Chapter 14

973 29 11
                                    

" Sir pasensya na po hindi po ako natuloy sa klase nyo." Paghingi ko ng paumanhin kay Sir Roy.

Kasalukuyan akong nasa campus minister office. Kani-kanina lang kasi nang makita kong kakabalik lang ni Sir Roy galing bangko, agad kong sinabi ang nangyari kanina.

" Its okay Abie, walang may gusto sa nangyari." sabi nitong nakangiti. Bakit ba masyadong mabait itong si Sir Roy.

Lalo tuloy akong nakokonsensya na hindi ko nagawa ang pakiusap nito. Minsan na nga lang makiusap yung tao. Hindi kasi nito ugaling mang perwisyo nga ibang tao.

"Pasensya na po talaga." pagpapauumanhin ko ulit.

Hindi ko alam kung ilang sorry ang nasabi ko at ilang ulit ring sinabi ni Sir Roy na okay lang.

Mukhang hindi rin ito nagsawa sa pag ngiti at pag-a-assure sa akin na ayos lang talaga. napakabait talaga ni Sir.

Kulang nalang maging santo ito sa kabaitan. Ilang chika pa bago ko napag desiyunang bumalik na sa faculty room.

" Are you okay Abie? "

masyado ata akong preoccupied at hindi  ko namalayang makakasalubong ko pala si Ma'am Grace.

Ngumiti na lamang ako at sinabing "Okay lang po Ma'am"

"Ipahilot mo iyang balakang mo mamaya." pagtukoy neto sa bewang ko.

Malakas daw kasi iyong pagkakabagsak ko kanina buhat ng pagkakadulas ko sa pintura.

Wala pa naman akong nararamdamang pananakit pero 'ipapahilot' ko pa rin ito.

'Hilot' ang nakasanayan ng mga taga probinsya na kung sa madaling salita ay paraan ng pagmamasahe.

Usong-uso ito sa probinsya. Para kasi sa mga tao rito pag may lagnat, sipon, sinat o galing ka sa pagkakadulas ay kailangan talagang 'ipahilot'.
Ito na kasi ang naagawian at paniniwala na rin ng mga nakakatanda.

Wala naman sigurong mawawala kung maniniwala rin ako.

"Opo, mamaya po pagkakauwi ko, magpapahilot ako." sabi ko nalang
May kakilala naman sigurong taga hilot si Aling Tinay.

Nag excuse muna ako sandali kay Ma'am Grace para tuluyang pumasok sa faculty room at siya namang paglabas nito.

"Cara! Are you even listening to me?! How many times did I told you to behave when you're outside?!" that's Asha.

She's flushing red habang pinapapagalitan ang pamangkin nito buhat sa nangyari kanina ngunit parang hindi naman ito pinapansin ng huli.

Para lamang tumatagos sa tenga nito ang bawat pangaral ng isa.

"Hey Kiddo!"  but the kid keep on playing her barbie doll.

"Okay I'm done with you! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo!"
Thats it. Its time for me to barge in.

"C'mon Asha just chill."

"What 'chill' William?" this time she shifted her gaze to me parang kakatay ito anytime.

"This child is uncontrollable" she's pissed off, tinuro pa nito si Cara na nakatingin na ngayon sa kanya.

"Relax! Ikaw na nga nagsabi na she's a child. She's JUST a child." I put an emphasis to that. But then Asha is Asha. She wont let you win an argument.

"Dont give her that excuse, for Fuck's sake she's growing. Hindi sa lahat ng bagay we will just tolerate her because she's just a child. Can you just help me in disciplining her? You're always spoiling her." -Asha

Her shoulders dropped. Maybe its a sign that she had enough.

"Why our stupid sister left us with another burden?"

"Fuck Asha! Dont say that!" thats it! I had enough also.

I can see at the corner of my eye  Cara continued what she's doing as if wala itong narinig.

"What now?" Asha spat and she left. Habang umiiling

I cant help my self but to look at  Cara who's just playing na para lang walang nangyari.

I know she's just a child but its not enough to say na hindi nito alam ang ang mga nangyayari at naririnig nitong salita galing sa Tita nito.

We always took kids for granted especially their ability to comprehend and understand things.

Para kasi sa ating mas nakakatanda we always disregard them like di porket bata pa sila ay wala pa silang alam.

We should not underestimate these kids' capability to learn, lalo na sa mga bata ngayon.

"Come here Cara..." sabi ko rito. 

She just look at me. She's an exact copy of my late sister when she was a child.  Instead ako yung lumapit sa kanya.

"I hate her..." she said. Referring to Asha. Parang kusa lamang lumabas sa bibig nito ang mga salitang yon.
I just patted her head

"Shh.. Dont say that, she's just concerned. Besides I'm here." and with that I carry her "Common lets stroll around the town, I bet you will like it."

"Hija, maya-maya nandito na si Linda. May tatapusin lang daw muna bago dumire." si Aling Tinay. Nandito na naman kasi ako sa kanila
Sinunod ko naman yung sinabi ni Mam Grace na magpa hilot at tamang-tama at mayroon ding kakilala si Aling Tinay na mang hihilot.

"Napano ka ba at magpapahilot ka? " tanong nito.

"Nadulas po kasi ako kanina sa school, Nay" maikling sabi ko rito.

Ayoko na rin kasing i-detalye lahat kung ano talaga ang nangyari.

"Naku-naku mabuti nga at naisip mong magpa hilot, pag napabayaan iyan baka sinatin ka. Isa pa hindi magandang parating naibabagsak ang balakang hija baka di ka na magka anak sa susunod." ani nito habang nagbabalat ng saging lulutuin ngayong hapon.

"Aling Tinay naman wag namang ganyan." hindi ko alam kung totoo ba o hindi itong sinabi ni Aling Tinay pero natakot akong bigla. Paano na
ang pangarap kong maging ina

~XOXO~

____________________________

HI! salamat sa mga tumangkilik at nagbabasa ng story na 'to.  Pasensya na at medyo mabagal ang update natin.

Medyo busy pa kasi si Ms. Author sa pagiging frontliner. Pero sisikapin ko pong mag update.

Thank you! At keep safe everyone!!!

The Heartless MultibillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon