Let's be friends.
Nag sorry si Likas sakin? Pero bakit sya umalis? Hindi ba sya sincere?
"Callista uuwi na ako ha." Paalam ni Adri.
Ay ang bilis naman. Kapag isa pa lang talaga ang ka-close mo ang hirap talagang mag adjust.
"Do I need to be friendly?" I asked myself out of the blue
"Mam shena, pinapasundo na po kayo ng tita nyo." Sabi ni Mang Berting.
"Zienna ho Mang berting. Pero sana Calli na lang po." Sabi ko tumungo naman sya bilang pagsang ayon.
"Mam, anak ho ba kayo sa pagkadalaga ni Doktora?" Pag uusisa nya.
"Pamangkin po." Sabi ko at agad na umupo sa back seat dahil doon naman ako umuupo.
"Manong sikat po ba si Likas Vergara?" I asked manong. nakakunot ang kanyang noo noong tinanong ko iyon.
"Hindi masyado. Kilala ang pamilya nya. Dahil nanalo sa sweepstake ang tatay nya. Noon nangingisda lamang ang tatay nya. Pero bilib din ako sa batang iyon dahil wais masyado." natatawang saad nya.
"ah. kaya pala." wala sa sarili kong sabi.
"bakit hija boypren mo ba si Likas?" tanong ni manong. parang kinabahan ako sa tanong nya paano ba naman hindi naman pero parang maiisyu ako ni manong kay tatay.
"hindi po manong curious lang ba." sabi ko at sinang ayunan naman nya. hindi naman pala sya tsimoso ehh.
"Alam mo Mam Callista, sa totoo lang po suki ng kababaihan yang si Likas kaya wag po kayong maiinlove." babala ni Mang Berting.
"hay nako Manong itaga mo po sa bato na hindi. dyos ko manong pihikan yon sa chicks." pagrarason ko. totoo naman eh si Iska pa lang yon ha. tsk tsk.
"mag iingat lang po kayo Mam marami pa namang tsimosa dito baka mamaya matsimis kayo lagot kayo sa pamilya nyo." sabi ni Mang Berting pero nakatuon pa rin sa daan ang atensyon.
"salamat po mang berting sa paalala." sabi ko at agad na nagtipa ng text para magsend ng message kay Adri.
tapos na akong magtipa ng mensahe ng maalala kong wala akong numero ni Adri. great Callista! tanga tanga iisa na nga lang ang kaibigan nalintikan pa! tss.
nagbeep ang telepono ko at nakitang may isang mensahe don.
From: Unknown
Hi Callista! :)
agad naman akong nabahala kung sino ung nagtext.
sino kaya to? si Likas kaya? tss, feelingera naman ako sya pa naman ung tipong ikaw ang unang magtitext.
To: Unknown
sino po sila?
pagkatipa ko ay agad ko ding sinend. sino kaya ito?
From: Unknown
Secret. Basta kilala moko :)Secret tapos kilala ko daw sya.
Pumasok sa isip ko si Likas.
To: Unknown
Likas Vergara?
Nag intay ako ng ilang minuto dahil hindi na nag reply.
Sus! As If I care naman kung sino sya.
Kinaumagahan nakatanggap ako uli ng text galing sa unknown na number.
From: Unknown
Hindi. Pero sana you'll like me if malaman mo kung sino ako.
Da who ba ito? Pero bakit ang lakas ng kutob kong si Likas ang katext ko.
To: Unknown
Ayoko sa iba. Si Likas Vergara lang ang gusto ko.
Sige pa Callista, aamin din sya.
"Callista, tawag ka na ni Nanay. Kanina ka pa pala gising di ka man lang bumaba. Aga aga text agad inaatupag mo." Sita ni Yna sakin at tsaka umalis sa kwarto namin so technically ako ang natutulog dito. Mag isa.
Bumaba ako at nag ayos ng sarili. Wala pa rin akong uniform. Baka bukas matapos na pasadya kasi.
"Callista, mag iingat ka ha." Paalala ni Nanay.
"Anak, sakay na ihahatid ko kayo ni Yna." Tawag ni tatay na nakaupo sa loob ng montero na sasakyan.
Hay nakoo. Ayoko talagang may pa epek na ganyan. And as a good child sinunod ko sila. Kahit na labag sa loob ko. Hello public lang ang school ko. At probinsya yon. Okay na sakin ang tricycle kesa montero.
"Callista, sabi ni Mama hindi ka daw gagala ha. Susunduin ka ni Mang Berting mamaya para pupunta sa boac birthday ni John eh." Si Yna. Perfect daughter. Nakakainggit maging sya.
"Okay. Tay, dito na lang wag na pong ipasok sa loob ng school. Nakakahiya eh." Nahihiya kong sabi.
"Nahihiya? What the heck Callista?!? Nakasakay ka sa montero na sasakyan mahihiya ka? Oh come on!" Naghihisterikal na sagot ni Yna.
Hindi pa sinasabi ni tatay na pwede na akong bumaba ay bumaba na ako. Tutal hindi naman umaandar ang sasakyan.
"Bye!" Paalam ko sa kanila at agad na kumaripas ng takbo papasok sa school.

BINABASA MO ANG
Tatlong Hakbang Palayo Sayo
Random"ayoko na." mga salitang bumasag sa pagkatao ko. halos manlumo ako nung sinabi mo yan sakin. Pagod na ako. Pagod na akong intindihin ka. Pagod na ako sa maraming bagay. pero bakit ganon? ang dali lang sayong bitawan ako? ang dali lang sayong iwan ak...