Chapter 8

1K 28 4
                                    

"Ate? Nagka boypren ka na ba?" tanong ni Belen na kasalukuyang nakaupo sa sahig at abala sa paghahalungkat ng mga pocketbook na siyang itinago ko sa isang cabinet na pinagpatungan ko ng aking maliit na telebisyon.

Ako naman ay nakaupo sa dining table habang abala sa pagsusulat ng lesson ko sa isang index card na gagamitin ko bukas.

Nagtaka naman ako sa biglang pagtatanong nito.

"Hmm. Wala pa. Bakit mo naman naitanong?"

"Wala lang po. Ano kayang pakiramdam na magkaboyfriend?" tanong pa nito na parang isang batang nagtatanong ng kung anong kulay ng krayolang hawak nito.

"Naku, naku Belen. Hindi na ako magpapahiram ng pocketbook sa iyo kung iyan ang nakukuha mo. Baka marinig ka ni Aling Tinay at mapagalitan pa ako." Ayaw ko namang maisip ni Aling Tinay na isa akong bad influence kay Belen.

"Bakit? May nanliligaw na ba sayo?" tanong ko naman rito.

"Wala pa naman ate. Naitanong ko lang naman po." sagot nito na patawa-tawa pa.

"Huwag ka munang magmadali, Belen. Unahin mo muna ang mga dapat unahin." Makabuluhan kong sabi sa kanya at nagpatuloy na sa aking ginagawa.

Sa totoo lang hindi pa ako nagka boyfriend kahit kailan. Ang tanging priority ko lamang noon ay ang aking pag-aaral.

Hindi kami mayaman kaya nalakahalaga ng aking scholarship na syang makukuha ko kapag nanatiling Top 1 ako sa aming year level.

Malaking tulong na rin ito sa amin kaya naman grabe ang pagsusumikap ko noong highschool ako at sa awa ng Diyos napanatili ko ang aking scholarship.

May nga nanliligaw naman sa akin pero sadyang iba lang talaga ang priority ko. Nauunawaan ko naman noon na ang mga panliligaw sa akin ay dala ng kuryosidad. Sa mga panahong tumuntong ng highschool ang mga kabataan, doon na nagsisimula ang mga kuryosidad tulad na lang ng nabanggit ni Belen.
Ito rin ang panahon na nagiging mapusok ang mga kabataan, tila gustong sumubok ng bago.

Isa pa sino namang magkakagusto sa tulad kong hindi kagandahan.

"Alam ko naman ate. At saka nakakahiya naman kay Nanay kung pababayaan ko ang aking pag-aaral sa kabila ng pagtulong nya sa akin." - Belen

"Huwag kang mag-alala, may tamang panahon para diyan." sabi ko rito. Oo nga naman, tulad nalang ng bestfriend ni Aling Tinay na nag-akalang magiging matandang dalaga na ito na siya namang naudlot.

------------------------------

Naging maulan na nang mga sumunod na araw. Sandaling titila tapos uulan na naman.

Kung dati'y puno ng mga estudyante ang field at mga kiosk, sa ngayon mas pinili nilang manatili sa kani-kanilang mga silid aralan.

Para sa iba tila perwisyo ang pagkakaroon ng ulan, pero para sa mga magsasakang umuukupa sa bayan na ito, ito ay biyaya.

Makakapagtanim na rin. Tiyak naghahanda na rin ng sakahan sina Itay. Kakaupo ko pa lamang sa mesang nakatalaga sa akin sa faculty nang biglang pumasok si Sir Gonzales na humahangos.

"Paparating na raw sila." sabi nito. Kasunod nito si Ma'am Grace.

Nagsitayuan ang iba pang guro at lumabas na rin bg faculty para salubungin ang bisita.

Sumunod na rin kami ni Ella. Kasalukuyang may klase pa si Aine kaya't hindi ito makakasama sa amin.

Tulad ng napagplanuhan lahat ng nasa faculty ang sasalubong sa mga bisita sa araw ng pagdating nito.

Lahat kami ay patungo sa covered pathway malapit sa gate para doon salubungin ito.

Nakita kong naroon na si Mr. Principal na tila hindi man lang kinakabahan.

"Ang aga naman yata nila?" naisatinig ni Ma'am Grace.

Supposedly dapat mga three days from now pa ang dating nito.

"Baka naman surprise visit." pagbibiro naman ni Ma'am Leah na katabi lang ni Ma'am Grace.

