Chapter 10

1K 26 7
                                    

Sabado.

Ang aga ko namang  gumising ngayon!

Kahit alas syete y media pa lamang ng umaga ay ramdam na ramdam ko ang pagiging maalinsangan ng paligid. Kung noong nakaraang araw grabe ang pag-ulan ngayon nama'y kabaliktaran.

Biglaan kasi  ang pagkawala ng kuryente kanina dahilan para tumigil ang pag seserbisyo ng maliit kong electric fan sa akin.

Blackout na naman! Palagi nalang!

Anong oras na naman kaya ito babalik? Huwag naman sanang umabot ng maghahapunan na.

Kadalasan kasi ito ang nangyayari.

Kahit antok na antok pa ako ay bumalikwas na agad ako ng bangon. Paano ba naman napakainit na sa loob ng kwarto, dagdag na rin ang pagiging maingay ng paligid.

Siguro iyong mga batang nanood ng TV na nagsilabasan sa kani-kanilang bahay para mag laro nalang sa labas.

Una kong chineck ang banyo kung mayroon akong sapat na tubig panligo at pambuhos ng inidoro.

Salamat naman at mayroon pa pero sapat lamang itong pambuhos ng inidoro sakaling iihi ako o magpo-poops mamaya. Maliit lang kasi ang timba na nasa loob ng CR

Ah! Parang biglang nagkaroon ng light bulb sa ibabaw ng aking ulo dahil sa ideyang naisip ko.

Mag-iigib na lamang ako sa kanila ni Aling Tinay. May poso kasi roon.

Dito kasi sa probinsya namin halos lahat ay gumagamit na ng tangke ng tubig na kung saan kuryente ang syang nagmamaniobra upang magkaroon na tubig. Kaya tuwing balck out walang tubig.

Pwera nalang sa may poso kagaya nila Aling Tinay na siyang naging convinient kung walang kuryente.

Hindi kasi nila ito inalis kahit na nagpalagay na sila ng gripo.

"Hay nako sa mga batang ito! Ang tatamad!" si Aling Nelia pala, ang kapit bahay ko sa kanan.

"utos ako ng utos pero ako pa rin ang gumagawa. Ang hirap naman na nanay ka na nga, yaya ka pa!" Halos araw-araw ito bumubunganga na nakasanayan na naming lahat.

Lalo na ako na kapitbahay nya talaga.
Pinagpatuloy ko ang pagwawalis ng mga tuyong dahon sa bakuran. Pagkatapos ko kasing uminom ng kape bilang agahan ay dumiretso na ako dito.

Medyo matagal-tagal na kasing hindi nawawalisan dito dahil sa ulan noong nakaraan, dumidikit kasi sa lupa ang basang dahon. At dahil ngayo'y maalinsangan na at tuyo na ang mga ito, naisipan kong magwalis.

Nakita kong lumabas sa pinto ng kabilang bahay ang isang pandak at matabang babae, si Aling Nelia.

Naka duster ito ng kulay dilaw at may pangkulot pa sa tungko ng ulo nito.

Nagdadabog itong naglalakad patungo sa kanialng maliit na gate, nauuna pa nga ang medyo malaki nitong tiyan, at gumagalaw pa ang matambok nitong pisngi habang lumalakad. Kung titingnan para itong isang batang bundying na nabubugnot.

Sinundan ko ito ng tingin. Nandoon pala si Mang Abner na cool na cool na nakasandig sa malagong santan. Naka tuko pa ang siko nito sa bulaklak at naka cross leg pa na tumatayo, may tooth pick pa ito sa bunganga! Pulang-pula ang medyo patpating mama kilala kasi itong bilang batikang manginginom sa lugar namin.

Sinusundo pala ito ni Aling Nelia dahil halos hindi na ito makalakad sa kalasingan. Kita kong hinawakan ito ni Aling Nelia sa kaliwang braso at binitbit na parang isang bata.

"Naku Abner! Kung saan ka naman nanggaling na animal ka! Naisipan mo pang umuwi!" tuloy ang pag bubunganga ni Aling Nelia at kung ano ano na ang pinagsasabi nito. Pinapagalitan si Mang Abner.

