Chapter 13

1.8K 29 19
                                    

"Money. Cant you see?"  sabi nito na parang nangangaral.

Alam ko namang  pera iyon.  Anong akala nito sa akin nasa kindergarten parin na kailangan i-demo muna ang mga hindi ko pa alam.

"Uhm, Sorry Sir pero di ko po gets kung anong gusto nitong ipahiwatig."
Humakbang pa ito papalapit, habang maigi ko namang tinatakpan and sarili.

Napakalapit nito sa akin halos makalimutan ko nang huminga pero kahit ganoon pa man hindi ko maiwasang malanghap ang pabango nito.

Bakit ganito silang magkakapatid? Parang palaging fresh palagi? Bakit parang ang unfair naman ng mundo? Ako nga parang dugyot palagi. Hinawakan nito ang kamay ko para ilagay ang pera.

"Take this money as a compensation sa ginawa ng pamangkin ko." So pamangkin nya pala ang batang nakabangga ko kanina.

Tiningnan ko ito. Kaninong anak yon? Kay Sir Zeus? Sino pa ba ang kapatid ni Sir William kundi ang huli lang naman.

"What? You can buy new clothes with that money? Or isnt it enough?" pumuputak na pala ito kanina pa. Umiling pa ako para matanggal ang mga iniisip ko.

"Alright." Kinuha nito ang wallet nito mula sa backpocket ng kanyang pantalon. Nakita ko pang huhugot na naman sana ito ng pera mula sa wallet. Na misinterpret yata ang pag iling ko.

Agad ko namang binalik ang pera. Medyo nagulat pa ito nang medyo malakas ang pakakabalik ko.

"Ok na po Sir, may dala naman po akong extrang damit." Pantaas nga lang pero walang pants. Wala rin pala akong dalang extrang bra. Uuwi nalang siguro ako. Papalitan ko nalang muna ang pantaas ko bago umalis.

"Take this." sabi nito with finality. Seryoso rin ang mukha nito. Sabing ok na eh.

"Ok lang po talaga Sir.  Kung compensation lang Sir, wala nang problema sa akin. Iyong nangyari hindi naman po enough para magkaroon ng compensation chuchu." Pabiro ko pang sabi, ngunit hindi nagbago ang awra nito.

"Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa iba." Humakbang pa ito palapit. Seryosong-seryoso ito na syang dahilan kung bakit ako napaatras pa. Hanggang sa naramdaman ko nasa likod ko na ang sink ng banyo.

"And its my rule to prevent as much as possible to be indebted with other people. And you know why?" tila galit na galit ito. May hugot yata sa buhay.

Masyado na itong malapit sa akin. Itinukod pa nito ang mga kamay sa sink, naging dahilan ng  pagkakulong ko sa magkabilang braso nito. Yumuko pa ito para magka lebel ang mga mata namin. Umiling ako nang hindi ko alam.

Ngayon namay nilapit pa nito ang mukha at bumulong sa aking tenga.
"Because...I dont want them to use it against me, to ruin me!" sabi nito mula sa mapang-akit na tono hanggang sa naging buo na parang may pinupunto sa akin.

"Huwag mo nalang isipin na utang na loob iyon. Aksidente ang nangyari at kasalanan ko rin naman at hindi ako nag iingat." -ako

"So now, tell me, whats with you and my brother? Why are you so close to him?" mapaghinalang tanong nito.

Tila naman bumalik ako sa tamang huwisyo at tinulak ito palayo sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" he smirked. At ngumiti ito ng nakakaloko. Parang na confirmed ang isang bagay na guilty ako.

"Are you trying to seduce my brother? You two were so close these past days?"

"Hoy bunganga mo!" sabi ko rito. Lokong to! Napakamalisyoso!

