Sana wala akong gagawin sa araw na ito dahil wala akong subject na ituturo.
Nagrereport pa rin naman kami kahit papaano pero nasa faculty lang kadalasan naka standby.
Kung sa mga ganitong araw, tumutulong ako sa pag check ng mga quizzes at sa iba pang mga gawain sa faculty
Pero sa ngayon nakiusap sa akin si Sir Roy na mag sub sa kanyang klase sa Values Ed.
Dalawang Values Ed ang nasa third year ngayon. Isa sa umaga at isa sa hapon.
Sa umaga naglelesson lang at sa hapon naman ay arts.
Sa ngayon painting ang kanilang gagawin.
Ang sabi sa akin ni Sir Roy ay handa naman na ang mga gamit ng mga bata.
May mga sarili na ring paint brush at instead na canvas ang gamitin sa isang illustration board na muna para matipid.
At about sa paint na gagamitin nila ay iyong pinturang water soluble muna kasi hindi pa sanay ang mga ito.
Hindi kasi makakaturo si Sir Roy dahil pupunta pa ito ng bangko para i-deposit ang pera ng paaralan.
Dati ko nang naging guro si Sir Roy at sa Values Ed din. Isa rin sya sa moderator ng Lectors and Commentators noon aside kay Sir Gonzales
Dati pa man mahilig na akong mag drawing pero hindi naman kagalingan. Iyong tama lang na marunong
Nagkaroon kasi noon ng event ang club ng lectors and commentators at isa sa mga decoration namin ay mag drawing ng malaking picture ni Mama Mary na ilalagay namin sa stage.
Sa panahon kasi namin noon hindi pa uso ang mga tarpaulin, kahit nga sa pagrereport ay nagtitiis kami sa pag gawa ng visual aids
Dahil kinakailangan na talaga sinubukan lang namin noon na gumuhit kasama ko pa noon ang kaklase kong si Izzy. Nagbabakasakali lang
At ikinabigla naman nila ni Sir Roy at Sir Gonzales na naka provide kami ng malaking drawing ni Mama Mary hanggang sa tinanong ako ni Sir Roy sa hobby kong pag drawing at hanggang sa tinuruan na ako nitong mag paint kaso hindi pa rin ako kasing galing nito
Kaya eto ako ngayon, magsa-sub sa klase niya. Naihanda ko na ang mga gagamitin ko. Isang 1/4 illustration board at ipinatong ko dito ang ilang paint na nabuksan na. Tiyak akong ginamit na ito ni Sir Roy.
Kanina pa nag ring ang bell na hudyat na next subject na. Medyo nahuli pa ako dahil hinanap ko pa kung saan nakagay ang mga paint brush ni Sir.
Sinipat ko naman ang oras. Mag 15 minutes na pala akong huli!!
Kaya dali-dali kong tinipon ang mga gamit na dadalhin ko at halos takbuhin ko palabas ng faculty
Kaso sa kasamaang palad hindi ko napansin ang batang tumatakbo papunta rin sa gawi ko. Tamang-tama lang na lumabas ako at nagkabunggo kami.
Malapit pa akong mabuwal. Masyadong mabilis ang nangyari. Ang nakita ko lang ay nagkalat na sa sahig ang mga pintura at medyo malamig ang pakiramdam ko.
Nasalo ko pala ang mga nabuhos na pintura pero nagkalat na ang mga lata sa sahig.
Punong-puno ng pintura ang aking damit. Pero nahagip rin ng mata ko ang isang batang babae na nakatayo at nakatulala puno rin ito pintura.
Parang nabigla rin ito sa nangyari.
"Oh my God! Ciara! What did you do?"
Naibulalas ng isang babaePero biglang-bigla pa rin ang bata at halos hindi ito makagalaw.
Napaluhod naman ako sa harap ng bata at kinuha ang panyo sa bulsa para punasan ito.
"It's alright.." pag-aalo ko dito habang pinupunasan ito. Nakatingin lang ito sa akin.
Bigla nalang may humawak sa braso ng bata. Si Sir Zeus! Nakita kong pinahawak nya ito sa babaeng nasa likod nito.
"Are you okay?" tanong nito. At nilahad ang kamay upang alalayan akong tumayo mula sa pagkakaluhod ko na agad ko namang kinuha.
Bakit ba ako ang tinatanong nito? Hindi ba dapat ang bata?
"tsk!" pumalatak pa ito. Anong problema nya at may tinaklob pa ito sa t-shirt ko na pakiramdam koy jacket. Tatanggi na sana ako, baka malagyan din ito ng pintura ngunit may binulong rin ito.
"I can see through you"
Noong una hindi ko pa gets pero nang ma realize kong nakaputi pala ako.
Bumakat siguro ang bra ko, o di kaya ang dibdib ko.
Ano Ba? Puro kahihiyan nalang.?
Agad akong nag excuse kay Sir Zeus, kita ko pang amuse na amuse ito.
Dali-dali akong pumunta sa Campus ministry office dahil alam kong walang tao doon. Nilagpasan ko pa si Sir William na sa tingin koy papunta rin sa gawi ko
At dumiretso sa CR. Hinugasan ko muna ang mga kamay ko. Salamat at water solluble ang paint at hindi ako mahihirapan sa pagtanggal nito sa balat ko pero ang damit ko mag mamantsa ito.
Hindi pa nga ako na naka get over nang makita ako ni Sir Zeus na dugyot na dugyot noong nakaraang araw, tpos ngayon para namang basang sisiw.
Bakit ba puro sa nakakahiyang sitwasyon kami mapang-abot ni Sir Zeus. Sobra na ha?
Bahala na. Huhubarin ko na sana ang damit ko para labhan ito ng kaunti.
"Here!" halos lumundag ako nang may nag salita sa likod ko.
Si Sir William pala may hawak na pera at inaaabot ito sa akin. At pumasok pa ito ng banyo. Sh*t di ko pala nasara ang pinto.
Nakakunot ang noo nito at Nakita kong naglakbay ang mga mata nito sa hinaharap ko. Agad ko namang kinuha ang jacket at pinangtakip ulit. Manyak! Charoot.!
"Ano po iyan Sir?" tanong ko
"Money. Can't you see?" sabi nito na parang nangagaral.
__________________
__________________~~Bawi bawi akoy babawi~~
Hi guys sorry ngayon lang ulit naka update. Tpos ang pangit pa nang update ko kahapon. Pero promise babawi ako.
Please vote, comment and follow
Thanks!!
-katrinamonica
BINABASA MO ANG
The Heartless Multibillionaire
عاطفيةFor him, He's a king and describes himself as a great lion that bows with no one. For her, she's no one. Dalawang magkaibang tao na namulat sa magkaibang mundo sa lipunan. What will happen if these two people cross their paths.? Find out!! P.S rea...