Chapter 5
A/N: Hi kung may nagbabasa ng story na to, please comment kayo. Curious lang.. Hehehehe ^.^V
Naging maingay na ang dating tahimik na covered pathway.
Pati na rin ang mga kiosk na nasa tabi nito ay napuno ng mga estudyanteng naghahalakhakan at nagtatawanan, rinig na rinig din ang tsismisan kahit saan.
Siguro tungkol sa kanilang summer vacation.
May mga estudyante rin na wagas kung makareact pag nakita na nila ang mga barkada.
Sa pagpasok ko pa lang kanina sa gate, sumalubong rin sa akin ang mga estudyanteng bakas sa mukha ang excitement at kaba.
Sila siguro yung mga freshmens. Naranasan ko rin ito noon. Well, normal lang ito sa unang araw ng pasukan.
Sabi nga nila, papasok ka sa isang eskwelahan na hiyang hiya pagkatapos lalabas kang walang hiya!
Habang naglalakad ako sa pathway, hindi ko maiwasang balikan ang mga ala-ala ko sa paaralang ito.
Mula sa pabalik balik na paglalakad sa pathway na dinadaanan ko ngayon, sa mga punishments na minsan nadadamay ka sa kabulastugan ng mga kaklase mo hanggang sa mga panahong may away at bati, pati na rin sa kadramahan.
Hay! Ang sarap bumalik ng highschool!
"Ate Abie!" isang pamilyar na boses ang gumising sa akin mula sa pagbabalik tanaw ko. Si Blessie pala!
" Oy, kumusta?" excited na sabi ko. Ngayon lang kasi kami ulit nagkita.
Si Blessie ay isa sa mga ka-close ko noong nag-aaral pa ako sa paaralang ito. Naging kasama ko siya sa English Club.
Nasa 1st year sya noon at nasa 4th year na ako ng mga panahon na iyon. Too bad sila ang naging unang batch ng programang K-12.
"Ok lang Ate.. Ang tagal na nating di nagkita ah!"-Blessie
"Oo nga eh" sagot ko rito. Totoo nga naman, simula nung gumraduate ako 'di na ako nakadalaw pa ulit rito.
" 'Nga pala! Anong meron ate at pormadong pormado ka?" Pabirong tanong nito.
Naalala ko nga palang pormal na pormal ako ngayong araw. Naka pencil skirt ako at simpleng puting blouse na pinaresan ko ng simpleng itim na doll shoes.
Kahit hindi ako sanay ay napilitan akong magsuot ng ganito. Syempre unang araw ng pagtuturo ko.
Napatawa ako ng kaunti.
"Ako nga pala ang magiging substitute sa klase ni Ma'am Grace." Pagpapaliwanag ko.
"Talaga? Ibig sabihin isa ka sa magiging teacher ko? Ang saya nito!" masayang sabi nito. Kung alam nyo lang may naformulate na itong kalokohan ngayon.
"Hindi pa naman sigurado Bless. 'Di ko pa nga alam ang kung isa kayo sa tuturuan ni Ma'am Grace."
"Ganun ba? Sayang naman Ate Abbie. Mas OK sana kung isa kami sa mga i-ha-handle mo" sabi pa nito na tila nalulungkot.
"Bakit naman?" di ko napigilang magtanong. Naku-curious ako kung bakit ganito ang reaksyon nito.
"Eh diba mas masaya yun kapag kaibigan ko ang isa sa mga magiging subject teachers ko, edi may possibility na tataas na yung grades ko lalo na sa English. Hindi mo naman ako pababayan diba?" lokong bata to! Isang kalokohan na naman ang naisip.
"Ipagdasal mo nalang iyang hiling mo. Malay mo kaawan ka. Naku Blessie mga kalokohan mo! O siya, pupunta pa ako ng faculty." Nagpaalam na ako at tumungo na sa pupuntahan ko.
Hindi ko napigilang matawa sa kalokohan ni Blessie. Pag 'yon talaga kausap mo wala kang makukuhang matino.