"What?" tanong nito na patawa-tawa pa. Tila aliw na aliw pa ito

Napansin siguro nitong halos nag-uusap na kami ni Sir Zeus. Tuwing may kailangan kasi ito ay sa akin ito lumalapit. Kaya siguro kung ano-ano ang iniisip nito.

"Ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Sabi ko nalang." Sabay tumalikod sa kanya

"Really?" tiningnan ko ito sa repleksyon ng salamin at tinaasan ng kilay. Isang hirit pa at mapipikon na ako. Pikunin din kasi ako minsan.

He surrendered. Tinaas pa nito and kamay. "Alright. If you say so."

Nakita ko itong tumalikod na at lalabas na sana kaso bumaling pa ito at sinipat and aking kabuohan.

"Ah, By the way.." tila hihirit na naman ata. "Your boobies were cute but its not enough to make me hard." At kumindat pa ito. Bastos! Ngalingali kong batuhin ito!

Hindi na natuloy ang klase ko kay Sir Roy dahil sa nangyari. Pina seat work na lamang ang mga bata at umuwi rin ako sandali para makapag-ayos.  Humingi ako ng abiso kay Mr. Principal at pinayagan nya naman ako.

Dali-dali akong naligo at nilabahan ko rin ang jacket na pinahiram ni Sir Zeus sa akin. Mabuti na lamang at hindi nag mantsa ang pintura sa jacket nito.

Nasa harap na ako ng faculty office nang matanaw kong naroon sina Sir Zeus at ang walang hiyang kapatid nito. May table silang sinet-up roon at ang bawat isa ay nakaharap sa kani-kaniyang mga laptop.

Hindi ko naman alam kung nasaan sina Mam Sylvia at Mam Olive. Balita ko noong nakaraan ay naglibot ang mga ito sa bayan kasama pa ang dalawang kaibigan nina Sir Zeus.

Umuwi na rin ang iba pang kasama nilang dumating noong isang araw nang matapos nang sukatan ang mga players. May pa bunos rin ang mga ito. Pati na rin ang mga sapatos na gagamitin ng mga players ay sponsored din ng Atlantis.

Tuloy-tuloy akong naglakad papunta sa office ng Campus Minister para Makita si Sir Roy. Naroon daw kasi ito sabi ni Ella. Hihingi sana ako ng paumanhin dahil hindi ko nagawa ang ibinilin nito sa akin.

Ngunit bago pa ako makarating doon ay madadaanan ko pa kung nasaan sina Sir Zeus.

Nakita naman ako nang huli at ngumiti ito sa akin. Sir wag naman ganyan!

"Hey Ive been looking for you. Ang sabi ay umuwi ka raw." - Sir Zeus

"Opo. Uhmm Sir baka bukas ko pa maibabalik iyong jacket mo. Nilabhan ko pa kase." Sabi ko rito.

"Its alright you can keep it. I hope you're okay and sorry for the trouble."

"Naku Sir, ok lang po. Ako nga po sana ang mag sosorry. Kumusta po sya? Baka po kasi nabigla sya sa nangyari." Pag tukoy ko sa bata.

“Stop calling me Sir. Call me by my name." sabi nito

Wag mo simulan sir. Crush lang kita pero huwag paasa.

Nahagip naman ng mata ko ang lalaking tahimik na nakaupo sa gilid. Seryoso itong nakatingin sa amin at nakapatong pa ang baba nito sa dalawang kamay na nakatuko sa mesa.

Bigla itong humalukipkip nang mapansing napadako ang mata ko sa kanya. Ayan na naman ang mapaglarong ngiti nito.

Napataas naman ako ng kilay and I mouted "anong problema mo?" ngunit ngumisi lang ito na siyang kinainis ko.

Nang bumaling ako kay Zeus, Zeus na raw tawag ko eh, nakita kong nagtataka ito at palipat-lipat ang tingin nito sa amin ng kapatid nito.

__________
__________

Hope you like it.

Please vote, comment and follow.

-katrinamonica

The Heartless MultibillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon