SIX: ♠ Detention Room ♠

57 5 0
                                    


Carrie's POV

It's been 3 years since huling tapak ko dito sa detention room. Palagi kaming magkasama sa lahat ng oras. Partners in Crime pa nga kami eh. Nong mga panahong yun ang pinakamasayang oras sa buhay ko. Hindi ko feel na nag iisa lang ako.

   Kompleto na ako pag magkasama kami. Palagi kaming nagcucutting class pag boring yung teacher namin. Lagi rin kaming nadedetention nun eh. Parang kada araw na papasok kami sa school ay madedetention kami. Di ko sya makakalimutan. Magkapatid na ang turingan namin.


  Isang araw, binalita na lang sakin ng mama nya nanpatay na raw sya. Di pa nga ako naniniwala nun eh kasi akala ko ginogoodtime lang ako ng mama nya. Pero naisip ko rin na, bakit pa sabihin ng mama nya na patay na sya kung ginogoodtime lang nya ako. Pwede namang sabihing nasa ibang bansa diba? Dun na tumulo ang luha ko ng nakita ko sya sa morgue. Umabot pa nga sa punto na sinisi ko ang sarili ko eh. Sana nong araw na yun ay sinamahan ko na sya.

   Papunta kasi sya nun sa isang car racing. Nong time na din yun ay di ako available kasi may family gathering kami sa angkan ng papa ko. Di ko nga gustong pumunta dun sa gathering na yun eh kaya lang pinilit ako ni mama. Kaya di ako nakasama sa kanya. Kaya nangyari ang lahat ng yun. Ang sarap lang bumalik sa mga alaala kong yun. I really miss you Shanecka Valdez.


  Hanggang ngayon ay di pa rin ako nakakamove on. Pero naisip ko na hindi sya matutuwa kung patuloy akong magmumukmok dito kaya simula ngayon ay ibabalik ko na ang dating ako.

   Wala pa ng panahon na yun sina Daemon. Naghahari hari an lang naman sila nong maging ilap ako sa mga tao. Simula din non ng ayaw ko ng magkaroon ng kaibigan dahil ayoko ng feeling na iniiwan ako.

   Hayy nako. Kanina pa ako dito sa detention room pero wala pa rin akong kasama? Shutabells na buhay to. Ang panget kaya mag isa. Tssk.

                       Engk engk

( tunog po yan ng pagbukas ng pinto :) sorry sa lame sound. Di magaling si Author eh hehe )

Pumasok ang isang babaeng least expected ko na madedetention. Wow ! Parang first time nya madetention ah. Tsk!

Helloooooo! Hyper na pagkasabi nya sakin sabay yakap. Urgh! Ang ingay talaga nitong babaeng to. Parang linta kung makakapit. Feeling close ..

Tsk! Yun lang ang nasagot ko. Wala ako sa mood makipag usap sa kanya. She's so annoying. Umupo sya sa tabi ko nilalaro ang cellphone nya.

Urgh! Tanga naman ng unggoy na to. Di marunong kumapit. Bwisit! Urgh! Ang ingay talaga ng babaeng to. Sana wala na lang akong kasama kung sya lang naman ang kasama ko dito sa loob.

Pwede ba?! Doon ka nga. Sabay turo ko sa banda kaliwa. Nasa kanan kasi ako nakapwesto. Ang laki ng room makikisiksik ka dito tsk! .

Aba! Tiningnan lang ako at bumalik na sa paglalaro. Bwisit na buhay! Aalis na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko.

What?! Pinandilatan ko sya ng mata pero di sya natinag. Argh! Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng to.

Sandali lang naman. Ang high blood nito. Makikipagkaibigan lang naman ako eh. Sabay pout nya. Psh! Childish act again.

 Mafia Heiress [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon