EDITED
Ilang araw nanaman ang nakalipas pero hangang ngayon wala pa rin akong desisyon. Pwede bang wag na lang? ARGH!!!!!
"Kath bilisan mo iiwan ka namin!" rinig kong sigaw ni kuya sa labas ng bahay.
"Andyan na!"
Dali-dali kong kinuha ang bag kong naiwan ko sa kwarto, ng bigla kong nasangi ang picture frame na nakapatong sa desk ko. Isang malakas na pagbasag ang narinig ko at napatingin agad ako sa picture frame. Bad timing talaga!
Kinuha ko agad ang picture na natabunan ng basag na salamin at pinatong sa desk, kinuha ko ang walis at walis tambo. Mabilisang nilinis ang nabasag na frame ng napansin kong nahulog ang picture na pinatong ko sa desk.
Ang picture namin nila papa nung pinanganak pa lang ako, may isa pa kong nakitang picture sa sahig at kinuha 'yun.
Ako? at sino naman 'tong apat na lalaking nasa likod ko?
"Kath ano ba?!" rinig ko nanaman ang muling pagsigaw ni kuya at dali-dali na kong bumaba.
Mabilisan kong nilock ang bahay pati na rin ang gate tsaka agad ako sumakay ng sasakyan.
"Kahit kelan talaga ang bagal mo, sa susunod nga magkomyut ka na lang," reklamo ni kuya ng makasakay ako. Kahit kelan talaga napakareklamador n'ya, EPAL.
"Tse ewan ko sa'yo!" sigaw ko sa kan'ya.
"Aba't sumasagot ka na ah!"
"Malamang may bunganga ako duh!!"
"Huy tumigil na nga kayong dalawa, aga-aga ang ingay n'yo,"parehas kaming napatigil ni kuya ng magsalita si Kim.
Si Kim? Ayun hangang ngayon hindi n'ya pa rin ako pinapansin, tsaka kasalanan ko ba kung hindi pa ko nakakadecide? Hindi lang magkaisa 'yung kaliwang utak ko at kanang utak ko, gets? Nevermind.
"Ah Kim, may activities pa ba tayong gagawin mamaya?" Tanong ko sa kan'ya, alam n'yo rin ba 'yung mahirap? Partner ko sa s'ya sa activity na gagawin namin mamaya, ok pa sana kung grupo.
"Wala na," matabang na pagsagot n'ya.
Tumango na lamang ako at binaling ang atensyon ko sa bintana. Dapat pala nagkomyut na lang ako.
*****
"Hoy Kath! Kanina ka pang nakatulala d'yan, andito na tayo sa school!"
"Eto na," sinakbit ko na ang bag ko at bumaba ng sasakyan, like last time nauna nanaman si Kim sa room. Kahit galit s'ya sa'kin pwede ba s'yang maghintay?
"Bye pa! Ingat ka," sabi ko kay papa bago ko isarado ang pintu ng sasakyan.
Dali-dali naman akong tumakbo papuntang room nagbabasakaling maabutan ko pa si Kim sa labas, at tama nga ang hinala ko.
Lumapit agad ako sa kan'ya at hinawakan ang pulso n'ya.
"Kim!" tawag ko sa kan'ya at tsaka s'ya humarap sa'kin.
"Ano 'yun?" matabang na tanong n'ya.
"Galit ka pa rin ba?" tanong ko sa kan'ya, hindi ba obvious Kathileen?
"Ano sa tingin mo? Tsaka wag mo nga kong tatanungin pag nasa school tayo!" sigaw n'ya sa'kin at tinabig ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa n'ya kaya nainis ako.
"Ano ba kasi problema mo?! Ano bang ginawa kong masama?! Isang linggo ka ng ganyan! Pasensya ka na kung may mali man akong ginawa, nagaalala lang naman ako!" pagkatapos kong sabihin 'yun sa kan'ya pumasok na agad ako ng room namin at umupo sa upuan ko.
YOU ARE READING
'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)
RomanceKathileen Mendoza ang babaeng topakin! Minsan meron minsan wala. Amazona, pero may malabot na puso if you get on her soft side. She knew four boys that made her heart broken. Four boys and four heartbreaks. But there is a past to remember... ©Har...