Chapter 3

821 33 3
                                    

ANG sunod-sunod na katok sa pinto ang nagpabalik kay Celine sa kasalukuyan.

"Celine! Ilabas mo ang mga anak ko!"

Parehong napapitlag silang mag-ina nang binayo ni Roger ang pinto. Nakaupo sila ni Claire sa sofa. Tahimik nilang pinakikinggan ang pagwawala ni Cindy kanina. Nang tumigil na sa pagsisisigaw si Cindy, si Roger naman ngayon ang nag-i-eskandalo sa labas.

"Mommy, it's Dad!" Nangislap ang mga mata ni Claire, dala ng pagkasabik sa ama.

"Princess, don't open the--"

Hindi niya na napigilan si Claire na buksan ang pintuan. Excited na niyakap nito ang ama. Kaagad namang kinarga ni Roger ang anak nito.

"Kumusta na ang aking prinsesa?" tanong ng magaling na lalaki. Namumungay ang mga mata nito dala ng pagkalango sa alak.

"Dad, you stink!" Umingos si Claire nang malanghap nito ang amoy ng alak sa ama.

"I stink? Ah ganun ha." Pinugpog nito ng halik ang tumatawang si Claire. "Where's Cindy?" tanong nito.

"Nasa 'taas," walang siglang sabi niya.

"Don't tell me, ikinulong mo na naman ang bata." Nadagdagan ang mga gatla sa noo ng asawa.

"Dinidisiplina ko lang."

"Disiplina?" Napailing ito. "Ang sabihin mo, pinagmamalupitan mo ang anak ko."

"What?" 'Di makapaniwalang napamaang na lang si Celine sa lalaki. Wala namang nagsabi sa kaniya na nakakasira na rin pala ng utak ang alak ngayon. "Kilabutan ka nga sa sinasabi mo, Roger. At pinaririnig mo talaga 'yan sa anak natin."

"Bakit? Totoo naman, ah. Galit ka sa akin at ibinubunton mo 'yang galit mo sa mga anak natin!" Ibinaba nito si Claire at saka siya hinarap.

"Claire, go to your room."

"But Mom--"

"Please anak," pakiusap niya.

Walang nagawa ang bata kundi ang tumalima.

"See? Ni ayaw mong makasama ang anak ko kahit sandali lang."

"Ayaw kong makipag-away sa'yo ngayon, Roger. And please, 'wag mong isumbat sa akin na pinagdadamutan kita ng oras na makasama ang anak natin, dahil pareho nating alam na hindi totoo 'yan."

"Oh, come on!" Pagak itong tumawa. "'Di ba ganun naman talaga ang nangyayari?"

Naiiling na kumuha ng tubig si Celine sa kusina. Ayaw niyang makipagtalo ngayon. Pagod siya at namumumroblema. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng katulong. Nag-aalala rin siya na baka nasundan siya ng aswa--

Ah, ayaw niya nang isipin pa. Baka masyado lang siyang nag-e-exaggerate. Walang aswang. Tapos na ang bangungot niya sa aswang.

"Ano, Celine? Magwo-walk out ka na naman? Ganyan ka magaling, eh. Tumakas. Umalis. Kaya 'di nag-work ang marriage natin kasi ganyan ka. Lagi kang takot sa diskusyon. Ni ayaw mong makinig ng paliwanag." Sumunod pala ang asawa sa kanya sa kusina.

"Roger, please! 'Wag mong isumbat sa akin na ako ang may kasalanan kung bakit naghiwalay tayo. Ikaw ang nambabae!"

"Hindi mo ba talaga mapapatawad ang pambababae ko? For Pete sake, isang beses lang ako nagtaksil sa'yo, Celine. Wala na ba talagang lugar ang pagpapatawad d'yan sa puso mo?"

"'Di kita maintindihan, Roger." Umiling siya nang makita ang matinding lungkot sa mga mata ng lalaki --- ang lalaking dati niyang minahal at pinagtiwalaan niya ng lahat-lahat.

"Gusto kong ayusin ang lahat, Celine," sabi nito na mas lalong ikinagulo ng utak niya.

"Ano pang dapat ayusin?"

CelineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon