'Till I met you (Christmas Special)

173 8 0
                                    

"Kath wake up!!!"

Minulat ko ang mata ko makitang nasa gilid ng kama kong nakaupo si Kim, kinuha ko naman ang kumot ko at tinaklob sa sarili ko.

I'm to lazy to get up!

"Kath!" Muling paggising sa'kin ni Kim pero hindi ko pa rin s'ya pinansin.

Ramdam ko ang pagalis n'ya sa kama kaya medyo sumilip ako ng onti para masiguradong nakaalis na s'ya.

Sa malas ko nga lang saktong pagsilip ko hinawi n'ya ng bongang-bonga ang kurtina kaya nasilawan ako.

"Wake up Cinderella!" Pagsigaw ni Kim.

"Shut up! Let me sleep more!!" Sigaw ko pabalik sa kan'ya.

"Tigilin mo nga 'yang pagbusangot mo, kailangan na nating umalis. Hindi mo pa nabibilihan ng regalo 'yung mga kuya mo," when I heard those two words 'mga kuya', bigla agad akong napaupo sa kama.

"Wait, anong araw ngayon?" Tanong ko sa kan'ya.

"Its December 24 lazy head, mamaya na ang Christmas Eve," Sagot n'ya.

OMAYGHAD WALA PA NGA KONG REGALO SA MGA KUYA KO!

"Kim labas!" Sigaw ko sa kan'ya.

"Aba may gana ka pang-"

"Lumabas ka na kasi! Ano papanoorin mo kong magbihis?!" Iritang sabi ko sa kan'ya.

Kita ko ang pagpula ng pisnge n'ya kaya lumabas na agad s'ya ng kwarto ko. Hmph! Got you Kim!

"Bilisan mo, hinihintay na tayo ng kuya mo sa baba. Pati na rin si Nica at kuya Paul," sabi ni Kim, nagulat naman ako ng bangitin n'ya sila Nica.

Bakit wala akong matandaan na kasama sila samin?

Dali-dali akong naligo at nagbihis, kinuha ang bag at wallet ko. Bumuba agad ako ng sala, at dun ko nakita sila Nica na nakaupo sa sala habang nakain ng cookies na- Cookies?!

"Pa!" Sigaw ko at pinuntahan s'ya sa may kusina.

"Yes anak?" Sabi n'ya.

"Bakit yung plain cookies 'yung binigay mo kayla Nica? Yung may nips ang kanila!" Sigaw ko sa kan'ya.

"Nak chill, kuya mo nagbigay sa kanila n'yan," nung sinabi 'yun ni papa napalayo agad ako sa kan'ya.

"Sorry papa," bulong ko sa kan'ya at napatawa na lang s'ya.

Pumunta naman akong sala at humarap kayla kuya.

"Tara na kuya," sabi ko sa kan'ya at hinila na s'ya palabas ng bahay.

"Alis na kami pa!" Sigaw n'ya.

"Kuya!" Sigaw ko sa kan'ya ng makasakay kami sa loob ng sasakyan.

"Ano?! Kakagising mo lang ako agad sisigawan mo," Reklamo n'ya.

"Pangalawa ka na, nasigawan ko na si Kim kanina, anyways. Bakit 'yung plain cookies ang binigay mo kayla Nica?" Tanong ko sa kan'ya.

"Bakit? Parehas lang naman na cookies 'yun, and I like the one with nips. Kaya wala kang magagawa," sabi n'ya naman.

"Huh, excuse me ako talaga gumawa nun," pataray ko namang sabi sa kan'ya.

"Oh well nakain na eh, wala ka ng magagawa," pagasar n'ya pa sa'kin.

"Mamaya na kayo magaway, kanina pang nauna sila Nica," pagsabat naman bigla ni Kim kaya tinarayan ko na lang si kuya, at binaling ang atensyon ko sa bintana.

Inistart na ni kuya ang makina ng sasakyan at pinaandar n'ya na ito. Di sa kalayuan kita ko si papa sa labas ng gate kumakaway, habang onti-onti na kaming lumalayo sa bahay.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now