Nagmamadali akong umalis. Kinakabahan ako sa lahat. Handa naman na ako dito. Pero bakit lumalakas ang kabog ng dibdib ko?
"Callista!" si Likas. Habol habol nya ako. Tumigil ako ng bahagya. Wala na akong magagawa. Baka nga oras na.
"Anong kailangan mo?" pormal pa rin ang pagkakatanong ko. Kahit nanginginig na ako.
"Please Callista, hear me out." he said. Nakayuko sya at tila wala sa sarili.
"Okay." tipid kong saad. Ayoko ng maging bitter. Ano naman kasi ang mapapala ko dun diba?
"P-pwedeng sa H-hotel tayo?" napayuko sya sa sinabi nya habang ako naman ay nanlaki ang mata sa gulat.
Sasagot pa lamang ako pero nagsalita sya agad.
"K-kasi alam kong ayaw mong makita nila tayong magkasama sa public place." nakayuko pa rin sya. Well, I don't have a choice. Tumungo na lang ako bilang sagot. At mas lalong kumabog ang dibdib ko. Takot sa lahat. Lalo na kay Xander.
"Tara na?" si Likas. Di ko namalayang nasa loob na pala sya ng kotse nya.
Dali dali akong sumakay sa kanyang sports car. So this is the perks of being an artist. He must a billionaire right now. Sikat sya sa buong mundo. Jenina was very lucky to have him.
"Ang tahimik mo." Puna nya.
Nilaro ko na lang ang mga daliri ko at hindi na ninais na sumagot pa. Para saan pa? Eh pwede namang mamaya.
"Alam mo. Hindi pa talaga ako nakakamove on." Share nya lang. Hinayaan ko syang mag moment.
"Nagsisisi ako na may nangyari samin ni Jenina. Akala ko talaga ikaw yon. Lasing ako nun. And you left me." Bakas sa pagsasalita nya na nasasaktan sya sa sinasabi nya pero kalmado pa rin sya.
"Please, Callista sumagot ka." he demand.
"Pwede ba Likas, diba magu usap naman tayo sa Hotel baka naman pwedeng doon na lang. Nagmamadali ka ba?" Naiirita kong sabi. Parang wala lang sa kanya dahil ugh, ewan. Bakit ba kasi ako sumama?
"Okay." Walang gana nyang sagot.
Humarap na lang ako sa bintana. At binuksan ang bintana ng sasakyan nya.
"Bakit mo binuksan?" Angil nya.
"Nasosuffocate akong kasama ka eh I need a fresh air. At please, ikaw naman ang mag adjust sawang sawa na kasi ako." Mahabang litanya ko. Wala syang kibong bumaling sa daan.
Natanaw ko na ang Solaire. Wow. Spell mayaman.
"Solaire?" Tangang tanong ko.
"Oo, now let's go." Nauna syang bumaba para pagbuksan ako ng pinto as if lampa ako.
"Callista, sabay tayong papasok ha." He said. As if papayag ako.
"Please." He pled.
"No." Diretso kong sagot at naunang pumasok sa lobby ng naturang hotel.
sikat siya at alam kong magdidiwang si Kiara kapag kumalat ang picture namin. Isang malaking iskandalo ito.
"okay." 'sing lamig ng yelo nyang sabi.
nauna ako sa paglalakad at kumuha ng isang suite na may pagkamura lang. Hindi na ako yung dating si Callista na pala gastos.
nang makuha ko ang susi ay dali dali akong sumakay sa elevator na agad ding hinarang ni Likas ang kamay nya at umarteng hindi ako nakita. okay, diba hiniling ko ito? so bakit ko kailanagang may maramdamang iba.
"Miss Fallon? ang.. ang ganda nyo po." sabi nung elevator guy.
"ehem!" nauubo kunwari. natatawa ako sa ginagawa nya kasi para syang tanga.
"Sir Vergara?" nagtatakang tanong nung isang babaeng sumakay.
oh noes! don't dare to touch me Likas. swear! iiwan kita dito. right here as in.
"Miss Sylvestre? waaaah!! mga idol ko!" nagtititili yung babae at natawa lang sya. ugh!
"Hi! ako pala si Janice Ruaza. nagtatrabaho akong secretary ni Mr. Ho. buti na lang dito ang punta ko. grabe talaga!! pa kiss naman po. okay lang po ba Fallon?" nagtatatalon sya as if binuhusan sya ng malamig na tubig.
napairap na lang ako.
BINABASA MO ANG
Tatlong Hakbang Palayo Sayo
Random"ayoko na." mga salitang bumasag sa pagkatao ko. halos manlumo ako nung sinabi mo yan sakin. Pagod na ako. Pagod na akong intindihin ka. Pagod na ako sa maraming bagay. pero bakit ganon? ang dali lang sayong bitawan ako? ang dali lang sayong iwan ak...