"Goowd Moornenng Malabssh" sabi ng mama habang kinukumpas pa ang kanang kamay at tumingin pa sa langit. Halos hindi nito alintana na puputok na si Aling Nelia sa pangsesermon sa kanya.

Gusto ko sanang bumunghalit ng tawa kaso na unsyami nang nakita kong tumigil sa pag dada si Aling Nelia at tumingin sa akin.

Natigilan ako at pinagpatuloy ang pagwawalis habang nginitian si Aling Nelia.

"Kaya ikaw Abie! Kung mag-aasawa ka sa susunod piliin mo iyong hindi gahaman sa alak!" sabi nito sa akin habang padabog na pinaupo si Mang abner sa isang bangkito. Lumiyad pa ito habang nag stretch ng likod.

"kita mo itong lalaking ito? Kung hindi pa mag-uumaga hindi pa uuwi!" tinuro-turo pa nito si Mang Abner. Ano namang kinalaman ko dito. Pati ako ay nadamay.

Nakaramdam naman ako ng awa kay Aling Nelia. Sakit sa ulo siguro ang pagiging lasingero ni Mang Abner.
Bigla itong pumasok sa loob para siguro may kukunin

Ako nama'y nagpatuloy lang sa ginagawa. Nilingon ko ang kinaroroonan ni Mang Abner para tingnan ito baka kasi matumba ito sa bangkito. Nakayuko naman ang matanda. Parang tulog na yata.

Halos mga trenta minutos akong nagwawalis. Marami na rin ang tumpok ko ng tuyong dahon. Nag-inat pa ako ng kaunti, ang sakit na kasi ng likod ko.

Tatapusin ko na ito para naman makapagpahinga na ako.

Nilalabas ko na ang mga dahon sa bakuran gamit ang isang sirang balde. Ilalagay ko kasi ito sa gilid kung saan sisigaan.

Pabalik-balik lang ako sa aking ginagawa. Habang pinupuno ko na ng dahon ang sirang balde, ay rinig na rinig ko ang kahol ng mga aso pati na rin ang tawanan ng kalalakihan.

Siguro mga nag jo-jogging. Papalabas na ako ng bakuran para ibuhos ang mga dahon

"Hey doggos, eat this man alive."

"F*ck bro!" singhal ng isang lalake. Napabaling naman ako kung saan nanggaling ang boses.

Kita ko ang apat na lalake na nagtutuksuhan. Tinatakot kasi nila ang isa. Tinutulak ito ng isa pang lalake sa mga asong nakasunod sa kanila.

Nagtatawanan at papalapit sa gawi ko. Tila pamilyar ang mga mukha nito. Sh*t iyong mga bisita pala namin! Dali-dali ko sanang pinulot ang sirang balde ngunit huli na ng makita kong natanaw ako ng isa

"Hey, its you!" sabi ng isang pamilyar na boses. Napabaling rin ang tatlo pang kasama nito.

Si Sir Zeus pala. Kasama ang kapatid nito at ang dalawa pa nitong kaibigan. 
Naka pang-jogging ang mga ito.

"Magandang umaga po sa inyo." sabi ko. Ang akward naman. Ano kayang itsura ko ngayon? Pawis na pawis tapos ang dugyot pa. Bakit ngayon pa. Nakakahiya naman

"Do you live here?" turo nito sa likod ko. Parang tumigil ang mundo ko habang minamasdan ko itong uminom sa bote ng energy drink na hawak nito pati ang detalye ng pagtakip nito ay alam na alam ko.

Napatango-tango pa ako.
"uhm, opo."

"Anyway ang ganda dito sa lugar ninyo ha. Hindi magulo." true kaya nga gusto kong lumage rito.

"Marami pa pong pasyalan rito. Subukan nyo pong mag libot. Mag e-enjoy po kayo." sabi ko rito tpos wala sa isip na ngumite. Napaka appreciative kase nito. At saka nakakahanga pa kasi hindi ito tulad ng iba, marunong itong makisama.

Parang nangati yata ang batok ko. Nilingon ko ang lalaki sa gilid nito at nagtama ang aming mga mata. Ang sama yata ng tingin ni Sir William sa akin. May ginawa ba akong masama? O ganito lang talaga ito makatingin?

--------
xoxo
--------

Hopu you like it!

Please share, comment, vote, and follow!

Lablab!

-katrinamonica

The Heartless MultibillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon