Chapter 5

678 32 1
                                    

SUNOD-SUNOD na kaluskos ang nagaganap sa madahong bahaging 'yun ng gubat. Sinundan 'yun ng marahang mga ungol. Mayamaya ay lumabas ang maputlang kamay. Hinawi nito ang mga dahon. Magkasunod na lumabas mula sa kakahuyan sina Jordan at Elena.

Nag-ayos ng nalukot na damit si Elena, habang 'di naman maalis-alis ang ngisi sa mga labi ni Jordan na nagzi-zipper na ng kaniyang pantalon.

Sa labas ng kakahuyan, sa gilid ng kalsada, nakahimpil ang pickup at truck. Masinsinang nag-uusap ang grupo nina Roger para planuhin ang gagawin nilang paglusob sa kuta ng mga aswang.

"Nasa maliit na boteng 'to ang in-orasyunang langis. Kapag kumulo ang langis sa loob, ibig sabihin, malapit lang ang aswang," paliwanag ni Mang Tobias.

"Baka gusto n'yong magsuot din tayo ng kuwentas na gawa sa bawang," biro ni Jordan. Pumuwesto ito at naupo sa likuran ng pick up.

"Jordan," saway ng ama nitong si Gary.

"Meron ako ditong mga bala nilagyan ko ng esensiya ng bawang. Hindi kaagad naghihilom ang sugat ng mga aswang kapag ang balang tumama sa kanila ay may langis ng bawang."

Natawa na lang si Jordan. Para sa binata, panay kalokohan lang ang pinaggagawa nila. Pero naisip niyang wala rin namang masama kung makisakay siya. Isa pa, nag-e-enjoy siyang utuin si Elena. Aminado si Jordan na kahit malaki ang agwat ng edad nito mula sa kaniya, mas magaling itong magpaligaya kumpara sa ibang mga girlfriends niya.

Tahimik lang si Fernan. Mataman siyang nakikinig kay Mang Tobias. Bagama't naiinis siya sa pagiging walang muwang at arogante ni Jordan, hindi 'yun mahahalata sa kaniyang mukha. Kanina pa niya napapansin na tila may nagmamasid sa kanila. At ang alulong na narinig niya kanina... may maliit na tinig na nagsasabi kay Fernan na 'di 'yun basta-basta alulong ng aso.

Si Elena naman ay 'di mapakali. Hanggang nang mga oras na 'yun ay sabog pa rin siya sa hinithit na droga. Pero 'di maikakaila ni Elena ang panganib na nag-aabang lang sa dilim. Women's instinct. Ngunit ramdam niya ang kilabot sa bawat himaymay ng kaniyang katawan. At 'di lang yun dulot ng tama ng droga o dala ng libog sa binatang anak ni Gary. Alam niyang may panganib, pero imbes na matakot ay mas lalo lang siyang nasabik. Kinapkap niya sa baywang ang kaniyang baril at kinilig siya nang maramdaman sa kaniyang balat ang lamig ng bakal.

Butil-butil ang pawis sa sentido ni Mang Tobias habang itinuturo sa mga kasamahan ang mga pangontra sa mga aswang. Nagsimula siyang magpawis nang marinig niya ang alulong kanina. Kung hindi siya nagkakamali, ang alulong na 'yun ang huli niya ring narinig noon, bago niya nadiskubreng nilapa ng kung anong hayop o halimaw ang buo nilang pamayanan at kasama sa mga namatay ang kaniyang mga magulang.

Natigilan silang lahat nang biglang kumulo ang langis sa bote ni Mang Tobias.

"Maghanda kayo," babala ng matanda.

Humuni ang ibong ek-ek.

Napalunok nang dahil sa takot si Jordan, lalo pa nang makita niya ang alertong reaksiyon mula sa matatandang kasama.

"Come one, man. Masya--" Hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil bigla na lang siyang dinagit ng kung anong hayop papaitaas. Sinundan iyon ng sunod-sunod na putok ng baril.

#

ROGER FELL in love with Celine the first time she saw her. Sabi ng katrabaho niya noon, it was just attraction, plain and simple and not love at first sight. But he silently protested, dahil batid niyang unang kita niya pa lang sa babae noon, natiyak niya nang ito ang ihaharap niya sa dambana upang pakasalan.

And he can still remember vividly that first time. Bilog na bilog din ang buwan noon. Malakas din ang buhos ng ulan. Pabalik siya noon sa Manila galing Laguna. He attended a business meeting. Si Roger lang sa pamilya nila ang hindi nag-sundalo. He decided to pursue his dream to build quality houses. He was an engineer. And his project in Laguna was the biggest break in his career.

CelineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon