Nandito kami ngayon sa isang resort ng lolo ng kaklase ko, bukas na namin sasalubungin ang bagong taon.
Dad went to Japan with my tito's and tita's, some of my cousins nagreunion at pumunta ata sa probinsya. Si kuya naman ayun kasama 'yung mga tropa n'ya sa cebu at dun magcelebrate ng bagong taon.
And he left me all alone at home.
Galing nga ng mga magulang namin noh? Humiwalay sa mga anak nila para lang mag new year sa ibang bansa.
Oh well, I told dad naman na ok lang kami ni kuya dito. At kahapon n'ya lang nalaman na magkahiwalay kami ni kuya, so ayun napagalitan si kuya.
Ang nagplano pala kasi ng lahat ng 'to ay ang president namin nung 1st year highschool na magreunion sa isang resort which is pagmamayari ng lolo nila Peter.
Along with my classmates, at kuya James na sinabit lang, pakapalan na lang daw ng mukha.
Let me share this to you guys, ang umalis lang samin ay si Chris nung magsecond year highschool na kami. At ang pumalit naman sa kan'ya ay si kuya James and Kim, so ang OP lang ngayon ay silang tatlo. Oh well...hindi ko na muna poproblemahin 'yung tatlo.
Ang nakakairita nga lang ay ito....
"Kung hindi rin tayo sa huli!!!" Ang tuloy-tuloy na pagkanta ni Aeron or should I say pangangasar?
Don't you get it? Since nandito si Christopher dahil may PAST nga daw kami at idagdag mo pa si kuya James na nagka-issue din.
Please let me take a rest for now, magbabagong taon na oh!
"Aeron shut the f up! O etong paa ko ang lalapat sa mukha mo?!" Sigaw ko sa kan'ya, pero hindi n'ya ko pinansin at tuloy-tuloy lang sa pagkanta.
"Peter!" Rinig kong pagtawag ng isang lalaki kay Peter.
Pagtingin namin sa lalaking papalapit kay Peter nagulat na lang ako na si kuya Bryan lang pala.
At bigla naman akong tinignan ng mga kaklase ko, I don't like the way they look at me.
"What?!" Sigaw ko sa kanila.
Tumawa lamang ang iba sa kanila at 'yung iba naman tinignan lang ako.
Rinig kong nagsabi si kuya Bryan kay Peter na dito muna s'ya kasama namin, dahilan na rin na wala s'yang kasama sa bahay ng lolo n'ya. Which nasa loob lang din ng resort.
Lumipas ang labing limang minuto at five o'clock na ng hapon, ang bilis talaga ng oras. Kanina lang ng hahanda pa lang kami ng makakain, pagabi na pala.
Ang mga kaklase ko naman nasa pool pa rin, at 'yung ibang girls naman nagkwekwentuhan sa kubo na nasa tapat lang ng pool.
Napabuntong hininga na lang ako at hindi pinansin ang pawis na tumulo na sa may kaliwang pisnge ko.
At tinuloy ang pagluluto ng makakain namin mamaya buti na lang tinulungan ako ni Kim kundi itatapon ko sa kanila 'to. Lalo na kay Aeron habang kumukulo pa, pero syempre joke lang 'yun dahil sayang ang pagkain.
"Uy nandito din pala kayo," rinig ko nanaman ang isang boses ng lalaki. Alam kong nangagaling 'yun sa gawi nila Peter kaya napatingin naman ako sa pwesto nila.
"Sh*t," mahinang pagmura ko.
Nandito rin si kuya Jonathan! Ang ganda pa ng reunion nila! Lahat ng kuya ko nandito!
Muli kong tinignan si kuya Jonathan at kitang-kita sa basang-basa na katawan n'ya na kakaahon n'ya lang sa swimming pool. Ang maskolado pa ng katawan n'ya!
YOU ARE READING
'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)
RomanceKathileen Mendoza ang babaeng topakin! Minsan meron minsan wala. Amazona, pero may malabot na puso if you get on her soft side. She knew four boys that made her heart broken. Four boys and four heartbreaks. But there is a past to remember... ©Har...