Kitang-kita ko ang kaba kay Sir Gonzales. Sunod-sunod kasi ang pagpupunas nito ng pawis.

Nagsidatingan na ang mga sasakyan. Tatlong magagarang sasakyan at isang puting van.

Tumigil ang mga ito sa ilalim ng usang malaking Narra. Sa pagkakaalam ko iilan lang ang darating ngunit naparami ata.

Kung kanina ay nakakapagbiro pa ang mga guro ngayon ay hindi na. Pati rin naman ako ay kinakabahan rin. Nakasalalay rito ang future ng mga players namin.

Isa-isang umibis ng sasakyan ang mga bisita. Una kong napansin ang dalawang halos magkakamukang lalaki lulan sa kani-kanilang sasakyan. Medyo mas matanda lang nga kaunti ang isa. Tingin koy hindi naman nalalayo ang agwat ng edad nila.

Sa unang sasakyan ay umibis ang mas bata, at ang isa naman ay galing sa pangalawang sasakyan. Kasama nito ang dalawang babae. Ang isa'y agad nakalingkis rito at ang isa naman ay bumaba ng nakabusangot ang mukha.

Sa pangatlong sasakyan naman ay ang dalawang lalake. Ang isa ay may kausap sa teleponong hawak nito at ang isa naman ay may mapaglarong ngiti habang nililibot nito ang mga mata. Bakas sa mga tindig nila na nanggaling sila sa karangyaan.

Sa van naman ay umibis ang anim pa nilang mga kasama. Agad naman akong lumapit sa mga bisita dala ang extrang payong na kanina ko pa pala dala-dala. Ganoon rin ang ginawa ng ibang guro. Doon ko ibinigay ang payong sa mga bisitang umibis sa pangalawang sasakyan.

"Here's your umbrella Sir.... Uhmm Ma'am" sabi ko nang mapansing nakalingkis pa rin ang babae rito. Agad namang tinanggap ng lalake ang payong.

"Thank you, Miss." at kumindat pa ito na siya namang ikinagulat ko. Napasimangot tuloy ang babaeng kasama nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Your name is?" tanong pa ng lalaki.

"Abie po Sir." pormal na sagot ko rito.

"Nice meeting you, Abie." at nagpatuloy na sa paglalakad kasama ang babae ngunit di ko maiwasang mapansin ang sama ng tingin nito sa akin.

Sumunod na lamang ako sa kanila. Hindi naman malakas ang ulan, tanging ambon na lamang. Salamat at nakikisama ang panahon.

" Ugghh. What's wrong with this place?! " sabi noong isa pang babae. Inaalalayan ito ni Sir Noel na bakas sa mukha ang pagkainis dahil sa pagrereklamo ng babae.

Paano ba naman halos mabuwal na ito dahil sa pagbulusok ng takong nito sa maputik na field. 'Di tulad ng naunang babae na naka simpleng blusa lamang at naka puting sneakers, ito naman ay naka dress at nakatakong.

"Shut up, Olivia!" Saway ng naunang babae.

Olivia pala ang pangalan nitong nag iinarte. Pangalan pa lang ang gara na. Ang sama ng tingin ng Olivia sa sumaway sa kanya. Ngunit parang wala lang naman ito sa isa sa halip ay inirapan na lamang ito.

"William!!!" tawag ni Olivia sa kung sino na tila humuhingi ng saklolo. Lumingon ang lalaking kamukha ng pinagbigyan ko ng payong. Ito yata ang tinawag nitong William ngunit nagpatuloy lamang ito sa paglalakad.

Sumimangot na naman si Olivia at padabog na naglakad. Kung kanina ay nakahawak ito kay Sir Noel ngayon naman ay nauna na itong maglakad kahit na umaambon.

"Pathetic." sabi na lamang noong isang babae.

___________________
AUTHOR'S NOTE:

Hi guys! Kung meron mang nagbabasa ng storyang ito. Salamat sa inyo. Matagal na ring naka standby ang story na ito. Marami nang ganap sa buhay ni Miss Author. Isang araw napagdesisyonan kong ipagpatuloy ang pag susulat at Laking gulat ko nang makita kong may mga reads na ito no. Ngunit hindi ako naniniwala. Comment naman kayo or vote para naman malaman ko kung totoo talaga. O kung ok lang follow na rin. Salamat hehehehehe

The Heartless MultibillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon