala. Iniwan niya na lang ito sa bakuran. Kahit nanginginig ang tuhod ay isa-isa niyang pinagsasar'han ang bintana ng kanilang bahay.

Bakit? sa isip-isip niya. Bakit may naririnig siyang huni ng ek-ek?

Sa kanilang probinsya, iisa lang ang ibig sabihin kapag may ibong ek-ek, may malapit na aswang.

Bagama't aware naman si Celine na hindi lang sa mga liblib na pook naninirahan ang aswang. Meron din sa siyudad, ngunit 'di niya pa rin maiwasan ang 'di mag-alala. Bakit ganito kalapit ang huni ng ek-ek? Siya ba ang sadya ng aswang?

Nasundan ba siya ng mga humahabol sa kaniyang aswang noon?

Imposible naman yata.

#

ILANG TAON na rin ang lumipas buhat nang mangyari iyon - ang dahilan kung bakit 'di na muling bumalik sa Visaya si Celine. Taga-probinsya ng Capiz si Celine. Sa Sitio Calumpang.

Nagsimula ang lahat kay Claire, ang matalik niyang kaibigan. Oo, ipinangalan niya sa anak ang pangalan ng dating kaibigan.

Naaalala niya pa, maraming bali-balita sa kanilang lugar noon na aswang ang pamilya ni Claire, pero ayaw niyang maniwala. Pareho silang nagtuturo sa isang pampublikong eskwelahan sa Roxas City. Mabait si Claire kaya mahirap paniwalaan ang sinasabi ng iba na aswang ito.

Nang imbitahan ni Claire si Celine na mag-overnight sa bahay ng pamilya nito ay agad siyang pumayag. Basta isang gabi lang siyang mamamalagi sa bahay nito.

Hindi pa uso ang cellphone nang mga panahong iyon. Bibihira rin ang jeepney at tricycle. Kaya nga siguro mas ninais ni Celine na manirahan sa Roxas City kaysa sa Sitio Calumpang buhat nang mamatay ang kaniyang mga magulang. Ang Sitio Calumpang ay halos kalapit lang ng Sitio nina Claire.

Train ang sasakyang pauwi ni Celine papauwi sa probinsya. Nangako si Claire na susunduin siya nito sa train station. Summer vacation noon. Walang pasok.

Habang hinihintay niya ang train, hindi niya maiwasang maalala ang kaniyang mga magulang nang nabubuhay pa ang mga ito.

Hindi na siya muling makababalik sa kanila. Itinakwil na siya ng kanilang angkan.

CelineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon