Masarap mang balikan ang highschool kung saan wala masyadong problema, kung saan pwedeng 'wag munang mag puyat sa gabi sa kakaaral tutal may curricular activities naman na pwedeng makadagdag sa grado, kung saan pwede munang chill lang,
Pero..
At the end of the day...
Kahit gusto man nating balikan ang mga panahong iyon..
Wala tayong magagawa. Let's just face the reality, yung mga nakatambak na responsibilidad na nagpapaalala sa atin na sa lahat ng bagay kailangan nating magsumikap dahil dito nakasalalay ang lahat.
Malalim ang paghingang pinakawalan ko habang tumatawid sa kalsadang nasa tapat lang ng maliit na bahay na inuupahan ko.
Pupunta kasi ako sa kabilang dako non kung saan nakatayo ang maliit na tindahan ni Aling Tinay, balak ko kasing mag meryenda nang hapon ding iyon.
Pagkatapos ng huling klase ko ay nakaramdam ako ng gutom. Gusto ko mang kumain sa labas, wala naman akong budget para don.
Agad namang sumagi sa isipan ko si Aling Tinay at ang binibenta nitong banana cue. Bigla na lamang akong natakam sa isiping iyon.
"Aling Tinay, may luto na po ba?" Tanong ko rito habang abala ito sa pagluluto. Kasalukuyan nitong binubuhos ang isang basong pulang asukal sa kawali kung saan niluluto ang mga saging.
"Naku Abie, pasensya na kakaluto ko pa lang ng mga ito. Makapag hihintay ka pa ba?" Tanong nito habang abala pa rin sa ginagawa.
"Sige po. Hihintayin ko nalang po muna." Sabi ko habang umupo sa isang mesa.
Marami rin kaming naghihintay sa luto ni Aling Tinay. Ang iba pa nga mga taga kabilang kanto pa.
Kunsabagay si Aling Tinay lang ata ang nagluluto rito ng mga pang meryenda. Mula sa banana cue, halo-halo, turon at iba pa.
Naalala ko pa noon nag simula lang ito sa isang stand lang kung saan banana cue pa lamang ang binibenta ng matanda hanggang sa lumago na ito ngayon.
Nagpatayo pa nga si Aling Tinay ng pasisilungan ng mga costumer nito habang naghihintay, may mga mesa rin kung gugustuhin mong dito na mag meryenda. As in isa itong typical na meryendahan.
"Hija balita ko nagtuturo ka ngayon?" Tanong nito sa akin.
"Ah iyon po ba? Part time lang po iyon. Nag-iipon po kasi ako pandagdag sa pampa.enroll ko. Sayang naman po kung tutunganga lang ako hanggang sumapit ang Agosto. Mabuti na rin po iyon para hindi mabigat kina mama ang tuition fee." Mahabang paglilitanya ko.
Nakita kong tumango.tango lang ito.
"Nga pala, kumusta na ang mama't papa mo? Hindi na sila napasyal rito."
"Ok naman po sila. Naging busy lang po siguro sa sakahan." Sagot ko rito.
BINABASA MO ANG
The Heartless Multibillionaire
RomanceFor him, He's a king and describes himself as a great lion that bows with no one. For her, she's no one. Dalawang magkaibang tao na namulat sa magkaibang mundo sa lipunan. What will happen if these two people cross their paths.? Find out!! P.S rea...