Nasa sala palang ako ng faculty nang makiya kong narron nap ala sa Al-aine. Himala an gaga naman yata nito eh noong high school lang ay palaging late ang babaeng to. Hindi ko tuloy maiwasang punahin.
"Ang aga mo yata hija?"
"Pssh!" sagot nito na sumenyas pa na tumahimik at tinapat pa ang hintuturo malapit sa bibig nito.
"Alam mo namang ako ang substitute ni Sir Noel diba? Ayaw ko namang maging bad shot sa kanya kung malelate ako lalo na't first day natin ngayon." Pagpapatuloy nito.
Kaya pala! Matagal ko nang alam na crush na crush ni Al-aine si Sir Noel. Hindi lang pala ako ang nakakaalam. Noong nasa highschool kami, halos lahat ng mga teachers, ibang estudyante pati na rin mga kaklase name ay alam ang tungkol doon.
Paano ba naman napaka bulgar naman kung kiligin itong si Al-aine tuwing dumadaan si Sir Noel. May papadyak-padyak pang nalalaman at tumitili pa na akala mo'y mamamatay sa kilig. Halos mag laway nga rin ito tuwing subject naming kay Sir Noel.
Hindi ko naman masisisi si Al-aine kung bakit crush nito si Sir. Napaka charismatic kasi nito, yung tipong mysterious type. Hindi ito pala salita at di rin palangiti. Man of few words kumbaga.
Sabi kasi ng kaklase naming si Leo noon, ikakasal na raw sana si Sir Noel sa girlfriend nito kaso na hit 'n run daw ito ng L300 van kaya namatay ito.
Mula daw ng araw na iyon, hindi na raw ngumingiti si Sir. Pero malay natin muli itong ngingiti pag tinamaan ulit ng pag-ibig. Hindi pa naman huli ang lahat lalo na't bata pa si Sir.
I think nasa early 30's pa lang ito. Malay natin may himalang mangyari at si Al-aine nap ala ang babaeing magpapatibok sa puso nito.
"Matagal ka nang bad shot kay Sir Noel noong highschool pa." Pang-iinis ko rito.
"Kaya nga nililinis ko yung record ko diba. Ikaw talaga di ka supportive na kaibigan" sabi nito na may paturo-turo pa.
"Teka 'wag ka munang pumasok. Nagme-meeting pa ang mga teachers." Pigil nito sa akin ng makitang papasok na ako.
Baka nalilito kayo. Bale ganito kasi ang set–up ng faculty. Ang kinaroroonan namin ngayon ay iyong nagsisilbing living room ng faculty. Dito tinatanggap ng mga teachers ang mga bisita gaya na lamang ng mga magulang ng mga estudyante.
Ditto rin nag che-check in and check-out ang kung sino man ang sadyang pumasok ng clinic o faculty.
Sa madaling salita pagpasok mo ng unang pintuan, ang bubungad sayo ay ang living room ng faculty. Sa kaliwa ay ang pintuan ng faculty at sa kanan naman ang pintuan ng clinic.
Sa naalala ko bagong construct ang faculty noong first year pa lamang ako. Ayon sa sabi-sabi kaya naisip ang ideya ng pagrecord ng kung sino man ang pumapasok sa faculty kasi minsan nang nawala ang mga test papers noon at walang maituro ang mga teachers kung sino ang kumuha.
Sa ngayon mayroon ring CCTV sa loob.
"Si Ella?" tanong ko rito.
"Wala pa nga eh. Pero nag text sa akin baka di raw makakapasok. Masama daw ang pakiramdam." –Al-aine
"Ganun ba? Sayang naman. Eh sinong papalit sa kanya?" pareho naman kaming napatigil sa tanong ko.
"Oo nga no? Ay ano ka ba! Malalaman natin yan mamaya." Sumang-ayon na lamang ako.
~Xoxo~
BINABASA MO ANG
The Heartless Multibillionaire
RomansaFor him, He's a king and describes himself as a great lion that bows with no one. For her, she's no one. Dalawang magkaibang tao na namulat sa magkaibang mundo sa lipunan. What will happen if these two people cross their paths.? Find out!! P.S rea...