Chapter 16

425 11 2
                                    

"Ako na hija." Gusto ko sanang tulungan si Aling Tinay sa pagbabalat ng saging para naman maaliw ako habang naghihintay kay Nanay Linda. Tahimik lamang akong nagmamasid sa matanda habang mabilis at pulido ito sa ginagawa.

"Hay naku hija, kaya ko na ito." sabay kuha sa isang sipi ng saging sa sakong katabi lamang nito. "Marurumihan lang ang mga kamay mo. Mahirap pa namang taggalin tong dagta ng saging." iminuwestra pa nito ang kulubot nitong kamay. Napansin ko rin iyong pangingitim ng kasuluk-sulukan ng mga kuko nito dahil sa mga natuyong dagta ng saging.

Mg kamay ni Aling Tinay...

Mga kamay na hindi mo lubos maisip kung ano ang mga pinagdaanan...

Mula sa pangingitim nito buhat ng matagalang pagbabalat nito ng saging,

mga kamay na nag tiis sa init ng apoy, mga kamay na syang kumayod at nakapagpatapos ng mga anak...

Mga kamay ng isang ina...

Hindi ko mapigilang mapatingin rin sa sarili kong mga kamay. Kung itatabi ko ito sa mga kamay ni Aling Tina, higit na kaaya-ayang tingnan ang akin pero ito yung kamay na wala pang nagawa. Ipinilig ko ang aking ulo at napabuntong hininga nalang dahil sa aking mga palaisipan.

Ano ba't napaka sentimental ko yata ngayong araw? Stress ba ito o papalapit lang yata yung buwanang dalaw ko?

Tumayo ako't nag inat. "Nay, matagal pa siguro si Nanay Linda, ano?"  napatigil muna saglit ang matanda sa ginagawa at may pag patagilid pa ito ng ulo na tila nag-iisip. Nang siguro'y may nahagip itong ideya sa kung saan lumipad ang isip nito, "Naku hija!" biglang malakas na sabi nito at may pag palakpak pa ng kamay. Medyo nagulat ako kay Aling Tinay bilog na bilog pa naman ang boses nito.

"May nabangit pala si Linda na may hihilutin ito sa kabilang kanto, si ano yata" at ngayoy nakaturo pa yung hintuturo sa taas habang nag iisip ng pangalang babanggitin at pumalakpak nanaman. "Si Danara, oo tama, si Danara iyong anak ni Pelya na buntis. Baka raw kasi suhi kaya hinilot." sabi nito na ngayoy nagpatuloy na sa paghahati ng binalatang saging.

Kaya ko namang maghintay kung sakaling matatagalan si Nanay Linda. Isa pa't biglaan naman ang pagpapahilot ko sa kanya. Mabuti nga at nasingit pa ako ni Nanay Linda sa busy nitong schedule dahil na rin siguro na si Aling Tinay ang nakiusap para sa akin.

Sa totoo lang masyadong abala ang matanda lalo na at nag-iisa lamang itong manghihilot sa amin. "Nay punta muna ako saglit sa plasa may bibilhin lang." bibili lang ako ng kung anong binibenta roon sakto gutom ako at hindi pa nakakapagluto si Aling Tinay. Sana mayroong kwek-kwek. Noong nakaraang gabi pa yata ako nagke-crave kumain.
"Te? Sama ako!" agad namang sabi ni Belen at tumingin ito kay Aling Tinay na parang nangungusap ang mga mata na tila humihingi ng pahintulot sa matanda na payagan ito. Agad naman itong tumango  ng makuha ang gustong iparating ng dalaga. Agad naman nitong nilapag ang mga sartin na lalagyan ng mga nalutong saging malapit kay Aling Tinay at tinanggal ang suot nitong apron.

"Huwag kayong tatagal roon at baka magka salisihan kayo ni Linda." payo nito. Excited na kumapit sa akin si Belen. Hindi naman masyadong mainit sa daan, tamang sikat ng araw at hindi naman masakit pag tumatama sa balat. Umiihip naman ng kaunti ang hangin. Maririnig mo ng kaunti ang lagaslas ng mga dahon lalo na ng malalagong puno ng mangga. Nililipad din ng hangin ang mga pino at tuyong dahon ng Acacia na syang mayabang na nakatirik sa unahan.

Napakabusy ng daan lalo na't oras ng uwian ng mga estudyante. Abala ang mga tricycle na pumaroo't pumarito. "Ineng, anong agenda mo sa plasa at sumama ka?" pabirong tanong ko kay Belen habang hinawakan ang kamay nito na nakakapit sa akin at tumawid na nang lumagpas sa amin ang isang tricycle habang itinaas ko naman ang aking kaliwang kamay para senyales sa isa pang paparating na hayaan kaming tumawid na syang pinahintulutan ng kung sino mang nagmamaniobra nito at binagalan pa ang pagpapatakbo. Yumuko naman ako ng kaunti bilang pasasalamat sa kanya. Mabuti nalang at mababait at hindi kaskasero ang mga drayber dito sa amin.

The Heartless MultibillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon