EDITED
Should I really follow my heart? I think it will be more confusing for me.
Tama si Tita Nia, makakapagsinungaling ako sa ibang tao pero hindi sa sarili ko. Dahil ako lang mismo ang nakakaalam sa nararamdaman ko.
Pero.... tama nga ba 'tong desisyon na ginagawa ko?
I don't want to make the same mistake I did back then, kung ang desisyon kong' to ay magiging permanente. Kailangan kong magisip ng maigi, hindi ko gugustuhin na sa bandang huli muli ko 'tong pagsisisihan.
"Bes?"
Napatingin ako kay Nica ng hawakan n'ya ang kamay ko.
"Ano 'yun Nica?" Tanong ko sa kan'ya, bahagyang lumaki ang mga mata ni Nica kaya ikinataka ko ito.
"May problema ba? Kanina ka pa kasing tulala d'yan," tanong n'ya.
Sasabihin ko ba?
"Ano kas-"
"Andito na tayo," Parehas kaming napatingin ni Nica sa bintana ng sasakyan at mabilisan namang lumabas si Nica.
Rinig ko ang pagbukas ng pintuan sa tabi ko kaya napatingin agad ako dito.
"K-kuya paul?"
"Oh ok ka lang? Tara na," inalok n'ya sa'kin ang kamay n'ya at tinanggap ko naman ito. Inalalayan n'ya ko sa pagbaba ng sasakyan na para ba akong isang prinsesa.
"Thank you," ani ko sa kan'ya, kasabay ng isang ngiti.
"Luh! Bakit si Besh inalalayan mo?! Ako hindi!" Rinig kong pagbusangot ni Nica sa kabilang pintuan ng sasakyan.
"Bumaba ka na agad eh," sagot ng kuya n'ya.
"Tara na nga Kath!" Sabi n'ya sa'kin at hinawakan ang aking kamay. Bago pa man kami makalayo sa kuya n'ya binelatan n'ya muna ito dahilan ng pagtawa ko.
"Excited na ko!" Pagtili ni Nica sa tabi ko.
Nasa harap na kami ngayon ng pintuan at dahan-dahan akong kumatok. Sa pagkatok ko dun bumukas ang pintuan.
Bumungad sa'min ang mala pantasya na ballroom, punong-puno ito ng kumikinang na mga crystal ball at iba't-iba pang desenyo.
Feeling ko ako si Cinderella ng pagpasok pa lang namin ni Nica dahil rin siguro sa kapareho nito ang straktura na nasa movie.
"Bes ayun sila oh!" Ani sa'kin ni Nica at napatingin agad ako sa grupo ng taong tinuro n'ya.
Hinila n'ya agad ako pababa ng hagdan upang makalapit sa kanila, sa malas ko nga lang biglang naalis sa paa ko ang suot kong heels. Di pwedeng mawala 'yun!
Teka hindi ako si cinderella!
"N-nica mauna ka na may nakalimutan lang ako," sabi ko sa kan'ya ng tignan n'ya ko.
"O sige, balik ka agad ah," sabi n'ya sa'kin at tinanguan ko na lamang s'ya.
Umalis agad ako sa tabi n'ya at muling umakyat sa hagdan nagbabasakaling nandun ang sapatos ko.
Ng wala akong nahanap, muli akong bumaba at tinignan ang bawat hakbang.
"Ano ba 'yan nasan na kasi 'yun?!" Ani ko sa sarili.
"Miss?" Rinig ko ang isang boses ng lalaki.
Hindi ko ito pinansin at tuloy pa rin ako sa paghahanap ng sapatos ko. Sana naman hindi agad nakuha 'yun.
"Miss?" Kinalabit na ko nung lalaki kaya napatingin ako sa kan'ya. Ano ba kasi kailangan nito?
"A-ano po 'yun?" Tanong ko sa kan'ya.
YOU ARE READING
'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)
RomanceKathileen Mendoza ang babaeng topakin! Minsan meron minsan wala. Amazona, pero may malabot na puso if you get on her soft side. She knew four boys that made her heart broken. Four boys and four heartbreaks. But there is a past to remember... ©Har...